Tumatakbo ako ngayon papunta sa school. Para na akong kabayo sa pagtakbo. Mabilis ang paghinga ko. Para akong nakikipaghabulan. I'm late for another day of school. Ni hindi na nga ako masyadong nakapag-ayos eh. Obviously, kasi tinanghali na ko ng gising. Magulong buhok, gusot-gusot na damit, untied shoe laces at pawis na pawis ako habang tumatakbo. Mukha tuloy akong baliw. Baliw na nakawala sa mental hospital.
"Hayan! malapit na ko. Konti na lang!! Whoo!" sigaw ko habang tumatakbo. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga taong nagdadaan. Siguro napagkamalan na nila akong baliw. As in baliw for real.
"Naku! Baliw ba yun? Mukhang kakatakas lang ah."
"Oo nga 'no. Pero mukhang bata pa eh."
"Hala! Tumawag na tayo sa mental hospital! Baka mamaya makasakit pa yan eh." dinig ko ng mapadaan ako sa tatlong aleng nag-uusap. Binilisan ko pa tuloy ang pagtakbo ko. Baka kasi ipahuli talaga nila ako! Eh hindi naman ako baliw! Mukha lang naman! Hmp!
Mabilis ang paghinga ko nang makarating ako sa school.
"Oh? Late ka na naman!" sabi ng guard pagkapasok ko.
Obviuos ba? Natural!
Di ko na lang pinansin. Masasayang lang ang oras ko. Late na nga ako eh!
Nakarating na ako sa tapat ng classroom namin. Huminga ako ng malalim.
Breath in.
Breath out.
Pagkapasok ko, natahimik ang mga kaklase ko.
At hindi ko alam kung bakit?
"Anyare?" tanong ko sa kanila habang malalim ang aking paghinga. Lahat sila natigil sa kani-kanilang ginagawa.
Walang sumagot. At..
"HAHAHAHAHAHA!!" tawanan na lang nilang bigla.
Huh? Wala namang nakakatawa pagkapasok ko. Hindi naman ako nadapa o ano. Pumasok lang naman ako. At wala namang teacher? Nababaliw na yata 'tong mga 'to eh.
"Ano ka ba naman girl? Tingnan mo naman yung sarili mo? Mukha ka ngang.. err.. na-rape sa daan. Eww!" sabi ng isa kong kaklaseng babae na maputi at makapal mag-make-up. Na parang sasabog na ang mukha dahil sa mga koloreteng nakalagay. Na minsan -- uh, palaging mukhang ewan. Si Cindy.
"AHAHAHAHAHAHA!" at humagalpak na naman sila sa tawa.
"Ano ba naman kayo?! Hindi niyo ba siya nakikilala? Siya si Sisa! Hinahanap niya kasi Crispin! Hindi kasi ito kasabay ni Basilio umuwi kahapon. Ahahaha!" dagdag ng isa kong kaklaseng lalaki na si Bruce.
Bigla na lang may pumalo sa isang upuan sa may bandang dulo. Hay. Ang Savior ko! (*w*)
"Magsitigil nga kayo! Halina, dun na nga tayo! Mga bwisit!"
hinigit na ako ng nag-iisa kong kaibigan dito sa school. As in nag-iisa lang. Si Keillah.Nagbulong-bulungan naman sila ngayon na parang mga bubuyog.
Umupo na kami sa pwesto naming dalawa. Inayos ko na rin ang itsura ko. Ngayon, mukha na kong tao.
Natigil na rin naman sila sa pagtawa sakin. Good.
"Hay~ Ano ba naman kasing nangyari sayo friend?" tanong ni Keillah.
"Uh.. kasi-"
"Hmm. Late ka na naman ng gising no?! Ano pa't niregaluhan kita ng alarm clock? Ha?!" heto na naman ang mga sermon ng Best friend ko.
"Eh kasi eh! Ang sarap kasi matulog! Nananaginip pa naman ako na maghahalikan na kami ng prince charming ko! At hindi ko lang siya prince charming, boyfriend ko pa! At alam mo ba kung sino 'yun?! Si Harry Potter! Ahhh!--mmhmh" tuloy-tuloy kong sabi pero pinutol niya din agad dahil tinakpan niya ang bibig ko.
BINABASA MO ANG
Laces
Novela JuvenilKate has just a simple life. Pag-aaral ang priority niya sa buhay. But, as time passes by, she never expected unbelievable things would come to her life. Things that will change everything.