Lumipas ang ilang buwan simula ng mamatay sila nanay, umuwi ako sa probinsya namin at doon muna nagstay. Sobra akong naapektuhan dahil sa nangyari at nadepress ako, buti na lang may mga kaibigan at buti na lang hindi ako iniwan ni Troy. Nagresign din ako sa trabaho ko dahil sa sitwasyon ko.
Nakapag-isip-isip ako ng makarecover ako at napagdesisyonang bumalik sa Maynila. Nandoon naman so Troy kaya sigurado ako na may matutuluyan ako.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng gamit ko nang biglang tumunog ang cellphone ko
*beep*
From: Babe
Hi babe, good morning. Ingat ka dyan ah. Wag mo muna pala akong tatawagan I have an important meeting kasi e. Bye.
To: Babe
Sige, ingat ka din. Iloveyou.
Naghintay pa ako ng ilang minuto kung may reply na darating ngunit bigo ako.
Nagpatuloy na lamang ako sa pag-aayos ng mga gamit ko at pumunta na sa bus station.
Ilang sandali lang ay nakasakay na ko sa bus.
Medyo madami din yung mga taong nakasakay pero hindi naman puno.
Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagkikinig ng music sa cellphone ko.
Makalipas ang tatlong oras ay nakarating na ako sa Maynila. Pumara ng taxi at pumunta sa condo ni Troy.
Hindi ko na sinabi sa kanya na babalik ako sa Maynila para masurpresa sya.
Pagkadating sa building ay kaagad akong bumaba dala ang gamit ko at pumasok sa loob ng building.
Nagdire-diretso ako sa elevator at agad na pinindot ang button sa floor ng unit ni Troy.
Pagbukas ng elevator ay dali dali akong pumunta sa unit at agad itong binuksan.
Tumambad sa akin ang mga nagkalat na damit at sandals sa sala.
Pinagpawisan ako ng malamig kahit na fully air-conditioned ang unit.
Unti-unti akong naglakad hanggang sa mapadpad ako sa kwarto. Pinihit ko ang door nob at ganoon na lamang ang kaba ko nang malamang hindi ito nakalock.
Pumikit ako ng mariin at saktong pagdilat ko ay nakita ko ang dalawang taong nagmimilagro sa kama.
Hindi ko na nakaya pa at tumulo ng mga luha ko sa mata. Nanghihina akong napaupo sa sahig at patuloy na tinitigan ang dalawang taong naliligayahan sa ginagawa nila.
Hindi na sila inabala at tuluyang umalis sa condo ni Troy.
Pumunta na lamang ako sa apartment ng kaibigan ko at doon nagmukmok.
Maliit lang ang bahay nya at sa may squatter's area pa ngunit hindi maipagkakailang malinis at maayos ang pagkakalagay ng mga gamit nya dito.
"Sandy ano ba talagang nangyari? Nakakagulat ka naman e bigla bigla kang sumusulpot tapos mukha ka pang sinapak" wika nya
Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa pag-iyak.
"Sandy hindi ako manghuhula, nako sasabunutan talaga kita. Lagot ako nito kay Troy e, baka kapag nakita ka nyang ganyan akalain inaapi kita at sampalin ako nun sayang ang beauty ko bakla." pagpapatuloy nya pa
"Ayokong makita si Troy"
"At bakit naman babaita? Alangan namang dito ka tumira sa squatter ay nako baka magkasakit ka dito, ikaw din."
Tumingin lang ulit ako sa kanya at hindi sumagot.
"Magkwento ka nga nako nako sasabunutan talaga kitang bruha ka." sabi nya ulit na medyo naiinis na
Kinwento ko sa kanya ang mga nakita ko at ayun ang luka-luka at hindi maipinta ang mukha.
"Napakahayop naman nyang lalaking yan. Tama nga ang tatay mo yan kasi di ka nakinig sa kanila edi sana kasama mo pa sila."
"Oo na kasalanan ko na, hindi ko naman kasoli lubos akalain na ganoon e edi sana sila nanay at tatay na lang yung pinili ko kaysa sa kanya." at tumulo na naman ang mga luha ko, sobra akong nagsisisi sa nangyari.
Buti na lang nandito si Grace para pagaanin ang loob ko.
A/N:
Hi sorry for the lame update. Hope you like it guys. Mwah.

BINABASA MO ANG
One Lust Night
RomanceThis is a work of Fiction. Names, places, etc. are only came from the author's imagination. Any similarities to an actual person dead or alive, places and etc. is only coincidence. Do not distribute, copy, or publish in any way. Know what's the mean...