Chapter 2

140 7 2
                                    

Pag gising ko ay kinapa ko agad ang kapatid ko kung katabi ko pa ba. Malay mo nag rapture na pala hindi ko pa alam diba?

*kapa kapa*

Si Flynn?

Agad akong bumangon, sinuot ang salamin ko at hinanap siya sa buong kwarto namin.

"Flynn?" Hanap ko sakanya habang pababa ng hagdan.

"Flynn nasaa---" nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si Flynn na nag hahanda ng makakain sa kusina.

Akala ko nawawala na siya eh.. phew.. :)

"Ang aga mo yata nagising? Ako na jan." Saka ko kinuha ang bitbit niyang isang bowl ng ulam galing sa ref at minicrowave ko ito.

"Wala lang ate. Ipaghahanda sana kita ng almusal kaso.. nandyan ka na eh."

Habang nag sasangag ako ng kanin ay naka yakap naman sa beywang ko si Flynn.

"Lumayo ka. Mainit dito sa tapat ng kalan." Pero hindi parin siya bumitaw at lalo pa niya hinigpitan ang pagyakap niya.

"Ate.."

"Hmm?" Tinanggal niya muna ang kamay niya sa pagkakayakap sakin bago sumagot. Ako naman ay hinanda ko na ang hapag kainan.

"Pwede magpatulong?"

"Ha? Saan." Tanong ko habang nag titimpla ng chocolate drink niya.

"I-tutor mo ako ate." Tumingin ako sakanya.

Hinawakan ko ang pisngi ng kapatid ko na napaka gwapo.

"Yun lang ba? Oo naman nuh.." nginitian ko siya.

"Thank you ate. The best ka talaga. Kain na tayo?"

"Sige."

Pagtapos namin kumain ay naligo at nag bihis na kami para makapasok na sa school.

Everyday ay hinahatid ko siya sa school niya. Hindi kasi kami parehas ng school na pinapasukan.

Third year high school at scholar ako sa Pittsburg State Academy. At si Flynn naman ay Grade six na sa Wharton School.

Habang naglalakad kami papunta sa school ni Flynn ay napansin ko na pinagtitinginan kami ng kapatid ko.

Anong meron? May mali ba samin?

"Ate, bakit kaya sila naka tingin saatin?" Tanong ng kapatid ko kaya napa tingin ako sakanya.

"Hindi ko nga din alam Flynn eh. Wag nalang natin sila pansinin." Tumango siya.

Nang makarating kami sa tapat ng school niya ay huminto muna kami.

"Ate. Pasok na ako ah? Babay. Ingat ka papunta ng school mo." Nakangiting sabi niya kaya ginulo ko ang buhok niya.

Buti nga si Flynn hindi siya katulad ng ibang classmates niya na lalaki eh. Kasi hindi siya maarte sa buhok niya. Yung iba pag ginulo ang buhok nila, nagagalit. :) Hindi din siya palaaway. Hindi siya matalino oo, pero hindi din naman siya bobo. Kasi walang taong bobo. Masipag siya, nakikita ko kasi pag nasa bahay kami ay mahilig siya gumawa ng projects niya at mga assignments niya. Hindi siya mahilig sa computer games, kaya mahal ko to eh. Kasi sinisikap niya talaga na libro ang lagi niya binabasa kesa sa kung ano-ano. :)

"Pero wala ate eh.. hindi parin ako nakakakuha ng matataas na marka sa school." Napa tingin ako sa naka tungo na si Flynn.

Nababasa ba niya ang nasa isip ko?

My School Competitor ^-^ (on going)Onde histórias criam vida. Descubra agora