Chapter 2

11 0 0
                                    

Chapter 2

Dumiretso na kami papunta sa bahay nila pagkatapos mamalengke. Nagsisi na akong naglakad lang kami. Paano ba naman, pagkalabas namin ng palengke ay inabot agad sa akin ni Yuston ang mga pinamili. Nasa akin ang pinakamabibigat na binili habang ang gagaan naman nung sa kanya.

Natauhan siguro nung nakita yung gwapong nagtitinda sa palengke. Dapat talaga sinulit ko na ang pagiging gentleman niya kanina. Sinayang ko na naman ang pagkakataon.

"Pwede pakibilisan gurl? Ang bigat ng dala ko ah?"

Ang arte ng baklitang to ah?! Sinamaan ko lang siya ng tingin at diretsong naglakad

Kung wala lang talaga akong hawak kanina ko pang sinabunutan itong lalaking ito. Patay ito sa akin mamaya pagkadating sa bahay nila.

"Gurl 25 mins na tayong naglalakad. Dapat kanina pa tayong nasa bahay. My goodness!"

Napatigil ako sa paglalakad at tinitigan ng masama ang lalaking nakaharap sa akin ngayon. Ibinaba ko ang aking mga bitbit at dumiretso sa kanya.

Mukhang naalerto naman ito at nagtitili habang unti-unti akong lumalapit sa kanya.

"Help! Sasaktan ako ng babaeng ito! Help! Oh my gosh! Ang aking precious hair!" Sigaw nito ng maabutan ko siya

Wag niyo kong irereport sa pulis ha? Pero sinabunutan ko ang lalaking ito hanggang sa makaramdam ako ng contentment.

"You're welcome! Pakikamusta na lang pala kay tita. Una na ako. Bye!"

Kinuha ko muna ang aking mga dalang pinamili kanina at inabot sa kanya bago tuluyang umalis.

Kitang-kita ko pa ang pagsimangot nito nang makita akong papalayo sa kanya. Malapit na naman ang bahay nila. Mga dalawang bahay na lang.

Ininis ako ni bakla eh. Ang ayaw ko pa naman ay yung mga reklamador. Ako na nga nagdala nung mabibigat ng pinamili tapos siya pa ang may ganang magreklamo?! It's a no no for me.

Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso na muna ako sa playroom ni kyle. Naabutan ko ang aking kapatid na naglalaro kasama si manang Sita.

"Naku iha buti at nandito ka na. Hindi pa ako makapaglinis ng bahay at walang magbabantay kay Kyle. Umalis naman ang mommy mo at may urgent meeting daw sa trabaho niya"

"Ay sige po manang. Ako na po muna ang maiiwan dito kay Kyle"

Dumiretso ako sa tabi ni Kyle at binuhat ito.

"Sige iha. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan kayo" sabi ni manang at lumabas na ng kwarto

Tumingin naman ako sa aking kapatid na ngayon ay nakikipagtitigan sa akin.

"Alam mo Kyle, nakakainis yung kuya Yuston mo. Ang arte arte. Buti at sabunot lang inabot niya sa akin. Mabait pa ako ngayon"

Nakatitig pa rin sa akin ang kapatid ko na para bang naiintindihan nito ang aking sinasabi.

"Pero alam mo ba, minsan may kakaiba sa kanya" napaisip naman ako sa aking sinabi. Sa kanya nga ba may kakaiba? O sa akin?

"Lately kasi mas napapansin ko ang maliliit na gestures niya. Parang dati naman wala akong pakialam doon. Ano bang nangyayari sa akin?"

Nakita kong ngumiti ang kapatid ko at hinawakan ng maliliit nitong mga kamay ang aking pisngi.

Napangiti na lang ako sa ginawa nito. Baka dapat kong kalimutan 'yon. Baka masyado lang akong observant sa mga nangyayari sa paligid.

Ibinaba ko na ang aking kapatid at diretso itong naglakad sa pinto. Lumapit naman ako dito para pagbuksan ng pinto.

Nagulat naman ako nang makita ko ang lalaking pinag-uusapan namin ni Kyle kanina. Mukhang kakatok ito dahil nakataas ang kanyang kamay pero mukhang naunahan ko ito sa pagbubukas ng pinto.

Bigla kong naalala ang mga sinabi ko kanina.

"Kanina ka pa diyan?" Kinakabahan kong tanong dito. Narinig kaya niya ang mga sinabi ko kanina?

"Kakadating ko lang. Bakit?"

Tinignan ko ito ng maigi at mukha namang wala siyang narinig.

"Wala lang. Bakit ka nandito?" Naalala ko naman ang nangyari kanina kaya't pinagtaasan ko ito ng kilay.

"Duh. 'Di mo binalik yung sukli kanina. Baka hanapin sa akin ni mom. Pagiimbunahin mo pa ako ha"

Nadisappoint naman ako sa sinabi niya. Akala ko naman manghihingi ito ng sorry. Ano pa nga bang aasahan ko dito?

Kinuha ko ang pera sa bulsa at malakas ipinalo kamay ko sa kamay nitong nakalahad sa harapan ko. Nakita ko ang pagngiwi nito at bago pa siya magsimula sa pagrereklamo ay sinarhan ko na ito ng pinto.

Narinig ko ang mga malalakas na yabag ng paa nito palayo sa playroom ng kapatid ko. Halata naman sa tunog ng mga yabag na galit ito.

Napatingin naman ako kay Kyle na bumalik na pala sa paglalaro. Buti pa itong batang ito. Walang pinoproblemang lalaki.

Nagstay pa kami sa loob ng kwarto bago napag-isipang lumabas dahil gutom na daw siya. 2 years old na ang kapatid ko at nakakapagsalita naman na siya ng mga simpleng words kagaya ng 'papay' which means tinapay, 'ter' which means water.

Nakakahiya naman kung tatawagin pa namin si manang para lang kumuha ng panglunch niya. Malapit na kasing mag 12pm kaya gutom na siya.

Dumiretso ako sa kusina at nakita kong nakapagluto na si manang ng ulam. May gulay at isda ng nakahanda sa lamesa. Kumuha ako ng kalabasa at dinurog ko muna sa kanin bago ko isubo sa kapatid ko.

Pagkatapos niya kumain ay kukuha na dapat ako ng uulamin ng makitang kong bumalik si Yuston.

Tinaasan ko muli siya ng kilay at yun din ang ginawa niya sa akin. Binuhat ko muna ang aking kapatid at baka malaglag pa siya sa upuan sa sobrang kulit.

"Ano na namang ginagawa mo dito? Kumpleto ang sukling binigay ko sayo ah?" Mataray kong sabi

"Magbihis ka at pupunta tayo sa mall. Isama mo na din si baby Kyle."

Nagtaka naman ako sa sinabi nito at unti-unting nagsasalubong ang aking kilay

"At bakit? Uutusan mo na naman ako? Sorry but it's a no"

Mukha namang nainis ito sa sagot ko at nagulat ako sa sunod nitong sinabi.

"Magbibihis ka ng iyo o ako ang magbibihis sayo?" Mukha namang seryoso ito ngayon kaya dumiretso na ako sa kwarto kasama si baby Kyle pero 'di pa rin natatangal ang pagkasalubong ng aking kilay habang nakatingin sa kanya.

"Bilis"

Sabi nito na nakapagpatakbo sa akin papunta sa kwarto.

Turning Him Back to a HeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon