CHAPTER 1 - Coffeehouse

173 10 5
                                    

Arya POV:

Madalas kong itanong sa sarili ko, "Bakit kaya di nagwork ang relationship namin?". I kept blaming myself kasi I walked out away from him without even asking for his explanation. Pero how can I stay and demand for it kung ang sagot nya sa akin sa pagmamakaawa kung ipaglaban ang relationship namin ay, "Sige. I will not break up with you pero ikaw lang ang magmamahal"...

He slapped me with a total BS*** reason to keep me away. We have been together for more than a year tapos ganoon nalang niya kayang sabihin yun in my face. He left me with no choice. Tumayo ako at kahit gustuhin kung sampalin sya sa galit ko, hindi ko magawa. Ang tanging nagawa ko lang noong araw na iyon ay ibalik ang singsing na sign daw ng love niya para sa akin. To me it was a sign of forever with him. Umiiyak siya noon, pero para saan?. Pwede namang kalimutan na namin ang araw na yun at magmove on sa kung ano man naging pagkukulang ko. Yun ang di ko maintindihan.

When i walked out away from him, I was hoping na hahabulin niya ako. Binagalan ko pa ang lakad ko paalis mula sa River Valley. Hindi ko pinansin ang mga taong nakakasalubong ko. Kahit na nagmumukha na akong tanga. Namumugto na ang mga mata ko noon habang sumisikip naman ang dibdib ko sa sobrang sakit. Mukha na akong naglalakad na zombie dahil kumalat na ang eyeliner ko na pinaghandaan ko ng kalahating oras. Alam mo yun? Umaasa ako na marerealize niya na mali siya ng naging desisyon... Umaasa ako nung araw na yun na bago pa man ako makauwi ay mararanasan ko yung mga back hug na napapanood ko sa mga asianovela. Pero bigo ako.

It has been two years mula ng maghiwalay kami. Masisi mo ba ako dahil hindi pa rin ako makapag move on. Remembering the days with him was a fairytale. Did I mention how I met him? Well binugaw ako sa kanya ng kaibigan kong si Hana. On a positive note syempre. Certified NBSB* daw ako at the age of 20 and its not acceptable. We started as textmates tapos we went out on a date. For the first time in my life me taong nagpakita ng affection sa isang katulad ko. Bakit big deal? Well kasi I never experienced being courted. Walang nagka crush sa akin nung elementary dahil I was the school nerd. Nung high school naman binansagan nila akong wallpaper girl. Bakit? Sa dami ng bumubully sa akin you can see my name sa mga walls ng school. Anyway going back, On the 7th day sa River valley our relationship became official. Call me easy to get pero ang sagutin siya after 7 days eh hindi ko pinagsisihan. I feel na matagal ko na siyang kilala. Malaki nga pagtutol ng mga kaibigan ko pero he proved them wrong. Renz was everything to me. Yet hindi ko napaghandaan na kapag ang taong minahal mo ay ginawa mong mundo mo, paginiwan ka nila wala na matitira para sayo...It was like the day of the Apocalypse for brokenhearted.

"One Dark Mocha Frappucino for Ms. Arya!!"

"Arya! Uy....Arya! Ayan ka na naman e, automatic na yang sakit mong tungawa pag umuulan ha... Sita sa akin ni Rose.

"Ah, anong tungawa rose?!"

"Tungawa, nakanganga habang tulala... Gaga!!! Akin na nga yung receipt ako na kukuha nung kape mo..."

Wala na akong choice. Napangiti nalang ako kay Rose habang papalapit sya sa akin. Im glad I have her with me. Kung wala siguro siya sa tabi ko hindi ako makakasurvive sa pagkakaospital ko right after Renz left me. Tama ka ng iniisip, I was too weak to handle it so I tried to take my own life, kaya lang sabi ni Lord... Hindi ko pa talaga time.

Napatingin ulit ako sa labas.

Grabe ang ganda naman ng panahon kanina, like love ang panahon talaga unpredictable. Siguro kahit may mga app na ngayon to update you with the weather its 80% accurate. Kasi love can never be measured unless 20% weighs more than what you expected to believe.

Sana tumigil na ang ulan. Kapag umuulan kasi bumabalik ang mga alaala na matagal ko ng gustong kalimutan....

"Arya, eto na oh... Tapos ka na ba diyan sa ginagawa mo? First day natin mamaya sa training natin so i need to go home early. Alam mo naman di ako sanay sa graveyard shift na yan.." reklamo ni Rose.

"Tapos na Rose. Magpapaalam lang ako sa student ko." Sinara ko na ang aking laptop at nagsimulang makipagkwentuhan kay Rose.

Well, anong ginagawa ko? Pumapart time akong English tutor sa mga Koreans. Mamaya naman magsisimula na Training namin sa Callcenter.

Medyo excited na ako, pero at the same time may halong kaba? Bakit?. Kasi baka makita ko ulit si Renz...

"Arya... Lets go!" aya sa akin ni Rose.

"Sige!".

"Thank you for coming at Barristo cafe mam"...

Anonymous POV:

"Life begins after coffee"

Basa ko sa quote na nasa order ko na Dark Mocha Frappe. Favorite ko talaga ang Cafe' na to. Dalawang taon na mula ng umalis ako. There is something about this place that sets me free from worries and fear sa realidad ng buhay ko. What makes it more interesting is watching the rain outside. For me, rain is the time for reflection and acceptance.

This place was my perfect haven. Siguro one thing that keeps me visiting this place is the probability of seeing this girl. Well siya yung girl na laging umuupo malapit sa bintana ng cafe.

Simula ng makita ko siya pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. Gustong gusto ko siyang lapitan to start a conversation with her and get her name pero di ko magawa. Sa tuwing pinagmamasdan ko ang mga mata niya parang may naaalala akong isang tao mula sa aking nakaraan. Feeling ko kailangan ko siya para mabuo ito. Ngunit kailan kaya... Kailan kaya ako magkakaroon ng pagkakataon. Nakikita niya din kaya ako like how I see her.

End of Chapter 1

Hi Fellow watty friends! So what do you think so far? This is actually my first watty romance, so im still trying to get used to it. Need to update po chap 1 para naman magustuhan niyo<3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon