3- Selos (=^^=)

7 0 0
                                    

Cat's P.O.V

*Beep beep* *beep beep*

Pagkamulat ko... ARAY!

Pinilit ko'ng magising ng buo para makita kung nasaan ako. 

Pagkamulat ko uli at na pansin na gising na ako, nagulat ako dahil nalaglag pala ako sa kama, at hawak hawak pa din ang cellphone ko. 

*Beep beep* *beep beep*

Chineck ko ang phone ko na naiwan ko'ng hawak ko simula kagabi. Pagbukas ko ay conversation namin ni Dave ang unang lumabas.

At doon ko na realize na buong gabi pala kaming nag uusap kagabi. 

Pagkabasa ko sa pag uusap namin, natulugan ko pala sya kagabi. Hayyy. Dami nya tuloy text. Kawawa naman pare ko.

*scroll scroll*

"Goodmorning pre. Gising na"

"Pre, gising na. May pasok pa tayo."

"Mag breakfast ka na ah :)"

"Sunduin kita?"

Nako andaming text ni Pare. 

"Morning pre. Sorry pre. Nakatulog na ako kagabi eh. Sige, daan ka nalang dito. :) nag text din pala si Sam, kung pwede daw daanan natin sya." *send*

*Beep beep*

"Okay lang pre. Osige. Agahan ko nalang dyan, para makadaan pa tayo kay Sam."

"Sige :)" *send*

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Dave. Dumeretso na ako sa cr at ginawa ang daily routine ko.

Pagkatapos ko mag sapatos, bumaba na ako sa kitchen para makapag breakfast. Tulog parin sila mama at papa. Gabi na kasi sila nakakauwi galing sa trabaho. Kaya minsan nalang kami nagkikita kita kapag weekdays. 

*knock knock*

Ay. Andyan na si Dave. 

Nilagay ko na sa lababo yung pinagkainan ko at kinuha ang bag ko. 

Dave's P.O.V

Pagdating ko sa bahay nila Cat, kumatok na ako. 

Pagkalipas ng ilang minuto, binuksan na ni Cat ang pinto nila.

Doon sa harap ko, nakatayo ang pinakamagandang babae na nakilala ko sa buhay ko. Syempre maliban na sa nanay ko. :)) Hindi ako makagalaw at sya lang ang tumatakbo sa isip ko noong panahon na yon.

"Hi pre." nakangiting paggising sakin ni Cat sa pag iisip ko sakanya. 

"Ay. Hi. Tara na pre." sabi ko kay Cat habang naglalakad papunta sa sasakyan.

Nauna akong pumasok sa sasakyan upang tignan ang itsura ko dahil sa tingin ko kinikilig ako.

Pagpasok ko sa sasakyan, tumingin ako sa salamin, at nakitang namumu. Nako po! Hindi to pwede. Ni rub ko ng ni rub ang mga pisngi ko, nagbabakasakaling mawala ang pamumula ng mga pisngi ko.

Pagpasok ni Cat sa sasakyan. Nakita nya akong ni rurub ang mga pisngi ko. 

Napangiti sya. Syempre ako pumikit nalang. Ayokong madagdagan pa 'tong pa mumula ng mga pisngi ko no. Nakakahiya.

"Oy pre! Anong ginagawa mo?" nagtataka at patawang tanong ni Cat. 

"Wala wala." at tinanggal ko na ang mga kamay ko sa pisngi ko at inalagay na sa manibela. 

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at buti nalang nawala na ang pamumula.

Nag drive na ako papunta sa bahay ni Sam dahil nga nagpapasabay sya. 

BestFriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon