"HOY VENICE! Gising na! Ven!" niyugyog ko siya sa balikat. Andito na ako sa bahay nila at ginigising siya.
Nagpapasama kasi siya di ba? Kaso tulog mantika eh.
Sumigaw siya at itinulak palayo ang kamay ko "AYOKO! Inaantok pa ako eh." sabay punta dun sa kabilang dulo ng kama
"Dali na Ven. Sasamahan na nga kita mag-grocery, ayaw mo pa? Iwanan kita diyan eh." nagtaklob lang siya ng kumot at unan sa mukha.
"Mamaya na lang Vince. Maaga pa, sarado pa yun. SA BABA KA NA! Antok pa ko eh." sabay bato ng unan sa may pinto.
"Venice. Isa." binilangan ko na siya. Ewan ko lang kung di pa to bumangon.
"Argh! Vince! Gusto ko pa matulog!" tapos gumulong-gulong siya dun sa may kama niya.
"Dalawa."
Bigla siyang umupo tapos tiningnan ako ng masama. "Oo na, oo na." tumayo siya at tinulak ako palabas "Dun ka na sa labas. Tsupi! Bilis." sabi niya habang tinutulak ako
"Intayin na lang kita dito." sabi ko sa kanya bago lumabas ng kwarto niya.
After million of centuries. Muling nabuhay ang mga dinosaurs.
"PAG-IBIG KO SAYO'Y TOTOOOOOOOO. NI WALANG HALONG BIIIIIIIROOOOOOO, KAYAAAAA SAAAANA'Y PANIWALAAAAAAAN MO ANG PAG-IBIG KO SAYOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!"
"Ven, masakit sa tenga. Bilisan mo. Lumabas ka na diyan." sabi ko habang kinakatok yung pinto niya.
"ANG PAG-IBIG KO SAYOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!"
![](https://img.wattpad.com/cover/2194835-288-k21424.jpg)
BINABASA MO ANG
Paper Planes
Teen FictionI lost her forever by letting her go and just like a paper plane which was released through the wide sky, she didn't return.