1- 1st Day of Class

21 0 0
                                    

Cat's P.O.V

Crrrring... Crrrring... Crrrring... Crrrring...

Uhhhhh. Ang aga aga may tumatawag na agad! Ano ba meron?!

Kinapa ko agad ang phone ko na kanina pa tumutunog. "Dice Calling" ang nakalagay.

Juice Colored naman. Aga aga!

Nilagay ko phone ko sa tapat ng tenga ko para makausap tong si Dice na ang aga aga tumatawag na agad!

"Uhhhh! Ano! Ang aga aga!" pasigaw kong sagot kay Dice.

"Goodmorning beautiful!" sabi ni Dice na halata sa boses nya na ang saya saya.

"Beautiful ka dyan!" paasar ko'ng sagot.

"Luuuhhhh. Di wag. Sunduin kita?" sagot ni Dice.

"Sunduin?? Ang aga aga ah. San tayo pupunta?!" pasigaw ko'ng sagot.

"Ayy. Si Ms. Sungit may amnesia na!" sagot ni Dice ng pabading na boses.

"Bat ano ba meron?" nagtataka ko'ng tanong.

"1st day of class po!" sagot ni Dice ng pa bading na boses padin.

Nagulat ako at tinignan phone ko. Pagtingin ko sa date, ngayon nga 1st day of class.

"Ay oo nga pala! Sige daan ka nalang dito." sagot ko kay Dice.

"Sige. Bbye." ang huling sinabi ni Dice.

Pagkatapos non. Bumangon na ako sa kama at ginawa ang daily routine ko. Naligo ako, toothbrush, bihis at kung ano ano pa.

Pagtapos ko mag ayos ng buhok. Bumababa na ako at kumuha ng cereal at gatas sa ref at kumain ng breakfast.

Sigurado tulog pa sila Mama at Papa. Si kuya naman nasa college na kaya nag dodorm nalang sya malapit sa school nya.

*knock. Knock*

Andyan na pala si Dice. Tamang tama tapos na ko kumain.

Nilagay ko yung pinagkainan ko sa lababo at kinuha na ang bag ko.

Pagkabukas ko ng pinto, niyakap ako agad ni Dice ng sobrang higpit na parang ilang taon kaming hindi nagkita. Eh nung isang araw lang magkakasama kaming tropa.

"Aray ko! Mamamatay na ko sa higpit dre!" sigaw ko kay Dice.

"Hahaha. Churi dre. Tara?." nakangiting sinabi ni Dice.

"Tara." sagot ko kay Dice ng nakangiti.

Sinara ko ang pinto ng bahay at sumakay sa sasakyan ni Dice. Regalo sa kanya ng parents nya. Nagkwentuhan kami ni Dice tungkol sa school habang papunta sa school.

Pag dating sa school, pumunta kami sa parking lot at nag park si Dice. After non, bumaba na kami ng sasakyan nya at hinanap na ang tropa.

"Cat!!!!" sigaw ni Sam pagkakita agad samin.

Sabay, hinug nya ko. At sinabing, "Yieee. Sabay sila ni Dice pumasok ngayong first day!"

"Baliw!" nakatawa ko'ng sagot kay Sam.

"Nga pala asan si Dave?" nagtataka ko'ng tanong. Kaninang umaga pa din ako nagtataka kung bakit wala manlang syang text. Araw araw nag goodmorning yun sakin eh.

"Ayun oh!" sabi ni Dice ng nakaturo sa sasakyan ni Dave.

Pagkalingon ko ay papalapit na nakangiti samin si Dave.

"Hi pre." sabi ni Dave.

"Bat ngayon ka lang?" malungkot ko'ng tanong kay Dave.

"Sorry na pre. Na late kasi ako ng gising eh. Hindi rin ako nakatext sayo kanina kasi expire na pala load ko. Kakapaload ko pa lang." paliwanag ni Dave.

BestFriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon