Prologue

20 1 0
                                    

Third Person's POV

Nagkakagulo ngayon ang Himeria Kingdom dahil sa pag dating ng mga Dark Solemn sa kanilang bayan. Ang Himeria Kingdom ang pinaka makapangyarihang bayan sa Athleticia. Dito rin matatagpuan ang Reyna at Hari sa mundo ng mahika. Ang pinaka makapangyarihan sa lahat.

Sa di kalayuan, matatanaw ang isang Matanda na may hawak na tungkod at naka jacket na may hood. Nakatago ito sa madilim na bahagi ng palasyo na tinatawag na 'Himerian Palace'.

Bakas sa mga tao ang pangamba at ang kanilang takot sa mga Dark Solemn.

Ang Dark Solemn ang kilala bilang masasamang magician dito sa mundo ng mahika.

'Anong gagawin natin mahal na Hari?'

'Nangangamba ang mga tao sa bayan ng Himeria dahil sa pagdating ng mga Dark Solemn. Sinira nito ang ilang tirahan ng ating nasasakupan.'

'Ilikas lahat ng Himerian sa bayan ng Pertora. Upang walang masaktan sa ating nasasakupan.'

'Ngunit paano natin papalikasin ang ating mamamayan?'

'Halika. Pinagkakatiwalaan kita ng sobra aking Mahal na Kaibigan, Nais kong gumawa ng portal papunta sa bayan ng Pertora. Alam na nila iyon. Ikaw muna ang bahala sa mga mamayan natin.'

'Makakaasa ka Mahal na Hari.'

Dinig ng matanda na usapan ng Hari at ng matalik nitong kaibigan. Inilibot ng matanda ang kanyang mata sa Himerian Palace kung saan nandito ang mga tao upang magpalipas ng oras bago pumunta sa Pertora Kingdom.

Napa iling ang matanda sa kaguluhan na nangyayari sa bayan ng Himeria. Naglakad ang matanda kung nasaan ang sanggol, ang anak ng Hari at Reyna. Nais niya itong iligtas para sa ikakabuti ng kanilang mundo. Ang batang ito ay mayroong kakaibang kapangyarihan na hindi normal sa mga magician sa Mundo nila. Kakaibang kapangyarihan ang naramdaman niya sa sanggol.

Tinignan niya ang magandang babae na sanggol. Mahimbing itong natutulog sa higaan nito. Hinaplos niya ang pisngi ng bata.

"Apo ko, ililigtas kita mula sa mga masasamang tao. Ayokong dumating ang araw na pamunuan ng masasama ang ating mundo. Gagamitin ka nila sa kanilang kasamaan." at dahan dahan niya itong nilagay sa kanyang bisig.

Pinakiramdaman niya ang sarili at nagawa niyang mag Teleport upang agad makarating sa paroroonan nila ng kanyang apo.

Nang makarating sa maliit na bahay ng matanda ay agad niyang inilagay sa komportableng higaan ang kanyang apo. Sisimulan niya ng basahin ang nakasaad sa libro. Hindi ito ordinaryong Libro lamang dahil ito ang tinatawag na 'Legendary Book' lahat ng nangyari noon at mangyayari sa hinaharap ay nakatakda na sa libro. Sobrang mahiwaga nito at dalawa lang ang libro na mayroon nito sa mundo nila. Iilan lang ang nakakabasa nito. Pili lamang ang nakakabasa sa mahiwagang libro.

Bago niya basahin ang libro ay gumawa muna ng mahiwagang ink ang matanda. Tatatuan niya ang apo ng Rose petals sa tiyan sa gilid nito.

Nilagyan niya ito ng napakaraming rose petals habang nagsasabi ng mga hindi pangkaraniwang salita. 

Ang Tattoo na ito ang magiging simbolo kung lalabas na ang kapangyarihan ng kanyang apo. Bawat petals ay may nakasaad na kulay base sa kapangyarihan na lalabas sa apo. Dadalhin nito ang Tattoo habang buhay. Ito rin ang magiging daan upang malaman nila na siya ang nawawalang Prinsesa at Panginoon. Ang susunod na mamumuno sa buong mundo ng mahika.

Matapos niyon ay nagbigkas siya ng isang salita upang maging invisible ang ink na nilagay niya. Lalabas lang ito kasabay ng kulay no'n kapag lumabas ang bawat kapangyarihan ng kanyang apo kasabay ng makulay na petals na isa isang iilaw.

Gumawa ng sulat ang matanda para ipaalam sa Hari at Reyna ang mangyayari at ang bilin niya dito.



"Anak, nasa akin ang inyong anak upang iligtas siya sa nagaganap na digmaan ngayon sa Himeria. Narito ako sa aking maliit na tirahan sa bayan ng Pertora at kasama ang iyong anak. Gusto kong makilala niya kayo kapag tumuntong siya ng Labing pitong taong gulang. Dito magsisimulang umilaw ang mga Talutot ng rosas na inilagay ko sa kanyang gilid na tiyan. Isa isa itong iilaw.. bawat kulay ng talutot ay sumisimbolo sa kulay na lalabas na kapangyarihan sa inyong anak. Dadalhin ko siya sa mundo ng mga tao at iiwan sa isang bahay ampunan. Nakita ko na sa hinaharap ang mangyayari sa kanya sa mundo ng mga tao. Magpadala kayo ng anim na Sugo upang sunduin siya sa mundo ng mga tao sa ika- labing pitong taon niya. Ako na ang bahala mag hanap sa kanya. Ako din, ang magpapaalam sa paaralan ng Himeria Academy na kilalanin ng mga guro at studyante ang aking Apo, hindi bilang prinsesa... Kundi isang Panginoon."



Matapos niya magsulat ay ibinigay niya sa isang Fairy ang kanyang sulat sa Reyna at Hari at ihatid ito sa Himerian Palace.

Agad naman binalingan ng matanda ang kanyang apo at binuhat ito upang dalhin sa portal papunta sa mundo ng mga tao.

Nang makarating sa mundo ng mga tao, agad siyang pumunta sa isang bahay ampunan para iwan sa labas ang bata.

"Mahal na mahal kita apo, When the time comes.. You'll be a Goddess. The Legendary Book choose you and the seven Goddesses to save our World. I love you Semira Ashantie..." at iniwan ang bata sa labas ng bahay ampunan.

Napabuntong-hininga ang matanda at naglakbay na papunta sa portal ng kanilang mundo.

Napahiga ang matanda sa kanyang higaan dahil sa pagod. Ipipikit niya na sana ang kanyang mata upang makapag pahinga ngunit biglang lumiwanag ang Legendary Book. Bumangon siya at lumapit sa mahiwagang libro.

Lumiwanag ito dahil mayroong nadagdag na sulat sa natitirang pahina ng libro.

Nakaramdam ng kaba ang matanda kung anong nadagdag sa gustong iparating ng Libro. Tutal ay bilang lamang ang nakakabasa nito, kaya laking pasasalamat niya na isa siya sa mga iyon.

"Maaaring mabago ang mga nakasaad sa mahiwagang libro dahil sa Babaeng nagtataglay ng hindi pangkaraniwang kapangyarihan..." Basa niya sa  nakasulat sa mahiwagang Libro. "...Ang babaeng ito ay kabilang at isa sa magiging Panginoon sa susunod na henerasyon."

Mabuti ba na mabago ng isa sa mga babeng panginoon ang nakasaad sa librong ito? O hindi?


*****

Enjoy reading :>

Sa mga magco- comment, idede dicate ko po sa inyo ang bawat chapter. Thank you!

@AiraBorromeo

Athleticia: World Of MagicWhere stories live. Discover now