Two

14 1 0
                                    

Astrid's POV

As i expected, Nicholo fetch me at my house para magdinner sa sosyaling restaurant na to.

30 minutes na ata kami dito, nakapag-order na rin at kanina pa ako daldal ng daldal pero siya daig pa ang pipi sa sobrang tahimik.

"Hey Nich, are you listening?" untag ko dito dahil kanina pa ang panay pindot sa phone niya. Siguro katext na naman niya ang mala-birhen niyang girlfriend.

Tinignan niya lang ako ng matalim bago ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Sanay na ako sa ganitong set-up, kaya hindi na ako affected sa pinapakita niyang coldness sa akin.

Tumayo ako ng bahagya at agad hinablot ang phone na hawak niya saka dali-daling ipinasok sa bag ko. "What are you doing?" inis niyang bulyaw saken dahilan para makuha namin ang attention ng ibang tao sa restaurant.

Ngumiti lang ako sa mga ito bago binaling kay Nicholo ang attensyon ko. "I just want to take you away from distraction" sabi ko sa kanya.

Bago pa man siya makapagsalita ulit ay dumating na yung waiter para i-serve yung order namin. Saved

Nag-umpisa na akong kumain pero hindi parin siya gumagalaw. I can sense his anger over me dahil sa ginawa ko pero wala akong pakealam. I will do what i want, at wala siyang magagawa doon.

Napatigil ako sa pagkain ng makita kong nakalahad ang palad niya sa harap ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Give me back my phone." ma-authoridad niyang sabi

"Not until we finished our date." masigla kong sabi saka itinuloy ang pagsubo ng pagkain.

"This.Is.Not.A.Date. Astrid" dahan-dahan niyang sinabi na may inis na tono

Alam kong sobrang naiinis na siya saken, im fully aware of that pero sana lang aware din siya na hindi ako titigil hanggat hindi niya rin ako nagugustuhan.

"I don't care what you think about what were doing right now but as far as im concern this is purely dating. Get used to it." mataray kong sumbat sakanya.

"Fvck" mahina niyang sabi na punong-puno ng galit. Siguro kung wala lang mga tao sa paligid namin ay kanina pa ito nagwala.

"Im so glad dahil pumayag kang lumabas kasama ko." i said na patuloy paring kumakain.

"You know exactly why im here Astrid, if only i had a choice. I will never ever go out with you."

Napapikit ako para pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko. Wala pa to sa mga masasakit na salitang binitawan niya nung plinano kong ipahamak ang girlfriend niya. Im quite get used to it pero minsan hindi ko paring maiwasang masaktan. Ginusto ko to at kahit ano titiisin ko, mahalin lang ako ni Nicholo.

Nicholo have no choice kapag dinahilan ko na si daddy. Pero not all the times ay ginagamit ko si daddy para mapapayag siya. I have my own ways, anyway.

The whole time, hindi ginalaw ni Nicholo ang pagkain niya kaya ang labas, ako lang ang nabusog. Pagkatapos ng dinner ay niyaya ko pa siyang mamasyal pero hindi siya pumayag kaya ngayon ay pauwi na kami.

Tahimik lang siyang nagmamaneho habang seryosong nakatingin sa daan. "Nextime pasyal naman tayo sa ibang lugar, ano sa tingin mo?" masaya kong tanong sakanya pero hindi niya ako sinagot.

"Alam mo ba, sabi ng mga kaibigan ko, sobrang bagay daw tayo, pati yung ibang estudyante tinatanong kung bakit si Niesha raw ang girl—"

Dahil sa biglang paghinto ni Nicholo ng sasakyan ay muntik na akong mauntog sa salamin buti na lang at naka-seatbelt ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Antagonist LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon