Paper Planes - Our Promise.

632 9 1
                                    




I'ts been 6 years. 



Anim na taon ka ng wala. Anim na taon na ang lumipas.


Pero bakit ganun Ven? Mahal na mahal pa din kita.

Hindi nabawasan, hindi nagbago.



"Miss na miss na kita Venice..." 


Pumikit ako at hindi ko mapigilang bumulong sa kawalan"Baka gusto mong bumalik?" 



Umaasa pa din ako.. na sana makarating sa kanya. 



Baka sakaling bumalik pa siya.



Huminga ako ng malalim.



"Kuya?" 



Napalingon ako sa humihigit sa laylayan ng polo ko. Napatingin ako sa mukha niya, she really looks like her. Katulad ko, malungkot din siya.


"Oh? Bakit ganyan mukha mo?" lumuhod ako para magsing-taas na kami "Di bagay sayo" tumawa ako ng mahina.


Lumapit sa tenga ko ang bibig niya at saka sumigaw ng malakas "KUYA VINCE! YUNG PAPER PLANE KO NANDUN NA!" 


Napapikit ako dahil sa lakas ng boses nya.



She pointed the blue sky and pout  "Ano nang gagawin ko Kuya? Can you please get that for me?" malungkot niyang pagkakasabi. 



Nginitian ko lang siya.



"Malayo pa mararating nun Chandy, malay mo makarating pa yun sa ate mong patay na patay saken." tinapik ko ang ulo niya at ginulo ang buhok niya.



Then she smile. Kuhang-kuha ka talaga niya Venice.











"Ano ba Vince?! Buhok ko yan-ugh! Bwiset naman tong payatot na hilaw-"

Paper PlanesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon