Song Leeyah Gabrielle
active nowBeomgyu: Abaaaa nagsosolo ka ata dyan mamshie
Beomgyu: Anong nakain mu at nagsosolo ka jan sa field ha?
Beomgyu: Aba seryosong seryoso sa pagsesenti di manlang ako i-seen
Beomgyu: Peymus ka na mamshie?!
Beomgyu: Kinginuh ayaw mo mamansin?
Beomgyu: Ano bang ginagawa mo jan ha?
Beomgyu: Tekaaa
Beomgyu: Nag-iiyak ka mamshie?!
Beomgyu: Lapitan na kita ah? Para ka kasing tangang nag-iiyak magsolo hehez
_____
"Uy bat ka nag-iiyak dyan ha?"Biglang sabi ko at tumabi sa kanya.
"Ay peste--"Gulat na sabi nya at agad namang pinunas yung nga luha nya. Psh wala kang matatago sakin ulol ka. "A-ano bang ginagawa mo dito ha?! Lumayas ka nga."Sabi nya pero di sya makatingin sakin.
"Para ka kasing tangang nag-iiyak dito kaya nilapitan na kita noh."
"Waw ah parang utang na loob ko pa sayo to ah!"
"Talaga! Alam mo bang nag-abala pa kong lapitan ka kesa pumunta sa klase ko ha?"
"Oh eh anong pake ko?! Ikaw may gusto ulol."
"Leche ka ah pasalamat ka pa nga kasi kung hindi kita kausap ngayon malamang sa malamang muka kang tanga ditong nag-iiyak mag-isa."Panunumbat ko sa kanya kaya lalo naman syang nainis sakin. "Kaya kung ako sayo ilibre mo na ko--"
"Ay ayaaan-- tangina mong buraot ka! Ang yaman yaman mo tas sakin ka pa magpapalibre?! Gago ka ah."
"Ayaw mo pala akong ilibre edi sabihin mo nalang sakin kung anong problema mo."Sabi ko pero seryoso na talaga.
"Wala ka nang pake dun noh--"
"Psh! Ayaw mo eh"Sabi ko at biglang hinablot yung phone nya. Agad akong tumayo para di nya maagaw at saka ko binuksan yung messenger nya sakto naman kasing di pa nya pinapatay phone nya.
"Oy gago! Wag kang mambasa ng mga chat!"Inis na sabi nya pero di ko sya pinakinggan at patuloy lang sa pagtingin sa phone nya hanggang sa nakita ko yung chat nila nung Kim Hyojin na yon.
"Oo, nagparamdam ako sayo... Pero di ko sinabing babalikan kita."Mahinang sabi ko habang binabasa pa yung convo nila. Aba gago to ah! Nilingon ko agad si Lielle at kitang kita ko sa muka nyang parang nahihiya sya pero naiiyak. "Sino toh? Ex mo?"Tanong ko at saka naman syang tumango ng bahagya.
"Tanga ko kase naman... Bat ko nga ba kinumusta pa yan--"
"Oo tanga ka pero gago sya."
"Ako kasi talaga yung may kasalanan samin-"
"Tanga ka nga. Nabasa mo naman diba? Nagparamdam sya sayo tapos parang wala lang? Ako, ginagalit nya ko ah."Sabi ko at napangiti naman sya ng bahagya. Aba seryoso ako tanga neto.
"Hayaan mo na nga lang-- akina yan."Sabi nya at biglang hinablot yung phone nya galing sakin. Tumalikod na sya at mabilis na naglakad palayo. Wala akong nagawa kundi ang sumaltak nalang.
"Tsk nagpapakatanga ka sa taong hindi ka naman deserve..."
BINABASA MO ANG
Playgirl || Choi Beomgyu [COMPLETED]
Short Story"Hindi ako playgirl, hindi ko lang talaga mahanap yung taong para sakin." __________ 「 S E R I E S # 2 」 ➳ ʜᴀʜᴋᴅᴜɢᴇᴘɪꜱᴛᴏʟᴀʀɪᴇꜱ_ᴛxᴛ ➳ ꜰᴛ. ᴄʜᴏɪ ʙᴇᴏᴍɢʏᴜ ᴏꜰ ᴛxᴛ ➳ ᴛᴀɢʟɪꜱʜ ᴇᴘɪꜱᴛᴏʟᴀʀʏ __________ B Y: C A L I E X X _ _