Isang umaga na namang palingon lingon sa upuan si Nadya tila merong hinihintay at hinahanap.
Ilang days na namang absent itong Hayme. Hindi na naman papasok. Tsk! Puntahan ko kaya siya after school? Ay nakooo! Papagalitan na naman ako ng nanay nito at baka gabihin ako. Tsk! Ahh whatever!
Makalipas ang maraming oras. Haaay salamat last class na. Sabay tumigin sa bintana. Namimiss ko na siya. Pabulong niyang sinabi.
"I miss you too!" sabay hampas ng libro sa desk.
"Ay susme!!" nagitlang sabi ni Nadya. "Teacher naman! Aatakihin naman ako sa inyo!"
"Good! Hindi ka pay attention sa class. Remember class, graduating kayo and you need to pass this class para mangyari yun. Hmpph! Wag puro love love iniintindi niyo" Tumingin Kay Nadya ng masama.
Pangiti-ngiti na lang si Nadya sa guro.
"Okay class?! Buksan niyo yung libro niyo sa pahina 236." Naglakad palayo sa upuan ni Nadya.
Bwisit na baklang to. Panira ng muni muni ko. Masisisi ba niya ako? Boring boring ng class niya. Haaays!
Agad agad naman nagpunta si Nadya sa bahay ng kababatang si Hayme pagkatapos ng school. "Tao po! Tao po!"
"Oh iha. Buti napadalaw ka. Two weeks ng di nalabas sa kwarto kaibigan mo." nag-alalang sinabi ng mommy ni Hayme. "Oo nga po tita eh. Pansin ko po. Di na siya napasok. Baka di na siya makagraduate."
"Please.." sabay hawak sa kamay ni Nadya. "..iligtas mo anak ko. Ikaw na lang pag-asa namin. Masyado niyang dinibdib nangyari kay Rica."
Niyakap niya ang kanyang tita at sinabi, "Wag po kayo mag-alala tita. Ako po ang bahala. Tahan na po"
"Oh sige anak tumaas kana at dito kana kumain ng dinner. "
"Opo" Ano ka ba Hayme. Kawawa mama mo. Patay ka sa akin.
Knock-knock
"Hayme, papasok ako ahhh." binuksan niya ang pinto at nakitang patay lahat ang ilaw.
Ano ba to ang dilim. Sino bang lalong di madepress dito. Saan ba switch on dito. Ay eto!
Nang binuksan ni Nadya ang ilaw, magulat itong nakitang nakahandusay ang kaibigan sa sahig at tumakbo ng mabilisan palapit sa kaibigan. Ano to bakit dugo?! Bakit may kutsilyo?!
"Haymeeeee!" Magsalita ka please. Ano gagawin ko. Wait.. wait.. Nadya di totoo to.
"Tulo.....ng" Tila walang nalabas na boses sa kanyang bibig. Haymeee please. Nadya kailangan mo huminahon. 1..2..3.. Take a deep breath. Walang mangyayaring masama.
"Tita! Tita!"
"TULONG!"
"Hayme! Please wag mo ko iwan!"
To be continued..
BINABASA MO ANG
Unrequited Love (Jadine)
FanfictionSi Nadya ay isang graduating student from St. Benildo High school. Siya ay maganda, matalino, masayahin, simple, at mabait. Lahat ng gusto ng lalaki nasakanya na. Pero ni isa hindi pa siya nakakapagboyfriend kasi ang taong gusto niya may mahal ng ib...