"Ikaw ang ate, ikaw dapat ang magparaya"
yan nalang lagi ang paulit-ulit kong naririnig mula sa aking magulang sa tuwing may pinag-aawayan kami ng nakababata kong kapatid na si Elisse.Bata palang kami ngunit maaga na akong nagtanim ng galit sa kaniya. Bukod sa ako ang laging napapagalitan sa tuwing nag aaway kami,
Naiinggit ako dahil may mga pagkakataon na sa tuwing humihiling ako sa mga magulang namin, kailangan ko pa ng matataas na marka bago ko iyong makuha samantalang kapag si Elisse naman ang may gusto. Isang kalabit niya lang kila mama at papa, andyan na agad. Ni wala ng kondisyon para makuha ang mga iyon.Bukod pa rito ,sa tuwing may reunion kami nasa kaniya lahat ng atensyon nila. Puro nalang siya. Puro nalang si Elisse. pinipili ko na lang mamalagj sa loob ng kwarto ko at doon magmukmok.
Hindi ko makalimutan ang mga pagkakataong mas kinakampihan nila si Elisse kaysa sakin kahit na siya may kasalanan. Wala nga akong maalala na ako ang kinampihan at siya ang sinermonan.
Noong minsan nga nasira yong paborito kong manika dahil sa kaniya. Bigay pa naman sakin ng aming tita yon galing pang ibang bansa. Pano kasi pilit kong kinukuha sa kaniya pero ayaw niya namang bitawan kaya ayon napunit at halos lumabas na lahat ng cotton nito.
Dahil sa galit at inis ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko na sigiwan siya na may kasamang palo. Ilang beses ko iyong ginawa kaya naman hindi na napigilan ni Elisee ang umiyak ng pagkalakas lakas dahilan para pasukin kami ni mama at papa sa loob ng kuwarto.
Matatalim ang mga tinging sumalabong sakin kayat inunahan ko na sila. Sinabi ko na sa sinira niya yong manika ko. Pero imbes na siya ang pagalitan, ako pa ang napagalitan. Nilapitan nila si Elissse na hindi na makahinga sa kakaiyak.
Agad nila itong binuhat at pilit na pinapatahan. Nakita ko sa kanilang mata ang takot at kaba habang kalong kalo ni papa si Elisse.
"Yaya, pakikuha nga ng isang basong tubig. Pakidalian! Please" sigaw ni mama habang walang tigil ang luhang dumadaloy sa kaniyang pisngi.
Hindi ko alam pero hindi ko sila maintindihan. Bago pa sila makalabas ng kwarto, may sinabi pa sakin si mama. " Huwag na huwag mo nang paiiyakin ang kapatid mo Lara, Please" pakiusap ni mama habang patuloy parin ang pag-agos ng kaniyang mga luha.
Tuluyan na silang nakababa ngunit ako heto nakatulala sa kawalan at iniisip kung bakit mas kinampihan nila si Elissee gayong ako ang nasiraan ng laruan. Isiniksik ko nalang ang sarili ko sa aking kama at tuluyan nang tumulo ng aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
Gusto ko lang naman ng atensyon na ganon kay Elisse. Pero hindi yong na sakin nga ang kanilang atensyon pero hindi naman ako ang bida.
Author: Ipagpapatuloy ko ang kasunod kapag umabot ito ng 10 votes. Lols haha xD Ge chiao! Salamat sa mga mambabasa. Keep on reading guys. Lovelots😘😘
BINABASA MO ANG
She Was Gone
Historia CortaTungkol ito sa isang babaeng maagang nagtanim ng galit sa kaniyang nakakabatang kapatid. Bata pa lamang siya, hindi na niya maitago ang kaniyang pagkamuhi sa tuwing siya ang laging nagmumukhang mali sa mata ng kaniyang mga kaibigan pati na rin sa ka...