11. I'm Her Visitor

27 3 0
                                    

Kai's POV:

Mamaya pa kami pupunta ng EXO sa SM para magpractice.Kaya naman naisipan kong bisitahin si Katie sa dorm n'ya.At si Chanyeol hyug lang ang nakakaalam nun.Alam ko kasing maiintindihan niya ako kung bakit ko 'to ginagawa.Di naman sa wala akong tiwala sa ibang members.Ayoko lang masaktan ko sila.

Nandito na ako sa entrance ng dorm ni Katie,kakatok na sana ako kaso napansin kong bukas pala 'yung pinto.

"Katie." Tawag ko,pero walang sumasagot.

"Katie,nandyan ka ba?Papasok na 'ko ha?Si Kai 'to." Wala pa rin sumasagot,kaya pumasok na ako at...

"HAHAHA..." May narinig akong tumatawa.At nung tingnan ko sa may kusina...si Katie pala.Nakaupo siya sa may table,tapos may kaharap na laptop at naka-earphone.Kaya siguro hindi siya sumasagot kasi di nya ako naririnig.Ano kayang pinapanuod niya at tumawa na ng tumawa?

Na-curious ako kaya nilapitan ko siya para makita kung ano ba 'yung pinagkakabusyhan niya.At mukang focus siya ha?Di man lang nya narinig ang paglapit ko sa kanya.

What the?!Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko nung makita ang pinapanuod niya.Ang title: Mistakes,funny and cute moments...Only Kai.At talagang tuwang-tuwa pa siya na makita 'yung pagkakamali ko ha?

At nung matapos na siya manuod tinanggal na niya 'yung earphone at pagtalikod niya...

"AHH!!!..." Sigaw niya.

"Muka ba akong ghost,para matakot ka ng ganyan?"

"KAI?"

"Oh bakit?"

"Bakit ka nandito?" Grabe naman ang tanong ng babae na 'to.Parang ayaw na ayaw nya ako dito sa dorm nya ah.

"Bakit?Bawal ba?Sige alis nalang ako."

"Ahh...hindi yun ang ibig kong sabihin.I mean,bakit ka nandito?Napadalaw ka yata?"

"Ahh...Naisipan ko lang na kamustahin ka."

"Ahh...Hehe.Kanina ka pa ba?"

"Hmm...Medyo.Sapat na para marinig ko ang malakas mong pagtawa habang pinapanuod ang video na yan." Umupo na ako sa may malapit sa kanya at umupo na rin siya.Haha.Mukang nahiya siya.

"Mianhe.Eh kasi naman nakakatawa ka talaga.HAHAHA." Tumawa na naman siya.

"YAH!Tama na nga 'yan.Ba't mo ba kasi pinapanuod yan?At saka saan mo naman nakuha yang video na yan?"

"Ano ka ba?Nasa youtube kaya yan.Masyado kasi kayong busy kaya di nyo na masyado napapansin ang mga bagay-bagay sa earth."

"Oo na,Ms.Nature."

"Ms.Nature?Saan naman nanggaling yon?"

"Wala!Nevermind na lang."

"Okay." Tapos pagtingin ko sa kanya.Parang pigil-pigil pa rin siya sa pagtawa?

"Ano ba?Tumigil ka na nga dyan sa pagtawa."

"HAHAHA...Peace.Mianhe.Sige na hindi na ako tatawa." Hindi na raw tatawa pero nakahawak sa tiyan.

"Nakakatawa ba talaga?" Pagkatanong ko nun,bigla na naman siyang tumawa ng malakas.

"HAHAHA...Sobra,oppa.Gusto mo bang panuorin?"

"Hindi na.Baka hindi ka na makahinga pag pinanuod pa natin.Marami ba talaga akong mali?Oh,sagutin mo lang,di mo kailangan tumawa."

"To be honest?Oo.Eh kasi naman,ba't ka ba kasi nadudulas sa concert nyo?"

"Madulas 'yung floor,kaya ganun."

"Ang sabihin mo,malikot ka kasi kaya ka nadudulas."

"Hindi ha.Tama na nga yang usapan na 'yan.May practice kami ngayon sa SM."

"Oh tapos?"

"Hindi ka ba pupunta dun para magpractice?"

"Hindi.Bahala na pag may tumawag sa'kin."

"Kapag may tumawag sa'yo?Bakit?Pwede ka namang magpractiice mag-isa ah."

"Mag-isa?Ayoko nga.Nakakatamad 'yon.Wait!Niyayaya mo ba akong manuod sa inyo magpractice?"

"ANIYO!Swerte mo naman."

"Malay ko ba baka gusto mo ng inspirasyon kaya gusto mo ako papuntahin dun?Haha."

"Ewan ko sa'yo.Sige na,alis na 'ko." Tumayo na ako at pumunta sa may pinto. "Itigil mo na 'yang panunuod mo dyan,baka mainlove ka pa sa'kin."

"Wow ha?"

"Wag ka na mag-complain dyan.At itong pinto,always make sure na sarado bago ka manuod ng kung anu-ano dyan.Tapos naka-earphone ka pa.Paano kung hindi ako 'yung dumating kanina?"

"Pero,ikaw naman 'yung dumating,diba?"

"Oh,wag ka na pilosopo,sumunod ka na lang."

"Opo,sige na."

"Sige,alis na 'ko.Annyeong."

"Annyeong."

When EXO Member Falls in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon