CHAPTER 1 DESTINY?

112 0 0
                                    

 CHAPTER 1

DESTINY?

Others says that life is so unfair.

Ako? Eto lang naman ang buhay ko. Sa pamilya, naiiba. Sa labas ng bahay, wild na kaibigan. NOT as in na wild na wild ha? Let's say masaya ako kapag nasa labas ako. Nakakatawa, nakakangiti, nakakagawa ng mga kalokohan, nagagawa ko lahat ng gusto ko. Basta kasama ang mga kaibigan :)

Hi. Ako nga pala si Tiffany Jade Rivera. I know what you're thinking. Ang ganda ng name ko no? ^_^ well, di ko alam kung saan pinulot iyan. Basta unique siya. Maganda ang pangalan ko. Yun na yun! 'Tiffany' ang tawag sa akin ng lahat ;) Sometimes 'Jade' lalo na sa family and relatives. I'm 16 years old. Bata pa po ako ^_^V First year college.

I have a lot of friends. In short, friendly ako ^_^ Hilig ko mag-interrogate. Madaldal, makulit, medyo kikay, medyo boyish. Ang gulo no? :D Pero kapag first time ko sa isang lugar, tahimik ako, shy type. Wala ako sa teritoryo ko eh >:) Sa love, hindi naman zero. May boyfriend din naman ako. In fact, mag-iisang taon na kami.

June 16

Sa park ..

"Uy! nakikita mo iyong bubble gum na iyon?" -Patrick

Tinuro niya yung bubble gum na nasa lupa.

"Oh bakit iyon?" -Tiffany

"Kaya mo bang kainin iyon para sa akin?"

"HUH!? =__="

"Kapag kinain mo iyan di ka na aalis. Kaya mo ba?"

"Hindi. -.- ang dumi dumi na nung bubble gum tapos kakainin ko!?"

">:( hindi mo pala kaya eh! Ehdi tapusin na natin to!"

":( uy. ano bang sinasabi mo"

"Di mo kayang kainin yung bubble gum para sakin"

"Eh kasi naman, pwedeng iba na lang ipagawa mo?"

"Woo! hindi mo ako mahal. Aalis ka na bukas. Kaya tapusin na lang natin to."

Umiiyak na ako kasi ang isip bata na naman niya ;(

"Eh alam mo naman na magtratransfer ako ng Manila dahil iyon iyong gusto ni Papa diba? At dahil na rin sa business."

"Kung ako iyong nasa posisyon mo, di kita iiwan. Kahit pakainin mo ko ng tae o lupa kakainin ko para sayo para di ka na umalis!! Tiisin ko iyon para sa iyo!!"

Ayan na. Sunod sunod na tulo ng luha ko. Itong lalaking 'to kasi. Kahit isip bata ang lalalim ng mga sinasabi.

"Sorry na ;(("

"Di ko kailangan ng sorry mo. Alis ka na. Umuwi ka na."

Di ko na napigilan. Tumayo na ako. Lumuhod pa ako sa harap niya. Last date na nga namin ito tapos may samaan pa ng loob. Ayoko naman ng ganun.

"Sorry na Pat ;("

Hindi niya ko pinapansin. Iyak pa rin ako ng iyak. Tapos tumayo na ako. Tatalikod na sana ako pero hinila niya kamay ko. Niyakap niya ako.

"Sorry na. Tahan na. Wag ka ng ganun ha? Ayokong umiiyak ka. Sorry na. Bati na tayo :("

Pinunasan niya luha ko. Sabay halik sa noo ko. Tapos sa labi ko. Naku, nakakainis talaga 'tong lalaking 'to. Nagnanakaw pa ng halik. Pero ang sweet niya ;)

Luwas ko na bukas. Haaay. Maiiwan ko mga mahal ko sa buhay. Lalo na si Patrick. Oo, siya yung lalaking nagpapasaya sa akin. Magkakahiwalay na kami pero kakayanin namin 'to. Nangako kami sa isa't isa :) Naniniwala ako sa FOREVER at FAIRYTALES. Alam kong Happy Ever After 'to. Basta tiwala at loyal lang. Kakayanin ang Long Distance Relationship.

Just stay, don't go, make me believe that FOREVER existsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon