CHAPTER EIGHTEEN

7.7K 141 9
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

-Frances Paris Ameline's PoV-

Mga twenty five minutes na siguro akong nakatayo sa may waiting shed sa tapat nitong cafe. Hinihintay ko kasi sila Marley. Birthday daw ng boyfriend niya kaya pati ako e inayang pumunta sa rest house 'kuno' nila. Magpa-party party raw sila sila. Tumatanggi ako pero lahat sila e kinukulit ako--kung hindi sa text, tumatawag naman--kaya naman, ayun, napapayag na ako. Sayang din naman kasi kung papalagpasin ko, di ba?

Maya-maya'y may kulay black na Ford na ang huminto sa may harap ko. Kung hindi ako nagkakamali, si Haris ang may-ari nito.

Bumukas yung pintuan at bumaba si Marley. Nakita ko namang nakaupo sa loob yung boyfriend niya. Hindi ko na makita yung ibang kasama kasi medyo madilim at nasa likod na. Bumukas din yung bintana sa may harapan. Nakaupo dun si Gio tapos nasa driver's seat nga si Haris. Malamang kasi sa kanya 'to.

"Uy, bestie, sigurado kang magaling ka na ah?" tanong ni Marley sa'kin. "Baka mamaya, mabinat ka." Lumapit pa siya nang kaunti at bumulong, "Mamaya, magkasakit kayo ulit ng baby mo, masisi mo pa ako."

Tinawanan ko siya. "Luka luka ka talaga. Kanina lang, todo ka kung mag-aya, tapos ngayon, parang ayaw mo na akong isama."

Nginusuan niya ako. "Naninigurado lang naman ako, best, para sa kalusugan mo. Ay, kung sabagay, rest house naman yung pupuntahan natin. Libre pahinga pag pagod ka na."

"Wag ka nang mag-alala, Mars. Ayos na ako. Duh, it's been three days na kaya." I assured her. "Ano? Naghihintay na sila. Tara na!"

Ngumiti siya. "TARA!"

Nauna niya akong pinapasok sa kotse. Sa likod nalang kasi yung available space sa loob. Ikinagulat ko pa nung may nakita akong gwapong nilalang na nakashades at tahimik na nakikinig sa music ng mp3 niya habang tulalang nakatitig sa labas ng bintana. Si Chase pala 'to. Bakit parang mas gumwapo siya ngayon? Ehh?

Dahil mukha siyang may sariling mundo, hindi ko na muna siya pinansin. Tahimik lang akong umupo sa tabi niya, at umandar na yung kotse.

Maya-maya'y napatingin siya sa'kin. Teka. Bakit parang may mali na naman? Sa tingin niya e parang gusto niya akong kainin nang buhay? Ito na naman yung mga pamatay-as in literal na pamatay-na tingin niya sa'kin. Badtrip yata siya. Mukhang masama ang gising.

"Bakit ganyan ka makatingin? Problema mo?" tanong ko sa kanya.

"Tsk." Parang pa-irap siyang nag-iwas ng tingin sa'kin. Hala? Wala naman akong ginagawa sa kanya ah. Baka may dalaw siya ngayon. -_-

Nagkukwentuhan sila pero wala kaming imik na dalawa ni Chase. Nakakahawa yung katahimikan niya eh. Pero kung sabagay, mas okay na yung ganito siya. Gumagwapo kaya siya kapag tahimik at seryoso siya. Ehehehe.

"Oy, kayong dalawa diyan sa likod! Hindi ba kayo makikisali sa'min? May sarili kayong mundo dyan ah!" Heto't napansin na kami nila Gio. "Baka mamaya kung anong milagro na yung pinaggagagawa niyo dyan!"

CHASE RHENNAN [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon