CHAPTER THIRTY SIX
-Frances Paris Ameline's PoV-
Hindi ko talaga alam kung ako lang ang nakakapansin o pakiramdam lang ko lang talaga na pinagtitinginan ako ng mga tao rito sa campus. Pagkatapak na pagkatapak ko palang kanina sa gate--okay, medyo OA pero literal na gano'n yung nangyari--e all attention and eyes on me ang drama. Jusko. Hindi ko naman alam kung ano'ng problema nila. Hala, hindi naman siguro nila alam yung nangyari sa'kin, di ba? Aish! Siyempre hindi!
Pilit ko silang nilagpasan lahat--sila at ang mga malalagkit nilang tingin sa'kin.
Si Chase kaya? Hindi ko na siya makita-kita, ah? Hindi ko tuloy alam kung malulungkot ako o matutuwa.
"BESTYYYY!"
Pakiramdam ko, mas lalo akong pinagtinginan ng mga tao nang bigla akong tawagin nang sobrang lakas nitong si Marley. Kung makatawag siya naman sa'kin, akala mo may kung anong emergency.
Bigla niya akong nilapitan at halos hatakin sa may sulok na spot nitong campus.
"Teka-teka, uy! Ano ba'ng problema mo?" tanong ko sa kanya. "Bigla bigla kang sisigaw tapos manghahatak. Ano yun?"
Hindi siya mukhang kumalma. Panic na panic siya na ewan. "Anong 'ano'? Nasisiraan ka na ba ha?" Pinilit niyang kumalma at hinaan yung boses niya.
"Ano ba kasi 'yon?" Naiirita ko nang tanong. Mukha naman kasi siyang ewan.
"Gaga ka talaga, Paris! Sabi ko naman sa'yo, tantanan mo na yung paghabol mo sa Chase na 'yon. Sinabi ko na sa'yong tigilan mo na siya," sabi pa niya. "Tapos ano ngayon 'tong pinasok mo? Jusko naman, Paris!"
"Ano ba kasi 'yon?" Ang weird naman kasi e. Ang weird na nga ng mga tao, sinasabayan pa niya.
"Hindi ka ba nadala, ha?" pagsisimula na naman niya. Medyo lumungkot yung mukha niya. "Sabi ko naman sa'yo tigilan mo na siya."
"Uy, grabe ka ha. Wala pa nga ako ulit ginagawa eh." Pinilit ko siyang tawanan para kumalma-kalma naman siya. "Ano ba kasi 'yon?"
Magsasalita pa lang siya nang may marinig kami galing sa pager nitong campus. "Attention, please. The following candidates for the University King & Queen--Miss Aliya De Vera and Mr. Hans Martinez, Miss Francine Anne Quezon and Mr. Daniel Lim, Miss Sheila Rose Daniega and Mr. James Peter Salvacion..." Hindi ko na talaga papansinin 'yon pero nagulat ako sa mga sumunod na pangalan na binanggit. "...and Miss Frances Paris Ameline Lee and Mr. Chase Rhennan Saavedra."
WHAT? Ano raw? Bakit kasama ang pangalan namin?
Nagkatinginan kami ni Mars nang magsalita ulit yung sa pager. "Again, all the said candidates for the University King & Queen, please proceed to the session hall right now for our meeting. Thank you."
Ngayon, mukhang naiiintindihan ko na kung bakit gano'n ang tingin ng mga co-students ko at kung bakit ganito ka-OA mag-react si Marley.

BINABASA MO ANG
CHASE RHENNAN [completed]
أدب المراهقين[COMPLETED] PARIS hates games, running and all, but now she's off for the greatest adventure of her life. She's willing and ready to run and chase that RHENNAN who keeps on denying sa nangyari sa kanila isang gabi. She won't allow him to just take h...