Same Old Me..?

64 13 2
                                    

"Let it go... If it comes back to you,

it's your's forever."

~~~~~~~~~~~~~~~~

Sum's POV

Kasabay ng pagtila ng ulan ay siya ring paghupa ng sakit na dala-dala ko simula ng iwan niya ko. Mag-iiang buwan na at ngayon lang gumaan ang pakiramdam ko. Dulot ng sakit ay nawala ang masiglahing katangian ko. Tanging si Aj ang parating anjan sa tabi ko at kahit kailan man ay hindi bumitaw sa'kin. Napatingin ako kay Aj na kasalukuyang nagmamaneho ng kotse (mahina lang yung pagpapatakbo niya, madulas kasi ang kalsada, baka maaksidente daw kami.. OA noh? *hihihihi*). Napatingin rin siya sa'kin at ngumiti. "Thank you, thank you talaga God sa isang gift na katulad ni Aj" bulong ko sa hangin.

"Ano yung binubulong mu jan Sum?" sabi nya habang nagmamaneho.

"Wala bestfriend.. Uhhmmm, Aj pwede mu ba akong turuan niyan *turo sa manibela*, pwede ba?" tanong ko sa kanya. Katulad ng kanina ay ngumiti lang siya sa'kin.

"Wag kang mag-alala, may time tayo jan Sum." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hinawakan niya naman ang kamay ko. "Tuturuan lang kita, pag okay na ang lahat." dugtong pa niya.

Hinampas ko siya sa balikat. "Babaeta to, okay na kaya ako ^_^" nag-thumbs up pa ko sa kanya at ngiti-ngiti pa.

"Sure ka? Kanina lang, may bulong ka pang nalalaman na, ibabaon ko.. *kamot ulo*, ano nga yun.. sandali *nag-iisip* Ahhhhhhhhhh... "Ibabaon ko nalang ang alaalang kasama ka noon... kung bumalik ka man sakali at mahal pa natin ang isa't-isa... yun na siguro ang tamang panahon para sa'tin." sabi niya with matching gaya-gaya sa bosea ko. "Ohh? Ano ibig sabihin nun Summer sa bulong mu? Okay yun? Umaasa ka na babalik siya sayo? Ganun? Okay yun? HA? HA?" sinisigawan niya ako ngayon. Ang sakit sa tenga ang babaeng to. Kala mu nakalunok ng machine gun ang bibig. tsk. tsk.

"Uo na nga Aj, hindi na. okay?." nakataas pa ang mga kamay ko na parang hinoholdap.

"Yan.. yan dapat. Good girl" tapos pinat niya ang ulo ko. Parang aso lang -_-

"Pero Aj........ there's still a part of me hoping that he'll come back for me........." ngiti kong sabi sa kanya. 

kkkkrrreeeeeeeekkkkkkk. *tunog ng break*

"AWWWWWWW... AJ NAMAN? BA'T BIGLA-BIGLA KA NAG-BREAK? MUNTIK NA AKONG MAUNTOG. BUTI NALANG NAKA-SEATBELT AKO DITO. ANO BA YANG PUMASOK SA KOKOTE MU JAN? HAAAAA????" sigaw ko sa kanya. Buti nalang at wala kaming kasunod na sasakyan..

"PAANONG HINDI  AKO MABIBIGLA... AYAN KA NAMAN SUMMER EH. UMAASA KANA NAMANG BABALIK YUNG TAO NA YUN. NI HINDI NGA KAYANG MAGPARAMDAM SAYO O IPAALAM KUNG ANO NANGYARI SA KANYA. HINDI KA BA MABIBIGLA KUASDFGHJKLZXCVBNM....." hinarang ko ng dalawang kamay ko ang mukha niya. Hindi pa nga ako tapos sa sinasabi ko kanina.

"Kalma lang Aj ha..." inalis ko yung kamay ko sa mukha niya. "ANONG KALMA SUMMER, HADKFJOCNDFEHNDCJHDI..." tinakpan ko na talaga ang bibig niya. Di pa nga ako tapos, sumasawsaw naman ang bibig niya. Machine gun talaga ang bibig nito.

"Ssshhhhhh.. Sabi ko, di pa ako tapos magsalita. Patapusin mu muna ako, pwede?" tumango-tango pa siya. "Okay, diba sabi ko na there's still a part of me hoping that he'll come back for me.." tango lang ng tango si Aj. "dahil siya na mismo ang nagsabing babalikan niya ko. Siguro, yun ang kinakapitan at pinanghahawakan ko sa ngayon.. pero hindi naman pwedeng umaasa nalang ako dun.. kaya *sigh* unti-unti ay tatanggapin ko ang katotohanang iniwan niya ko at gawing inspirasyon ang mga magandang alaala namin.. kaysa naman na itali ko ang sarili ko sa nakaraang din na pwedeng balikan." sabi ko ng nakangiti sa kanya. Tumingin lang siya sa'kin na parang nagtataka.

From Me to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon