Keychain

112 9 4
                                    

“Wow ha, ang saya mu ngayon? Anong nangyari?”

Bungad ni Aj sa’kin pagkabukas ng main door. Nakaupo siya sa isang swivel chair, naka crossed arms at nagtatanong na mukha ang sumalubong sa’kin.

Ngumiti lang ako sa kanya at diretsong pumasok ng kwarto ko. Sumunod naman si Aj. Haiiii…  Nakakapagod ang araw na to. Humilata ako sa kama. Parang namamaga yung paa ko sa pagsipa sa kanya. Okay lang, at least  nakabawi ako. Mwehehehehe :D

“ohh?? Ngiti-ngiti ka naman jan. kwento ka naman Summer.”

“sa ibang araw nalang Aj, pagod ako eh.” 

“Ah oo nga pala. Yung magaling mong kuya umalis ng hotel. May pupuntahan daw at  may sasabihing importante daw pagbalik niya.”

Bumangon ako sa pagkakahiga at tumingin sa kanya. “Bakit daw”? tanong ko kay Aj. Nagkibit balikat lang si Aj tapos ay siya naman ang humiga sa kama.

“Oy Aj gutom na ako. Mag ga-gabi na, anong oras babalik si kuya?” niyugyog ko yung balikat niya. 

“Ewan ko sa kumag na yun.” Walang gana niyang sagot sa’kin.

**

Tik.tak.tik.tak.tik.tak. *tingin sa relo*

Ilang  oras na ang dumaan, wala pa si kuya. *kkrruuuuuu…kkkrrrruuuuuu* Waaaahhhhhh >_< gutom na ako eh. Past 7 na ng gabi tapos wala si kuya. Mabuti pa si Aj, tulog na tulog. Hindi nakakaramdam ng gutom.

*kkrrruuuuu.. kkkruuuuu.*

“Aj? Gutom na talaga ako. Pramis!!”

“Alam ko, nag e-echo nga sa buong kwarto ang tunog ng tiyan mo. Pareho lang tayo no. Gutom din ako.” Sabi niya ng nakapikit.

Bumangon ako at umupo sa dulo ng kama. “mabuti ka nga nakatulog eh. Ako mulat na mulat dahil sa gutom.”

Bumangon rin siya at umupo sa kama. “ewan ko sayo Summer. Anong oras na ba” tanong niya sabay kusot ng mata. “Tara baba tayo.” Dugtong niya at pumunta ng cr.

“Uy, baka hanapin tayo ni kuya.” Sigaw ko sa kanya. Lumapit ako sa pintuan ng cr at kinatok siya. “San tayo pupunta Aj?” tanong ko.

“Kung saan may pagkain. Tara.”

Dinampot niya yung bag niya at lumingon sa kinatatayuan ko.”oh? Ayaw mong sumama?” tanong niya. Gusto kong sumama. Gutom ako. Pero kasi…. Si kuya??

“Halika na. Matanda na yun.” Hinigit niya ako palabas ng kwarto namin.

“Wait, yung bag ko.” Kinuha ko ang bag sa table ng may napasin akong isang sulat na nadaganan ng vase. Kinuha ko iyon. Sulat galing kay Kuya.

May pupuntahan lang ako. Babalik din ako jan. Pag hindi, maglibot-libot muna kayo. Balita ko may gaganaping mini fiesta dito sa labas ng hotel sa may malawak na parke. You two can roam around but, don’t go far beyond the hotel’s park and be here at exactly 11 pm. Wag lalampas  kundi lagot kayo sa’kin. Be safe.

At siya pala. May pagkain jan sa ref, nagpa-early deliver ako sa isang service crew ng hotel. Eat well.

Kuya Winter

Nagkatinginan kami ni Aj matapos namin mabasa ang iniwang sulat ni kuya. “Eh baliw din tong unggoy oh, sana sinabi niya na sakin bago siya umalis. Papaalis na siya ng nadatnan ko dito.” Inis niyang sabi sa’kin. “Kung hindi mu pala nakita yang sulat, nakkkuuuuu muntik na ang budget ko.” Dugtong pa niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

From Me to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon