Steve POV
Bumaba ako agad sa kwarto ko nang may narinig akong kakaibang ingay na nagmula sa basement ko, pag labas kopa lang ay agad ako nagulat sa nakita ko, isang babae na naka talikod at halos wala akong makita na kunting aninag sa mga katawan niya.
"a-ano to?" Bigla akong napatanong sa isip ko.
Halos dina ako makagalaw sa kintatayuan ko dahil sa halo halong kaba at takot, diko na'rin maigalaw masyado ang katawan ko! Diko din alam kung bakit parang ang bigat lang ng pakiramdam ko.
Paglingon ko muli sa babae na kulay itim ay nawala na ito, at kasabay non ang pag galaw ng katawan ko.
"shit!, Anong nangyayare dito?, Teka Cindy! Clark!" Sigaw ko habang nagmamadaling umakyat sa kwarto nila.
Bigla akong napahinto muli at doon ko nakita muli ang babaeng itim na papasok na sa kwarto ni Clark!.
Agad ako kumuha ng Pampalo at tinawag ko ang babeng itim."Hoy! Ikaw! Sino ka? At paano ka nakapasok dito." Pananakot ko.
Ngunit nakakapagtaka kase pati mukha wala siya ngunit mata lang na kulay Pula? Puti? Na iwan kung anong kulay ang laki nang mata niya at sobrang nakakatakot ngunit pamilya ko ang nakataya dito hindi pwedeng Susuko nalang ako.
Kahit nanginig sa takot ay nilakasan ko ang aking loob para kay clark at cindy at pati nadin kay Sarah! Tumayo ako agad at tumakbo papunta sa itim na babae ngunit kapansin pansin ang mga bawat hakbang ko ay parang naka slow mo ako na parang iwan ang bigat ng mga paa ko at ang katawan ko . Gayon din ang Puso ko parang nahihirapan akong huminga.
"Anong nangyayare sakin?" Tanging bumabagabag sa isip ko.
Napahinto ako nang dumiretso ang itim na babae sa isa pang kwarto, "Hindi pala si clark! Si ? Cindy!."
Agad ako tumakbo sa pintoan ni clark at isinara ito at nilock, pero pag lingon ko Nakapasok na ang babae sa kwarto ni cindy! "Holy shit!" Agad ako tumakbo kahit mahina ang hakbang ko pero si cindy ang nakataya dito.Pagdating ko sa pinto kita ko agad si cindy na tila Nakalutang sa mga ere At ang babae Hawak ang isang malaking patalim.
" Teka²! Pag usapan natin to, wag mona man idaan sa ganito gusto moba pera ko? Kunin muna kahit lahat kunin molang wag mo lang saktan si cindy! Please nagmamakaawa ako sila nalang ang mga Pangkabuhayan at nagpapasaya sakin araw araw, nawala nanga ang ina nila tas ngayun Pati pa sila? Kahit ako nalang please... Wag molang silang saktan paguusapan natin to. Kunin mo pera ko at umalis kana diako tatawag ng pulis kahit kunin mo na rin mgagadgets namin lahat at sirain ang mga linya please naman oh..." Pagmamakaawa ko .
Ngunit hindi parin siya nakinig at agad na Sinungaban ang likod ni cindy ng napakamalaking Patalim!
"Ciiiindyyy!....." Sigaw ko at agad akong tumakbo sa kinarorounan niya.
Ang bilis ng pangyayare hindi niya man lang ako pinatapos at bigla bigla niyang sinunggaban nang matulis na patalim.
Nakita kung nagsikalat na ang mga dugo dugo ni cindy sa kama at sahig halos nabalutan ang puting kama ng pula.
Pati kamay ko nagsilagkit dahil sa dugo ni cindy... Bakit ganito? Bakit ganito ? Sumpa ba ako? Sumpa ba ako?
At dikona napigilan ang mga luha kung kusa nalang bumagsak na parang isang pusa na inagawan ng isda.
BINABASA MO ANG
Till The Light's Gone
Misterio / Suspenso" not all night dreaming are good, sometimes it happens when you or all of your family had a same method of life. Beware stop sleeping already. " Main Character: 👻 Steve 👻 Sarah 👻 Clark 👻 Cindy 👻 Alteah 👻 James