"ISN'T SHE BEAUTIFUL?"
Ramdan ni Aphrodite and pagbaling sa kanya ng katabing lalaki. "Who are you?" tanong nito. He sounded annoyed.
Unti-unti siyang bumaling dito. "I am the goddess of love and beauty," nakangiting sabi niya dito. Napatunganga siya nang makita ang mukha nito. He looked like one of the Greek gods. She saw a glimpse of amusement in his eyes before he went back to his probably-serious-normal-expression. Marahil ay nagtaka ito sa kanyang kasuotan.
"If you loved her, why did you let her go?" she curiously asked.
Bahagyang nabahiran ng inis ang mga mata nito saka lumingon sa babaeng tinutukoy niya. Siya naman ay sumandal sa puno na nasa kanyang likuran habang pinagmamasdan ang bagong kasal na nasa labas ng simbahan. Napapalibutan ang mga ito ng napakaraming tao. The groom looked[ qaws-0 deadly handsome with his suit.
Oh well, that's my cousin, by the way.
The bride, on the hand, looked like an angel, a very innocent angel with her simple but elegant wedding dress.
Hindi na niya nagawang umattend sa wedding ceremony ng mga ito dahil kararating lamang niya, fresh from Japan. Sa katunayan ay nakasuot pa siya ng kimono. Hindi na siya nakapagpalit ng damit dahil sobrang biglaan ng kanyang pagbabalik sa Pilipinas. Nasa isang party pa siya kasama ang ilan sa mga maharlikang Hapones nang maisipan niyang bumyahe papuntang Pilipinas.
Wala naman talaga sa plano niya ang pagpunta niya doon kung hindi lamang siya pinagbataan ng kanyang mga pinsan.
Baka katayin na ako ni Kuya Zeus kapag hindi pa ako nagpakita ngayon.
"Can I ask you something?" narinig niyang tanong nito.
Muli siyang lumingon dito. "You are already asking," she answered while grinning. She liked how his expression changed from being annoyed to being more annoyed and frustrated. Napakagwapo nito kahit mukhang galit ito sa buong mundo. Papasok na sana siya kanina sa simbahan ngunit napansin niya ito na nakatayo sa ilalim ng puno. Pinili niyang lapitan ito. Seryosong seryoso ito sa pagtingin sa kawalan kaya naman hindi nito napansin ang paglapit niya.
"Why are you here?"
"I'm here because---"
"Ms. Aphrodite! We need to go," tawag sa kanya ng kanyan personal secretary mula sa di kalayuan.
"Oh. I have to go. See you later, Oppa," kinindatan niya ang lalaki bago tuluyang naglakad palayo dito.
KASALUKUYANG nasa Royal Garden ng GVC si Aphrodite. Doon ang reception ng kasal nina Ares at Sheira. Royal Garden was the most romantic place in GVC. It was perfect for wedding receptions.
Mukhang wala pang nakakapansin sa presensya niya dahil abala ang lahat sa panonood sa romantic dance ng bagong kasal. Nakisali pa ang ilan sa kanyang mga pinsan sa pagsasayaw kasama ang mga lovers ng mga ito. Pero syempre hindi siya papayag na hindi makuha ang atensyon ng mga ito. Baka isipin ng mga ito na nang-indian na naman siya sa okasyong iyon.
Naglakad siya patungo sa bandang tumutugtog. Natulala pa ang mga ito nang makita siya. Nakilala siguro siya ng mga ito. Saglit siyang nakipag-usap sa mga ito. Maya maya ay hawak na niya ang microphone hanggang sa pumailalang na ang kanyang ginintuang boses. Cheret!
Tale as old as time
True as it can be
Barely even friends
Then somebody bends
Unexpectedly
And that's it! She finally got their attention. Napatigil sa pagsasayaw ang kanyang mga pinsan. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang pagkagulat. Mabuti na lamang medyo intimate lang ang kasal ng kanyang pinsan kaya iilan lamang ang bisita doon. Mukha namang walang mga reporters kaya safe ang kanyang pagpapakita sa madlang people. Wala pa naman siya sa mood makipagpatintero sa media.