five.

937 53 1
                                    

Ever since that day, ever since nagising si Jema with breakfast beside her, it has also become constant.

Araw araw may breakfast sa tabi niya, or also most of the time dinideliver sakanya ni Deanna sa umaga for breakfast in bed.

Araw araw din yung sunflowers. She could even already build her own garden siguro ng sunflowers because of araw araw na supply ni Deanna.

Pero all of these, nagtataka siya why Deanna is doing it all. The breakfast, maybe she'd understand pa pero the sunflowers? Suddenly it's over the top.

It made her wonder what was Deanna's purpose sa ganito.

She kept in mind na itanong kay Deanna yon when she had the chance.

Deanna: Hey. What are you thinking?

Natanggal naman sa malalim na pag iisip si Jema nung tinawag siya ni Deanna. They're currently on their way sa Antipolo.

It's currently 11:34 pm and Deanna invited her out for a midnight drive. She went along na rin kasi she couldn't sleep either.

2 weeks na siya currently sa Pinas and so far so good. Naapprove na rin ng boss niya na 2 months yung temporary leave niya.

Jema: Wala naman.

Deanna: Inaantok ka na ba? We could go back, you know. Or stop by sa nearby hotel and doon muna tayo matulog para no hassl-

Jema: No no no.

Jema cut Deanna off.

Jema: I'm okay. Lumipad lang utak ko sandali. Anyway, saan ba tayo pupunta? What's with Antipolo?

Tumingin naman sakanya si Deanna sandali and smiled. Agad binalik ni Deanna yung tingin niya sa daan.

Deanna: While you were gone, I found this really nice place. Cliff siya actually but you can see the stars clearly and the city nightlights.

Deanna paused for a while.

Deanna: Doon ako pumupunta when I feel down. Ang sarap ng simoy ng hangin eh. Ako lang nakakaalam doon but I'm going to bring you there. You're the first person I will bring there.

Jema found herself blushing sa sinabi ni Deanna and how soft she said it. Full of sincerity.

She looked away para hindi makita ni Deanna yung blush niya.

Lately nagiging ganito siya. She's very out-of-herself around Deanna. Her heart often beats fast and madalas nagiging conscious siya sa sarili niya.

She would blush when Deanna does something nice. And maliit na bagay napapansin niya at naaappreciate niya about Deanna.

She's thinking na baka dahil lang sa sampung taon silang hindi nagkita at namiss niya lang talaga ito.

Especially after Deanna stopped begging her to come home, she felt that Deanna avoided her intentionally.

Ngayon lang ulit sila naging ganito kaclose and that became her reason kaya she's feeling all these.

Deanna: Medyo malayo pa tayo. Gisingin na lang kita pag nandun na tayo sleep ka muna.

Jema: Are you sure? Baka antukin ka naman?

Deanna: Don't worry, gising na gising pa diwa ko. Trust me.

Tumango naman si Jema at pumikit. Maya maya ay nakatulog na siya

-

Tinititigan ni Deanna si Jema habang tulog. Kanina pa sila nasa Antipolo pero kinuha niya tong chance na to para titigan siya.

Deanna brushed away the strands of hair sa mukha niya. She smiled nung mas nakita niya mukha ni Jema.

"Grabe, you're the only one who can make me feel this way. Simula pa lang ng panahon, ikaw na. At ikaw lang palagi. Sana walang magbago after nito." Sabi ni Deanna sa isip niya habang ang mata ay na kay Jema pa rin.

Konti konting nagising si Jema. Nang makita niyang nakatitig sakanya si Deanna ay agad siyang umiwas ng tingin at tumingin sa paligid.

Jema: Nandito na ba tayo? Kanina pa ba?

Inalis ni Deanna ang titig niya at tinanggal na seatbelt niya.

Deanna: Hindi naman. Gigisingin palang sana kita kaso nagising ka na.

Bumaba na si Deanna ng kotse at pumunta sa kabila para pagbuksan si Jema.

Bumaba naman si Jema sa kotse at napahawak sa braso niya sa lamig.

Tinanggal ni Deanna ang jacket niya at ipinatong kay Jema. Namula naman ang pisngi nito.

Jema: S-Salamat...

Deanna: Tara na. Konting lakad pa.

Jema: Anong oras na?

Deanna: Ala una na.

Tumango naman si Jema at susunod na sana kay Deanna kung saan man ito pupunta pero nagulat siya nang hawakan ni Deanna ang kamay niya.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya at mas namula ang pisngi niya.

"What's happening to me? Nagpapalpitate ba ako?" Jema thought. Nakatingin lang siya sa magkahawak na kamay nila ni Deanna.

Deanna: Oh ano? Dyan ka na lang? Tara na.

Dahil sa gulat ay nagpahila na lang siya kay Deanna. Sa loob looban niya ay sinusubukan niyang pakalmahin yung puso niya.

Nang makarating na sila sa dulo ng bangin, napanganga si Jema sa ganda ng view mula dito. Ala una na pero active na active pa rin yung city nightlights.

Isama mo pa yung malamig na simoy ng hangin.

Yung maliwanag na sinag ng buwan.

Yung mga tala sa taas na kumikinang.

At ang mas lalong nagpaganda sa lahat, ay yung katabi niya na tahimik lang na nakamasid sa view.

Magkahawak pa rin ang kamay nila. Yung jacket naman ni Deanna ay nakapulupot pa rin sakanya kaya naman amoy na amoy niya rin yung perfume ni Deanna sakanya.

And somehow, it felt home. Not because of the place, not because of the view...

But because of whom she is with.

Maya maya nakakuha na ng lakas si Jema magsalita.

Jema: Ang ganda ng view dito.

Nakita niya naman mula sa peripheral view niya na tumingin sakanya si Deanna at ngumiti.

Deanna: Oo nga, ang ganda.

At muli, namula ang pisngi ni Jema dahil nakatingin sakanya si Deanna nang sabihin niya yon.

"Why am I feeling this way? Pakiramdam ko nagmarathon ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko." Sabi ni Jema sa isip niya.

Nanahimik na lang muna ulit siya.

Huminga siya ng malalim at muling nag-attempt magsalita.

Jema: Gusto mo ba umupo? Baka nangangalay k-

Deanna: I love you.

***

the decade of longing [ jedean / gawong ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon