4- Surpresa

5 0 0
                                    

*after a week*

Dave's P.O.V

Minsan ko nalang nanaman nakakasama si Cat. Parang 10 minutes lang ata tuwing lunch,  tapos aalis na sya. May gagawin pa daw sila ni Prince. Hindi narin kami nagsasabay umuwi, kasi sumasama sya sa bahay ni Prince. Kaylangan daw kasi nila tapusin yung ginagawa nila.

Syempre ako nasasaktan, nagseselos. Ang alam ko sinabi ko na kay Prince na wag nya aagawin si Cat sa akin ah. Bakit ngayon parang mas malapit pa sila ng bestfriend ko.

Isang araw, lunch time.

Kinuha ko kaagad ang bag ko at pumunta kay Cat. Pero sabi nya may gagawin daw sila ni Prince.

Kaya umoo nalang ako at umalis na. Baka maistorbo ko pa sila no.

Pag dating sa canteen, si Dice lang kasama ko, absent si Sam eh.

Pagkatapos ng ilang minuto nakita namin na nandito nadin pala sila Cat at Prince. Umupo sila malapit sa fountain. Kaya medyo magkalayo kami.

"Ganda ng view no.!" bulong ni Dice na nakaupo sa tabi ko habang kumakain.

Wala na akong magawa kundi umoo. Sa tropa kasi si Dice lang ang may alam na gusto ko si Cat. Alam nya din na this past days nagseselos ako kila Cat at Prince. At ang sabi nya lang ay intindihin ko nalang daw si Cat dahil baka may ginagawa lang talaga.

Habang nakatitig kila Cat, nakita ko na inakbayan bigla ni Prince si Cat.

Bigla akong napatayo at tumakbo papunta sa kanila.

Habang si Dice, humahabol sa likod ko tinatanong kung saan ako papunta. Pero hindi ko sya pinapansin, dahil para sa akin si Cat ang importante ngayon.

Pagdating sa harap ng lamesa kung saan nakaupo sila Cat at Prince, biglang tinanggal ni Prince ang kamay nya na nakaakbay kay Cat.

Siguro hindi naman ganon ka laking point yung pag akbay nya kay Cat. Pero para sakin malaking point yon. Sinabihan ko na si Prince, pero bakit ngayon parang hinahamon pa nya ata ako.

"Cat!" pasigaw ko sakanila.

"Oh pre. Bakit?" pagulat na tanong ni Cat at biglang tumayo.

Pinatabi ko si Cat at hinila si Prince papunta sa labas ng Canteen.

Habang si Dice sinamahan muna doon.

Pagdating sa labas ng canteen, nawala ako sa sarili ko at nasuntok si Prince sa muka.

"Tol! Ano yon?!" gulat na gulat na tanong ni Prince.

"Diba sinabi ko na sayo! Wag mong agawin ang bestfriend ko! Ang taong mahal ko!" galit na galit kong sigaw kay Prince.

Tinaas nya ang mga kamay nya at sinabing, "Teka teka. Hindi ko naman inaagaw si Cat sayo ah!"

"Eh ano yon'g nakita ko kanina?! Ha! Inakbayan mo sya?!" sigaw ko kay Prince habang nanglalaki ang mata.

"Tol! Magkaibigan lang kami ni Cat. Kung nag seselos ka dahil lagi kaming magkasama. Sabihin mo sakanya na nagseselos ka. Nagpapatulong lang naman sya sa surpresa nya sayo ah!" paliwanag ni Prince.

Nagulat ako. Surpresa? "Anong surpresa?!" tanong ko kay Prince ng mahinahong boses.

Umalis lang sya at bumalik na sa lamesa nila ni Cat.

Nagulat ako at nagtaka. Surpresa?.

Bumalik ako kila Cat at nag sorry.

Pagkatapos non ay niyaya ko na si Dice sa classroom. Wala naman na akong gagawin don eh.

Prince P.O.V

"Anong surpresa?!" gulat na tanong ni Dave.

Nagulat ako. Na dulas ako na may surpresa si Cat para kay Dave. Anong magagawa ko, sinisigawan nya na ako eh. Yan tuloy nadulas ako. Lagot ako nito kay Cat. Patay!

Sa gulat ko, bumalik nalang ako kay Cat.

Pagbalik ko, sumunod na din si Dave sa lamesa namin at nag sorry.

Pag alis nila Dave at Dice,

"Priiiiince?????" tanong ni Cat sakin ng dahan dahan.

"Uhhhmm. Wala akong ginawa ah!" takot na sagot ko kay Cat.

"Anong sinabi mo????" tanong ni Cat sakin ng dahan dahan ulit.

Napaisip ako na sabihin sakanya ang totoo, "Nadulas lang ako..." 

"Ano?!" putol sakin ni Cat.

"Teka teka. Ang nasabi ko lang naman may surpresa ka sakanya eh. Yun lang." paliwanag ko.

"Hoooo. Okay good." sagot ni Cat.

Napangiti ako at nawala na ang takot. Akala ko papatayin na ako ni Cat. Hahaha.

Pero, "Nako Prince! Pag talaga lang ha! Nako!... Nako!" tangka ni Cat.

------

Good evening :) daming ginagawa sa school eh. So hindi ko alam kung kelan ako may time na mag update. Tsaka ang ikli lang din ng chapter 4. Siningit ko nga lang tong wattpad eh.

Sana okay lang yung chapter na to. Any suggestions or anything?. :)

Sweet dreams. Antok na rin ako eh. :( byeee. Pray lots <3

/mcnicole_brah

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BestFriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon