G2BATP 15: She's what?

2.2K 37 16
                                    

[PS: Panoorin nyo yung multimedia:) Para mabalik sa memories nyo ang G2B moments]

COMMENT kayo para malaman ko yung feelings nyo sa ginawa ko. PLEASE! Para ma-inspired ako gawin ng maaga yung next update :)

*********

G2BATP15 



JOAQUIN'S POV 


"Gummy bear, ubos na ba yung mga pickles?" tanong nya habang naghahanap sa ref at sa mga drawers. 


Ha? 


Nababa ko yung tasa na hawak ko dahil sa tanong nya. Pickles? Kailan pa sya nahilig sa pickles? 


"Bakit? Wala na ba yung binili ko last week nung naggrocerry tayo? Dalawang bote yun ah? dinagdagan pa nga natin ng isa dahil sabi mo Dapat tatlo para I Love You. Baka andyan lang yan. Alangang naubos kaagad un." gulat na sabi ko sa kanya. 


Napaisip ako bigla. 


Last time na nakita ko sya kumakain nun eh nung isang araw habang nanunuod sya ng tv. Alangang naubos nya yung isang bote na yun habang nanunuod sya?


"Eeeeh! Bakit wala na kung marami pala? Psh! Bili tayo nun ulit ah." pagi-inarte nya. 


Pumunta sya sa lamesa na may dalang ice cream at apple. 

"Ice cream sa umaga?" pagtataka kong tanong sa kanya. Maaga pa kasi para dun kahit na may apple sya.  Nilagyan ko ng ham at hotdog yung plate nya at itinabi yung ice cream pero kinuha nya ulit. Kulit talaga nito.

Hinayaan ko na lang sya kasi kakainin din naman nya yung nilagay ko sa plate nya.


"Carebear," tawag ko sa kanya. 

"Um..." sabi nya habang kumakain ng ice cream at apple. Parang ang pangit ng combination noh? 

"Wala pa bang baby jan sa tyan mo?" tanong ko sa kanya. 

"BBUUWAAK ACKK" Halos mabuga nya yung nasa loob ng bibig nya sa tanong ko. 

Bakit sya naduduwal? Di kaya?



"Hala? Ok ka lang ba? Ano buntis ka na ba, Carebear?" napatayo ako at hinimas himas yung likod nya. Pinainum ko sya ng tubig. 


"Baliw hindi! Naluwa ko yung pagkain ko dahil sa tanong mo. Saan mo ba nakuha yang tanong mo na yan, Gummybear?" Sagot nya sa akin habang pinupunasan yung bibig nya. 


"Akala ko naman naduwal ka na dahil may baby na tayo. Kasi di ba sa mga nababasa ko ganun daw yun pag naduduwal. Wala lang baka kasi meron na tayong baby. Natutulog lang pala sya dyan." sabi ko habang nagiimagine na ng kung anu-ano. 

"Pagnaduduwal baby agad? Loko ka talaga. Umuwi ka ng maaga mamaya ah." sabi nya sa akin.




CHICHAY's POV 

Ilang oras na rin mula ng pumasok si Joaquin. May pinapagawa kasi si Papa sa kanya sa opisina. 


At ako? 



Heto, kanina pa nakatingin sa salamin. Tinitignan ko kung may nagbago ba sa katawan ko. 


"Wala namang nagbago sa akin ah?" bulong ko sa sarili ko. Kasi di naman ako tabain. 

Bigla kong naisip ulit ung tanong ni Joaquin kanina. 


"Baby daw?" bigla akong napahawak sa tyan ko. Kinurot kurot ko yung maliliit na taba ko. 


Waah! 


Di ko alam anong gagawin ko. isa't kalahating buwan palang mula nung galing kaming honeymoon tapos ano? baby agad? 


Napailing nalang ako sa mga naiisip ko ng biglang tumunog yung phone ko. Si Joaquin pala tumatawag. 


"Hello, Joaquin?" 

"Kamusta ka naman jan sa bahay?" tanong nya. Gusto ko sanang sabihin na "Hello dalawang oras pka pa lang nwawala mangamusta." Kaso wag na haha.

"Ok naman ito nagliligpit lang ng ilang gamit. Miss agad? Haha." pagbibiro ko sa kanya.

"Nako miss na miss na miss. Kung pwede nga lang pag free time ko dito sa office kahit saglit uuwe ako jan para lang yakapin at halikan ka eh." pambobola na naman nya.

Got To Believe -- AFTER THE PROPOSAL (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon