The number you have dialed is either unattended or out of coverage area-
I cancel the call. Bakit kaya hindi niya sinasagot yung tawag ko. Ano na ba nangyari dun?
"Asan na ba yun?" itetext ko na lng.
To: Venice BABE
nasan ka na? bakit di mo sinasagot tawag ko?
Tumingin-tingin ako sa paligid. Sakto namang nakita ko si Lester na tumatakbo papunta dito.
"VINCE!" sigaw niya habang papalapit. Mukhang may ginawa na naman tong problema. Gago na naman, mukhang nagpaiyak ng babae.
"Sino na namang babae ang niloko mo?" tanong ko sa kanya ng makalapit sya saken.
"Hindi. Ano kasi-ahmm." huminga muna siya kasi hingal na hingal na siya. Tapos nagsalita na siya na ikinainit ng ulo ko "Si Venice nasa hallway nakikipag-away. Bilisan mo, ayaw kasi pa-" hindi ko na siya pinatapos. Tumakbo na agad ako papuntang hallway.
"SHIT! BAKIT MO KO SINAMPAL HA?! KABABAE MONG TAO-" sigaw ng isang lalaki.
Malayo pa lang ako, alam ko na kung sinong kaaway ng lalaking sumisigaw dito. Ven naman eh, anong gulo na naman to?
"Excuse me. Excuse." nakisiksik ako dun sa nagkukumpulang mga estudyante "Sorry. Excuse me. Padaan ako."
Ano na namang ginawa ni Venice?
"BAKIT? BAKLA KA? HA? ANG KAPAL MO DIN ANO! BABAE YUNG SINUNTOK MO KANINA! KAIBIGAN KO YUNG SINUNTOK MO KANINA. BABAE YUN! KULANG PA YAN! EH KUNG BASAGIN KO YANG MUKHA MO! PALAG KA?!"
Si Venice yun, sigurado ako. Binilisan ko ang lakad ko para makarating agad sa kanila.
BINABASA MO ANG
Paper Planes
Teen FictionI lost her forever by letting her go and just like a paper plane which was released through the wide sky, she didn't return.