2nd Lace

39 4 2
                                    

Nagising ako sa isang malakas na tawag mula sa phone ko. Kinuha ko ito sa bedside table at saka sinagot ang tawag.

"Hello?" tamad kong tanong sa caller.

"Bumangon ka na! You're late na naman!" inilayo ko ang phone ko dahil sa lakas ng sigaw ng caller na si Kei.

"Kei, could you please give me one more hour to slee-"

"No! Get-up now or else! I'll be there on 20."

"Bu-" binabaan niya na ako. Kahit kailan talaga.

Bumangon na ko para maligo dahil ngayon ang araw na pupunta kami sa mall.

Pagkatapos kong maligo, pumunta ako sa cabinet ko at namili ng masusuot. Kumuha ako ng white printed shirt, faded jeans and chucks.

Habang sinusuot ko ang light-blue chuck taylor ko, nakarinig ako ng tawanan sa baba. Lumapit ako sa may pintuan at nakinig.

"Hahahahaha! Ikaw talaga tita. Sanay na po ako kay Kate."

"Pasensya ka na talaga hija. Sadyang mabagal lang talagang kumilos 'yang batang 'yan."

"Okay lang po 'yon. Sanayan na lang po. Hahahaha!"

Si Kei at Mama pala ang nag-uusap. At ako pa talaga ang pinag-uusapan nila!

"O siya, ikukuha kita ng maiinom. Ano ba ang gusto mo?"

"Ah, 'wag na ho. Paalis na rin po kasi kami. Salamat na lang po."

"O, sige. Puntahan mo na si Kate sa taas. Baka kung ano na ang nangyari doon."

"Okay po, tita. Salamat."

Nakarinig ako ng tunog ng sapatos na paakyat. Bumalik na ko sa kama para ayusin ang pagkakatali ng sapatos ko. Pumunta ako sa harap ng salamin malapit sa cabinet para tinganan ang itsura ko nang may biglang kumatok sa may kulay brown na pinto ng kwarto ko.

"Pas-" sisigaw pa lang ako nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Kei na naka-red dress at black flats. Nakasabit sa kanang balikat niya ang isang gray shoulder bag. Kulot ang bandang ilalim na buhok niya na nasa harapan na abot hanggang sa ibabaw ng siko. Bumagay ang suot niya sa kulay ng kanyang balat. Talagang maganda 'tong best friend ko. Mukhang foreigner.

"-sok? Gosh, You're so cool with your outfit! " pagpapatuloy niya habang nakangiti. Ngumisi ako sa kanya.

"Thanks. Pero mas maganda ka." ngumiti ako sa kanya.

"Hmp! Binibilog mo na naman ako. Hoy, babae! Sana naman binibilis-bilisan mo! Para makapaglibot-libot tayo sa mall at di tayo gabihin."

"Ang OA, ha."

"Duh! Bahala ka, Book fair pa naman ngayon." ngumisi siya ng nakakaloko. Naexcite ako sa sinabi niya! Kaya naman binilisan ko ang pag-aayos. Kinuha ko ang salamin ko sa bedside table at sinuot ito. Kinuha ko na rin ang ibang gamit na dadalhin ko.

"Gosh, let's go!" Yes! I'll have my new books!

Pagkarating namin sa mall. Nagulat na lang ako sa dami ng bilang ng tao.

"Grabe ang daming tao!" kumunot ang noo niya na para bang nagsasabi na may mali sa mga sinabi ko.

"Of course! This is a mall. What do you expect?" umirap siya sa kawalan.

"Tss. Di lang ako sanay na sobrang dami ng tao sa mall. As in sobra. Tingnan mo kaya!" inirapan ko siya pero di niya nakita.

"I told you. Book fair ngayon kaya dagsa ang tao." humarap siya sa akin at saka hinila na niya ako patungo sa kung saan napakaraming tao.

LacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon