Chapter 1

9 0 0
                                    

Chapter 1

"Kiera anak! Pakipuntahan naman si Kyle. 'Di ko lang maiwan itong niluluto ko at baka masunog."

I stopped reading and closed my book. It's weekend and I don't have nothing to do so I went to my baby brother who's currently crying at the living room. 3 years na din ang nakakalipas simula nung nanganak si mommy. For the past 3 years, hindi na namin muling pinag-usapan ni Yuston yung nangyari. Walang iyakan, walang yakapan, sabi niya nakamove-on na daw siya.

Papunta pa lang ako ay biglang tumahimik ang paligid. Biglang tumigil ang pag-iyak ni baby Kyle. Kinakabahan akong tumakbo papunta sa living room at bigla akong nakampante dahil nakita ko si Yuston na nakikipaglaro sa kapatid ko. I thought something happened to him.

"You're so cute! Nako iuuwi na kita. Gusto mo ba sumama sa'kin baby Kyle? Madaming toys sa'min, madaming cars and madami ding candy don. Tapos meron pa ---"

"Ehem."

Napatigil naman si Yuston sa pagb-bribe sa kapatid ko at unti-unting lumapit sa akin habang buhat si baby Kyle.

My heart skipped for a moment. Simula pa kasi dati ay naaatract na ako sa mga lalaking mahilig sa bata. They just look so adorable with kids right? I feel like I'm blushing so I avoided his gaze and put my attention to my brother.

I gave him his bottle and still avoiding Yuston's eyes. I can see from my peripheral view that he's raising his eyebrow on me. Kinuha ko ang kapatid ko mula sa kanya at nagdiretso papunta kay mommy.

Nararamdaman kong nakasunod lang siya sa likod at alam kong nawiwirduhan siya sa asal ko. Siya naman kasi eh!

"Hoy babae. Wala man lang good morning?"

"Morning."

"My gosh girl! Ano bang nangyayari sayo? Hay nako. Is it about men with an s? Red flag na ba itu?"

Mas lalong namula ang aking pisngi at humarap ng padabog sa kanya.

"Good Morning!!" I said with a sarcastic smile. Tumalikod na ulit ako at nagpunta na sa dining hall.

Rinig ko ang malakas na tawa niya sa aking likuran. Sumabay siya sa paglalakad ko at kinuha si baby Kyle mula sa akin.

"Ako na munang magbubuhat kay Kyle. Baka may maging falls. " pagkasabi niya nito ay hahampasin ko na dapat siya ngunit tumakbo ito ng mabilis at muli na namang tumawa.

Pagkadating ko sa dining room ay naabutan ko si kuya Noel at Yuston na nagtatawanan. Siguro'y naikwento na nitong baklang ito yung nangyari kanina. Hindi ko siya magawang hampasin dahil dumating si mommy na dala ang pagkain kasama si Manang Sita, ang maid namin since baby pa si kuya. Sinamaan ko sila ng tingin dahil hanggang ngayon ay tawa pa rin sila ng tawa.

"Oh Yuston nandito ka pala iho. Dito ka na kumain. Napasarap ata ako sa pagluluto at ang dami nito."

Ang laki ng ngiti ni Yuston pagkarinig niya sa sinabi ni mommy. Tuwang-tuwa na namang makatikim ng luto ng nanay ko. Nasa dugo na kasi ng pamilya ni mommy ang galing sa pagluluto, ang alam ko ay may pagkachef ang buong angkan ni mommy noon pero nag-iba ng landas si mommy at kumuha ng business management. But until now, hindi pa rin nawawala sa passion niya ang pagluluto. Syempre dun na din naman siya lumaki.

Natapos ang aming breakfast na masama pa rin ang tingin ko sa dalawa.
Pagkaalis na pagkaalis ni mommy ay pumunta ako sa kanila at malakas silang hinampas. Napadaing naman sila sa sakit dahil dito. Don't underestimate my hands. Mabigat ang kamay ko no.

"Oo na sorry na. My gawd. Ang sakit mo talaga manghampas. Para akong binugbog bago pumasok sa trabaho" Sabi ni kuya habang hawak ang brasong pinalo ko kanina. He kissed my mother, me and my mother before he bid his goodbye.

I looked at this strange young man looking at me.

"Bakit di ka pa naalis ha? Ano na namang gusto mo?" I raised my eyebrow at him but he did the same.

"Nakalimutan mo na ba babae? Nagpapasama ako mamalengke diba? Di ko marunong pumili ng karne! Lulutuin daw kasi yon ni mom mamayang gabi. Malay ko noon."

I almost slapped my forhead. Siguro'y nakalimutan ko kakabasa ng libro. I told him to wait as I went to my room to change my clothes.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis ng makarinig ako ng yabag sa labas ng kwarto ko.

"Ano ba yan Kiera! Di mo na kailangan magmake-up. Mamamalengke lang--"

Napatigil ako sa pagbibihis at napatigil siya sa pagsasalita. Dumaan ang ilang segundo bago niya dahan-dahang sinara ang pintuan ng kwarto ko.

Ako naman ay napatigil dahil tanging bra at short lamang ang suot ko. Tsaka ko lamang narealize ang nangyari ng makarinig ko ng katok sa pinto.

"Magbibihis ka o bubuksan ko? Bilis!"

Agad kong isinuot ang aking damit at lumabas na din sa kwarto.

~~~

Nanatili kaming tahimik habang naglalakad papunta sa palengke ng bayan ng Clementine. Hindi ko pa din makakalimutan ang mangyari kanina. Alam ko namang 'di kami talo para sa kanya pero kasi.. Lalaki pa rin siya okay?!

Malapit na kami sa palengke nang iaabot niya sa akin ang listahan ng mga bibilhin. May bisita ata ang pamilya nila at ganito kadami ang nakalista. Mga 20+ ata tong nasa listahan.

Dumiretso muna kami sa tindahan ng mga gulay. Maggiginataang langka ata ang pamilya nila. Meron din na pang menudo at saka ang napakasarap na sinigang na bangus ni tita.

Umupo muna saglit si Yuston at pagod na ata sa pagbitbit ng pinamili. Dumiretso naman ako sa tindahan ng mga karne at namili ng sa tingin ko ay babago pa lang na katay.

"Suki dito ka na bumili! Nako murang-mura lang suki! O ganda mamili ka lang dito. Bagong katay lang yan kaninang umaga. Fresh na fresh pa yan!" Agad akong lumapit dun sa nakitang kong may magandang karne. Mukha naman siyang fresh. Chineck ko lang ulit bago ko iniabot sa tindera.

"Maliliit lang po ang gayat. Pang-menudo lang po" Agad namang nagtawag ang tindera ng taga-gayat habang kumukuha ako ng pambayad sa kanya. Nakalimutan kong nakay Yuston ang pera kaya sinundo ko muna siya sa kinauupuan niya at malapit na din naman natapos ang paggayat.

Kinuha niya ang iba ko pang hawak na pinamili at dumiretso na kami sa binilhan ko ng karne. Kinilig naman ako sa ginawa niya. Minsan lang to maging gentleman eh. Lagi niyang gusto na siya yung pinagsisilbihan. Susulitin ko na. Minsan lang naman ito.

Pagdating namin sa tindahan ay tapos na si kuya maggayat. Inabot ko naman ang pera at naghanda na umalis ng makita kong natulala si Yuston sa kung saan man.

Tinawag ko siya at lumapit naman siya sakin sabay bulong..

"Ang hot ni koya. Mmm. Papable"

Turning Him Back to a HeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon