Jackie POV
Grabe nakakapagod itong araw nato,
Tatawagan ko nga si mama at makamusta"Hello ma kamusta ka jan? Pasensya na ha? Naging busy ako sa school today e"
"Hay salamat naman anak at napatawag ka okay namana ko dito sa south korea, okay ang negosyo natin"
"Ma kinakamusta ka ni papa, kelan ka daw uuwi dito?"
"Ay nako anak hindi ko alam, pero uuwi si mama bago ang sumapit ang iyong graduation ha? Magpapadala ako bukas. Kamusta tuition mo? Okay na ba? Bayad na?"
"Babayaran palang po pag nagpadala po kayo"
"Okay sge sa katapusan papadala na ko ha?"
"Opo ma ingat lagi jan ha? I love you"
"Oo para sa inyo, sige na anak ang dami nang customer"
"Bye ma ingat jan I love you po"
Pinatayan nako ni mama ng cellphone, hindi ko alam pero bakit ganon sobrang kabado ako parang may mang yayare di maganda may mama wag naman sana. Hindi ko kakayanin pag nawala sya ang laki pa naman ng tuition ko sa school. Habang nag luluto ako nag iisip ako nang pwedeng pag kakitaan tulad ni mon, si mon kaya nya lahat walang tatay na tumayo sa kanya simula nung baby sya. Si kuya nya lang at ang mama nya ang tanging sandalan nya sa lahat nang pangyayare sa buhay nya. Buti pa sya ako kompleto nga parang hindi naman kompleto kasi wala saming tabi si mama, sa totoo lang namimiss ko na si mama, simula nung umalis si mama ako lang lahat dito sa bahay taga linis laba at hugas ng plato.
Inahin ko na ang niluluto ko buti nalang at hindi nasunog, mamaya mag rereview pa kasi baka bukas mag paquiz si sir bigla, kilala na namin si sir since grade 7.
Ang hirap nang wala si mama, si Papa naman parang may iba na syang kinakasama ayokong sabihin to kay mama kase malayo sya baka madepress sya mahirap na.
Kailangan ko muna magreview ngayon please overthink layuan mo muna ko parang awa mo na please.
"Oh anak mabuti yan, mag-aral ka para sa iyong magandang kinabukasan."
"Opo pa, si kuya po pala?"
"Andon sa inuman anak tayo lang dalawa dito ngayon, pag katapos mong mag review jan umakyat ka sa taas ha? May ipapagawa ako sayo"
Ano naman kayang ipapagawa sakin nito ni papa eh lahat naman ginawa ko na para sa kanila ni kuya.
"Pa ano pang ipapagawa nyo po? Eh wala naman na po akong gagawin nakaluto na ho ako, pa kain na po kayo jan magrereview pa po ako may quiz po kami bukas"
Kinakabahan ako sobrang kaba ko."Ah ganon ba anak? Sige pag dating nalang ng kuya mo ha sabay-sabay tayong kakain" sabay ngiti nito di ko maintindihan kinakabahan ako nang sobra.
Pinagpatuloy ko ang aking pag aaral, ang algebra na ito ay sobrang hirap. Ang dami kung ano-anong nakalagay di ko maintindihan matawagan nga si monica malamang may alam sya dito dahil gusto nya ang math.
Ring.. ring.. ring..
Sagutin mo na monicaaaa di talaga maganda ang lakiramdam ko ngayon. Parang may mangyayari saking di maganda ngayong gabi please naman.
Tinawagan ko din si ericka walang sumagagot miski isa sa mga kaibigan ko, wala din akong contact pa kay camille.Maya't maya pa dumating na si kuya.
"O bunso tumawag na ba ang iyong ina?"
"Oo kuya" hindi ko talaga kapatid si kuya at hindi ko talaga ama ang tinatawag kong papa kanina, si kuya anak sya ni papa hindi na tunay na ina ang mama ko.