Sa lahat ng mga pagsubok na dumating sa'king buhay hindi ko pa ba makakaya ito?
Maghintay ng pagkakataon kung kelan kayo pwede mag-usapng taong mahal mo,ng walang issues/chismis.
Kakayanin pang maghintay,kung walang papasok sa'king buhay.Pero as of now na may umepal makakayanan ko pa kaya?
Makontrol ko ang damdamin ko,na hindi magkamali sa magiging disisyon sa bandang huli..Dahil ngayon aaminin ko parang nahuhulog na aq sa iba..
Alam ko mali,dahil mayrong naghihintay sa'kin pero hindi ko naman masisisi ang puso ko kung magmahal ito ng iba..
Ayoko sana mahulog dahil takot ako na baka wala sumalo sa'kin pag sobra na akong nasaktan..
Hinihintay pa kaya nya ako?Iniisip nya rin kaya ako?HAy nagiging negative nanaman aq,TIWALA LANG.
Kapag nababasa ko ang note ko na ito bumabalik sa'kin ang panahon kung kelan mahal na mahal ko sya pero pinigilan ko ang puso ko na wag syang mapansin,dahil ayokong sa huli ay kailangan ko mamili.Pero yun parin ang nagyari,kinailangan ko paring mamili at sa maling tao ako napunta...Kaya naman sobra ang sakit na nararamdamn ko..dahil ng mahulog ako wala man lang nagtangkang sumalo sa'kin...Ang sakit sakit..
Kung ikaw ang papipiliin sino mas pipiliin mo?
TAONG MAHAL MO O YUNG TAONG MAHAL KA?
Kasi ako ng pinili ko ang taong mahal ko nasaktan lang ako,at sobra sobra ang sakit na naramdaman ko,dahil nalaman ko na una pa lang wala talaga syang feelings para sa'kin at pinaglaruan nya lang aq..MAGGAGAMIT LANG SYA..
Ang masakit pa dun yung taong mahal ako dati ay iba na ang mahal ngayon,iba na ang nagpapangiti sa kanya..kaya ng masaktan ako wala man lang nagtangkang sumalo sa'kin..
Kaya ngayon na natuto na aq..HINDI NA ULIT AKO MAGMAMAHAL NG MALING TAO,HINDING HINDI NA AKO MAGPAPALOKO..