(Chrissha's POV)
Hi ako nga pala si Chrissha Jane Ocampo, Just call me Issha, Shasha, Jane, Chrissha. Hehe yan kasi yung mga common na tinatawag nila sa akin. I'm 18 years old also katulad ni Shekinah by the way.
Magbestfriend nga pala kami nung kalog na yun simula pa nung Grade school. Lagi kaming magkasama ng babaeng yun.
Madaming nanliligaw sa kanya pero ni isa, WALA syang sinagot. Oo tama ang narinig nyo ni isa WALA talaga siyang sinagot ! ang swerte nga nyang babaeng yan eh.
Kung ako rin naman ay naging isang lalaki, di talaga ako mag dadalawang isip na ligawan ang babaitang yan.
Bukod sa matalino, Napakaganda pa nyan (Kanino pa ba magmamana? HahaXD Lakas) sobrang bait, At mapagmahal din yan sa Family nya. Sobrang faithful din sya kay God.
"Nabanggit ko na ba yung tungkol kay ZAYN? Ssssshhhhhhh... Wag kayong maingay ahh? pag nalaman to ni Besty. Nakuu!! patay ako dun."
Here it goes...
"1st year high school kami nun ni Besty. Baguhan pa lang kami sa school na yun.
1st day palang ang dami ng humahanga sa kanya.
Lalo na sa room. At oo di kami nagkakahiwalay ng babaeng yan magkaklase kami simula pa nung elementary days.
Buti nga di kami nagkakasawaan sa mukha ng isa't isa eh Hahaha.
Maski ako Napapahanga ako dyan kay Besty sobrang talino kasi Sobrang ganda pa nya, Haysss parang dyosa (KATULAD ko lakas makasegwey)
Walang ibang inisip yan kundi aral, aral, aral, aral. Srsly? minsan napapa-isip ako, ano kayang ginagawa nya sa makakapal niyang libro? kinakain nya kaya yun?
oh di kaya, hindi ba sya nagsasawa sa kakabasa? eh halos paulit-ulit na lang naman niya binabasa lahat ng yun eh.
Iba talaga yang besty ko. Nakaka-proud lang. (layo nanaman ng tinakbo ng utak ko)
"Bat kaya hindi mo siya gayahin? mas marami ka ring matututunan dun shunga ka rin eh no?" sabi ni konsensya
Eh, sa ayoko eh haha walang basagan ng trip.
Pero may point ka rin naman, yea! that's nice. Nakakapag-isip ka rin pala ng matino? Hahaha
"Ewan ko sayo!" konsensya
Ewan ko rin sayo! Di tayo bati, tandaan mo yan.
Ay! oo nga pala nasaan na nga pala ako? sa kwinekwento ko? hays, saan? saan? saan?
"Besty!" tawag sa akin ni Besty.
"Bakit besty?" patalon-talon pa akong pumunta sa kanya.
"Anung ginagawa mo dun? para kang tanga dun. Bat nakatulala ka? Anu bang iniisip mo?"
patay! wag nyong sasabihin na kwinekwento ko siya sa inyo ah?
"Ah! wala! nag nag na-nag boboy hu-hunting lang ako!
ayos! galing mo talagang magpalusot! bwhahaha.
"Halika na nga! Nandyan na si Sir tapos ikaw pa boy hunting boy hunting ka pang nalalaman, kung sapatusin kaya kita? ang tanong nagreview ka na ba? Ha?"
ay! oo nga pala patay! hindi ako nagreview pero okay lang stock knowledge na lang. Hehe.
"Hindi naman uso sa akin yung pagre-review! stock knowledge lang katapat nyan!"
"Sus! tapos pagdating sa test. Nga-nga!"
"Hehe alam mo na? Pakopya na lang ha? ha? ha?"
"Hmm. Ayoko nga! "
"La? parang di tayo magbesty" insert *konting paawa effect* here.
"Basta libre mo ko ng piattos at ice cream na cookies n' cream mamayang uwian!? "
sabi ko na nga ba, may kapalit eh. "Oo na! basta papakopyahin moko ah?"
"Yehey! oo na." tingin sa relo.
"Waaaa! besty late na tayo! halika na dali. bilisan mong tumakbo! ikaw kasi eh! Hahaha"
Sa susunod ko na lang itutuloy yung kwento ko uh? loveyouall:*
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BABE<3
Teen FictionAlam naman nating lahat na Pag nagmahal tayo ng isang tao, IBIBIGAY natin ang Lahat diba? Mamahalin natin sya Ng buong buo Maparamdam mo lang na MAHAL MO SIYA <3 Lahat gagawin mo Mapasaya mo lang sya :) Kahit yung mismong kaligayahan mo ipagpapaliba...