One Shot

67 1 0
                                    

                 Sa school namin, sa canteen, nagkita ang dalawang magkababata na sina Joice at Jay. Pumunta sila doon para kumain ng tanghalian, natural canteen nga e, edi kainan. Ok, so back to the story.

               Si Jay, matalino, athlete, at masiyahing tao, yun nga lang may pagka-spoiled; pero hindi naman masyado. Sanay si Jay na laging top 1 o laging nauuna sa klase nila, nang biglang dumating si Joice sa buhay niya.

Si Joice na mabait din, masipag, at matalino; hindi lang basta matalino kundi mas matalino pa kay Jay. Kaya naman itong si Jay, naasar at nayabangan kay Joice, kaya lagi na siya ditong nakikipag-asaran at syempre lagi na rin silang nagkakasama.

Dahil doon, na-develop ang feelings nung dalawa sa isa’t – isa, biglang nag-iba ang pakiki-tungo ni Jay kay Joice kaya nagtaka ito. Hindi kasi nila alam pareho na may gusto sila sa isa’t – isa kasi ito namang si Jay napaka – torpe masyado! Ang lakasa mag-yabang tapos pag naman magko – confess ng feelings niya para kay Joice ay hindi naman niya magawa… hay naku, pa’no na ito…?Pagkatapos nilang magtanghalian, pupunta n sana si Joice sa susunod na klase nila, P.E . Magka-iba kasi ang room ng pambabae at lalaki tuwing P.E nila, kaya nauna na si Jay…

“ Joice mauuna na ako sa iyo ha? P.E na naman kasi, baka pagalitan pa ako ni Sir, nakakatakot pa naman iyon magalit. Sige na mamaya na lang ulit! “ ang sabi ni Jay bago siya maka – alis.

Napansin ni Joice na may tatlong babae na nagtatawanan, sa di inaasahang pagkakataon, narinig niya ang pangan niya nang magsalita ang isa sa tatlong babaeng nag-uusap.

“ Alam mo nakaka-asar lang talaga na nagkagusto si Jay kay Joice, ni hindi naman siya maganda, maputi lang naman siya eh tapos ang plain – plain pa niya. Hmp! “ sabi ng isa.“ Oo nga, masa maganda pa nga tayo kesa sa Joice na iyon diba, Sis? Tanong noong isa sa katabi niya. Mukhang leader nila.

“ Ano ba naman kayo, syempre gwapo si Jay kaya natural lang na magkagusto siya sa kabaligtaran niya. Isang panget! “ sabi niya saka sila tumawa, ako naman umalis na sa canteen at heto papuntang room.

Naku! Buti na lang talaga mahaba ang pasensya ko, kung hindi, matagal ko na silang sinabunutan! Kainis! Pero teka, totoo ba iyong sinabi nila na may gusto sa’kin si Jay?

After three weeks…

“ Joice sasama ka ba sa film showing natin sa Saturday? “ ang tanong sa’kin ng isa sa mga classmate kong babae.

“ Oo naman, bakit? “ ang tanong at sagot ko at the same time.

“ Wala lang, pinipatanong kasi ni Jay. “ sabi niya saka umalis…

Ahh…

 

Araw ng Sabado ( film showing )…

“ Joice, saan ka pupunta pagkatapos nating manuod? “ ang tanong sa’kin ni Jay. Magkalapit kasi kami sa upuan.

“ Malamang sa kainan syempre. “ sagot ko.

“ Saan ka kakain? “

“ Kahit saan. Bakit, ililibre mo ako? “ naka-ngiti kong tanong sa kanya.

“ Oo, bakit ayaw mo ba? “ sabi niya.

“ Wow! Anong nakain mo at na - isipan mong man libre? “

“ Ayaw mo ba o gusto? “ 

“ Gusto syempre. “

“ Edi wag ka na lang magtanong kung bakit. “ simple niyang sagot. Ok, sabi mo eh.

 Natapos na ang palabas, at katatapos lang naming kumain ni Jay, sa ngayon naghahanap ako ng libro dito sa National Bookstore, siya naman sabi may bibilihin daw siya kaya hinayaan ko na lang.

I'll Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon