Choi Beomgyu's POV
"Tangina napakabobo mo talaga kahit kelan, Lielle... Wala ka nang nagawang tama."Sabi ni Lielle at patuloy na sinapok ang sarili. Napasaltak ako at lumapit sa kanya. Noong akmang sasapukin ulit nya ang sarili niya ay hinawakan ko sya sa pulso, dahilan para mapatingin sya sakin.
"Kahit anong pananakit mo sa sarili mo, hindi yan makakatulong dyan sa grades mo."Sabi ko at bigla naman nyang hingit yung kamay nya at umirap.
Ano bang trip neto at palagi nalang umiirap?
"Wala kang pake, okay? Bakit ba lagi ka nalang sumasawsaw sa buhay ko ha?"Deretsohan na tanong nya dahilan para matigilan ako ng panandalian.
Medyo nasaktan lang naman ako haha
Hindi nagtagal ay naka-recover din ako at tumingin sa mga mata nya. "Sabihin nalang natin na gusto parin kita at hindi mawawala pake ko sayo."Sabi ko at tila natahimik naman sya. Hinawakan ko ulit sya sa pulso at ngayon naman ay deretso syang tumingin sakin. "Hindi mo naman kase ako kelangang gustuhin pabalik, gusto ko lang naman na matanngap mo yon."Sabi ko sa kanya at ngumiti ng kaunti.
Bigla syang napatahimik at natigilan. Hindi rin siguro sya makapaniwala sa mga sinabi ko kasi kahit ako hindi makapaniwala sa mga nasabi ko kanina. Bigla nalang lumabas sa bibig ko yung mga salitang yon.
"A-a.... Ano ba yu-"
"Hayst! Wag mo na kong problemahin, dadagdag pa ko sa problema mo dyan sa grades eh."Sabi ko at biglang binitawan yung kamay nya. "Sige na, dumeretso ka na ng uwi sa inyo para di na rin yon makadagdag sa galit nila."Sabi ko at tinapik sya sa balikat ng kaunti.
Kita parin sa mukha nya na di parin sya maka-reccover. Napangiti nalang ako at nagsimula na kong maglakad ng palikod. Titig na titig parin sya sakin pero kinawayan ko nang sya at tumalikod na sa kanya.
Song Leeyah Grabrielle's POV
Pakshet ka, Beomgyu, hanggang dito ba naman sa daan ginugulo ako nyang mga pinagsasabi mo ha?!
Napa-iling nalang ako at sinapok yung ulo ko. "Hayst, Lielle! Wag ka ngang paapekto kay Beomgyu! May Hyojin ka diba?"Imik ko sa sarili ko habang naglalakad pauwi.
Ngayon ko lang napagtanto na sinunod ko pala yung sinabi ni Beomgyu kanina. Napatigil nalang ako sa sidewalk at napabuntong hininga. Usually kase dapat sasama pa ko kay Hyojin na gumala pero eto ako dumederetso sa pag-uwi.
Walang kinalaman to kay Beomgyu, siguro nga tama lang talaga yung sinabi ni Beomgyu, okay?!
Nang marating ko yung harap ng bahay namin ay bigla akong kinabahan. Feeling ko kase pagagalitan ako ni ate Andeng at ayoko talagang nakikitang galit yon. Bumuntong hininga muna ako at saka pinindot yung doorbell. Ilang sandali lang ay bumukas na yung pinto at si ate Andeng yung bumungad sakin.
"Ate Andeng..."Bungad ko sa kanya. Bumuntong hininga din sya pagkatapos buksan yung pinto at sumenyas sakin na pumasok sa loob. Walang bumungad na Wafer, Hershey at Dein sa akin.
"Anong balak mong sabihin kina tita pag nalaman na nila yang grades mo?"Deretso na tanong sakin ni ate Andeng. HIndi ako makasagot at napatungo na lang. "Alam mo namang napaka-strict ng parents mo pag dating sa grades diba? Ano nalang magagawa nila sayo? Lielle, napakalaki nung possibility na palipatin ka sa ibang school o worst baka papuntahin ka pa nilang abroad."Pagsesermon nya sakin.
"A-alam ko n-naman..."Yun na lamang at tanging nasabi ko.
"Alam mo naman pala, Lielle eh... Sa totoo lang, ang gusto ko lang naman kase yung best din para sayo. Ayoko rin na mapalipat ka ng school."Sabi nya.
"Hindi ko alam gagawin ko, ate Andeng..."Sabi ko ng maluha-luha. "Ayoko rin mapahiwalay sa inyo. Anong sasabihin ko kina mom neto?"Nag-aalalang tanong ko.
"Wala ka namang ibang choice kung di magsabi ng totoo."
"But what if isama na nila ako sa abroad? Ayoko non..."
"Tatanongin muna kita, Lielle. Sa tingin mo, bakit naging ganyan grades mo?"
"I don't know-"
"Wag mong gawing tanga yung sarili mo, Lielle, alam kong alam mo yon."Napabuntong-hininga na naman ako at di makasagot. "Yung mga oras na sana nag-review ka nalang, anong ginawa mo? Diba sumama ka pa kay Hyojin kahit alam mo na dapat ka nang mag-review? Yung mga oras na pinagmatigasan mo pa si Beomgyu, sana pumayag ka nalang na tulungan ka nya. You wasted the effort of a person na gustong gusto kang mapapunta sa best mo."Sabi nya at doon ako natauhan.
All this time, Beomgyu just wanted the best for me... Pero ano bang katangahan yung pinaggagawa ko?
"If I were you, maging maingat ka sa pagpili ng taong mas pakikisamahan mo."Sabi nya at tinalikuran na ko.
Did I really make a huge mistake na hindi tanggapin si Beomgyu?
BINABASA MO ANG
Playgirl || Choi Beomgyu [COMPLETED]
Nouvelles"Hindi ako playgirl, hindi ko lang talaga mahanap yung taong para sakin." __________ 「 S E R I E S # 2 」 ➳ ʜᴀʜᴋᴅᴜɢᴇᴘɪꜱᴛᴏʟᴀʀɪᴇꜱ_ᴛxᴛ ➳ ꜰᴛ. ᴄʜᴏɪ ʙᴇᴏᴍɢʏᴜ ᴏꜰ ᴛxᴛ ➳ ᴛᴀɢʟɪꜱʜ ᴇᴘɪꜱᴛᴏʟᴀʀʏ __________ B Y: C A L I E X X _ _