seven.

888 51 1
                                    

Jessica Margarett Galanza
POV

Jia: Hala, seryoso?!

Nakita ko naman na nagtinginan halos lahat samin ng tao sa restau.

Jema: Shh! Pwede ba, hinaan mo boses mo Ji!

Tumingin si Jia sa paligid at nakita niya nga na nakatingin samin yung mga tao. Nagsmile naman siya sakanila at nagmouth ng sorry.

Jia: Sorry na bes. Ikaw kasi! Biglaan mo kung sabihin na umamin na pala yon si Deanna sayo?

Jema: Pala? So alam mo?

Tumawa naman si Jia na ipinagtaka ko.

Jia: Duh, bes, kahit hindi sabihin ni Deanna, though sinabi niya dati, ay mali, NASABI niya dati kasi nahot seat namin siya, ang obvious kaya!!

Huh? Obvious? Eh kahit minsan hindi ko nga naisip na ganun na pala nararamdaman ni Deanna sakin. Akala ko tingin niya lang sakin bestfriend.

Jema: Anong obvious ka dyan? Ang sabihin mo, ma-issue lang kayo!

Jia: Loka! Sige nga, naalala mo noong mga time na nagdiditch ng klase yon si Wong para lang ihatid sundo ka? Na kahit pagalitan mo ilang beses, hindi naman nakikinig?

Tama si Jia. Noong students pa lang kami, talagang nagcucut siya ng klase for me. Basta pag kailangan ko siya. Ilang beses ko na siya sinasabihan na priority niya yung studies niya pero lagi niya sinasabi sakin noon- "You will always be my number one priority."

Jia: Eh noong pumupunta siya sa bahay niyo na madilim pa ang langit para lang ipagluto kayong dalawa ng breakfast at sabay kayo pumasok?

Tama ulit si Jia. Kaya ako nasanay na ginagawan niya ako ng breakfast even before niya gawin yon sa pagbalik ko sa pinas, talagang pumupunta siya sa bahay namin noon ng sobrang madaling araw para makapagluto.

Pabor naman si mama kasi mas nakakapagpahinga siya. Dahil don, sabay kami lagi nagbebreakfast ng luto niya at sabay rin kaming papasok.

Jia: Tapos yung birthday mo noon. Si Deanna, alam naman natin na makakalimutin yan ng birthday ng iba kaya marami nagtatampo dyan. Mismong kapatid niya nakakalimutan niya birthday. Pero pag sayo 1 or 2 months ahead nagpaplano na siya ng surprise at kinukuntsaba kami.

Nagpatuloy si Jia sa pagpapaalala sakin ng mga ginawa ni Deanna na nagpa-obvious daw sakanya sa nararamdaman niya para sakin.

Samantalang ako, sa lahat ng mga time na yon hindi ko inisip na ganun na pala yun. Kasi basta ang alam ko, masaya ako kapag kasama ko siya.

Masaya ako na nasa buhay ko siya.

Jia: So ano na plano mo nyan, Galanza? Paano mo siya naiwasan kaninang umaga?

Napatingin naman ako sa labas ng bintana ng restaurant at inisip kung tama ba yung ginawa ko kaninang umaga. Kagabi, or should I say, kaninang madaling araw lang kasi nangyari yung pag-amin niya.

Hindi ako makatulog ng maayos kaya nag isip isip na rin ako kung anong gagawin ko after nito.

Jema: Ano kasi...

Jia: Ano? Nako bes ha. Hindi ko gusto tono ng boses mo.

Bumuntong hininga naman ako. Sobrang bigat ng puso ko pero siguro dahil naguguilty lang ako.

Jema: Hindi ko naman siya kinailangan iwasan, maaga siya umalis kasi back to training na siya. Pero hindi naman siya tumigil sa breakfast at sunflower...

Jia: Oh tapos? Omg! Don't tell me-

Jema: Oo, Ji. Hindi ko kinain yung breakfast na pinrepare niya.

Flashback

Nagising ako ng walang rason. Siguro dahil hindi naman malalim ang tulog ko dahil nga sa kakaisip ko kung paano ko ihahandle tong situation na to.

Pagtingin ko sa side ko ay may tray ulit ng breakfast at may sunflower.

Naghesitate ako kung babasahin ko ba yung note sa may mug pero binasa ko nalang din in the end.

Good morning, Jema! I promised you na walang magbabago, diba? Let's just forget yung nangyari kaninang madaling araw sa Antipolo. This breakfast and sunflower has nothing to do with that kaya you don't have to worry about me trying to pursue you or try to make you return the feeling.

Anyway, putting that aside, back to training na ako kaya maaga ako umalis. Iniwan ko na si JM sa parking lot ng building kaya you can go wherever you want to go. Ingat ka and have a nice day. See you later! -D

Tinignan ko yung breakfast na ipinrepare niya. As much as I wanted to eat it kasi gustong gusto ng tyan ko yung luto niya, naisip ko naman na... what if this gives her false hope?

Na baka dahil parang accept lang ako ng accept ng mga binibihay niya eh akalain niya na I'm giving her a chance.

In the end, I just called Jia para samahan ako magbreakfast.

EOFB

Nanahimik naman si Jia sandali at tinitignan lang ako na may malungkot na ngiti.

Jema: Huy! Say something naman, Ji.

Tinignan naman ako ni Jia at nakita ko yung lungkot sa mata niya.

Jia: Ang harsh mo sa part na yun bes.

Jema: A-Ayoko lang kasi siya bigyan ng false hope, Ji.

Jia: Kahit na. Kilala ko yun si Deanna, Jema. Kapag sinabi niyang no pressure intended or sinabi niya na wala siyang ulterior motive, na papaasahin niya sarili niya, wala yan.

Jema: I don't know... nahihirapan ako kaya this is the safest way possible.

Hindi na nagsalita si Jia at bumuntong hininga na lang. Kahit ako ay napabuntong hininga. Nahihirapan ako sa sitwasyon namin ni Deanna.

Hindi ko alam kung ano gagawin ko.

Hindi ko alam paano ako aakto.

After namin magbreakfast, tumambay muna ako sa house nila ni Miguel. May sarili na silang house kasi after a few years after ng graduation namin sa college, nagpakasal na sila.

Bigla namang nagpop sa isip ko si Deanna nung tinitignan ko yung pictures ni Jia at Miguel at naisip ko na ang saya siguro na may kasama kang tumanda na talaga.

Agad ko naman tinanggal si Deanna sa thoughts ko at umupo na lang sa sofa.

Maya maya, naramdaman ko na nagvibrate yung phone ko. Chineck ko naman sino nagmessage.

*1 message received
Deanna

Hindi ko alam pero naramdaman kong lumakas tibok ng puso ko. Siguro dahil sa kaba dahil hindi ko nga kinain yung breakfast. Oo, yun nga.

From: Deanna

Hey, just got home from morning training. Nakita kong hindi mo kinain yung breakfast. Ayaw mo ba? Sabihin mo lang pag may request ka ha? You know naman I can cook anything for you. Anyway, where are you? Want to grab lunch? Mamayang 3 pa naman training ko ulit.

Usually, ganito naman talaga ka-sweet at thoughtful si Deanna pero this time, uncomfortable na ako dahil alam kong may iba siyang nararamdaman para sakin.

Naisipan kong hindi na lang siya replyan. Bahala na.

Jia: Oh, napano ka J? Hindi ko maipinta mukha mo ah. Hindi ko alam kung nalulungkot ka ba o naguguluhan or ewan, basta.

Tinago ko naman yung phone ko na sa bulsa. Ayaw ko na sabihin kay Jia na nagtext si Deanna. Alam kong hindi niya magugustuhan yung mga desisyon ko ngayon.

Jema: A-Ah wala, nagugutom lang ako. Tara lunch?

Jia: Tara.

***

the decade of longing [ jedean / gawong ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon