ALMERE
Nagsasalita teacher namin sa harap ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.
'Anlamigggg'
"Goshh.. ba't ba kasi dalawa yung aircon natin dito napakalamig tuloy.. ggrrr" bulong ni trixie
"True te, Arat labas tayo"bulong ko kay trixie
"gaga, ayoko nga" bulong n'ya pabalik
"Edi wag, Arte"inirapan ko s'ya.
-
Dahil sa sobrang lamig para akong aantukin kaya naman imbes na makinig ako sa teacher namin eh pinagpatuloy ko na lang yung pag dedaydream ko. Inalala ko ulit yung nangyari kanina.
Inalala ko kung gaano s'ya ka-gwapo tas yung lalaking lalaki na dating niya tas amputi pa at higit sa lahat ang kakaibang bango n'ya.
'Crush ko na ba s'ya nun? Parang ambilis naman? Feel ko na gwapuhan lang ako sa kaniya'
'Oo tama na-gwapuhan lang ako, hayyss bakla naman umandar na naman yung kakereng-kengan mo' pagkausap ko sa sarili ko.
____
Dahil sa pagiisip isip ko hindi ko namalayang kanina pa pala umalis si ma'am nagulat na lang ako ng nagsisitayuan na sila para umalis. Kaya naman agad agad kong inayos yung mga gamit ko tsaka sinukbit yung bag ko at sumabay sa mga kaibigan ko papalabas. patuloy pa rin yung pag ulan.
Kanina ko pa hinahalungkat 'tong bag ko pero hindi ko mahanap yung hinahanap ko.
"Nasa'n na yun?" Pilit ko'ng inaalala kung nasaan yung payong ko.
'naalala ko naiwan ko nga pala yung payong ko sa kwarto ko hehehe ambobo ko shet' napakamot na lang ako sa kilay dahil sa frustration.
Pababa na kami sa hallway, sa baba ng building namin.
"Tsk.. nakalimutan ko yung payong ko!" Ang naka pout kong sabi dahil sa pagkaburyong.
"Wag kang mag alala friend makisilong ka na muna samin.. Dali na!" Anyaya ni sheny sakin kasi ako lang walang dalang payong saming magkakaibigan.
"Naku wag na.. mababasa lang tayo kaya sige na mauna na kayo.. kaya ko namang maghintay mag isa dito eh." Pagtataboy ko sa kanila .
"Artee.. sge na nga sasamahan ka na lang namin dito hanggang sa tumila yung ulan" sabi ni shina.
"Edi kayo na friendship of the year" natatawang sabi ko.
So ayun ending antagal na naming naghihintay dito hindi pa rin nawawala yung ulan hanggang sa may isang pamilyar na boses ang nagsalita sa likuran ko.
"O kayo pala" rinig kong sabi ni lance sa likod ko
"Uyy lance, hello hehehe"shina
"may hinihintay pa ba kayo?" Tanong ni lance
Humarap ako kay lance Nung nakita ni lance na nakatingin ako bigla n'ya ko nginitian.
"Wala na, ito kasing si al nakalimutan yung payong n'ya and dahil squad kami sinamahan na muna namin s'ya hanggang sa tumila yung ulan"sagot ni trixie.
"Wala kang payong al? Tara sumabay ka na sakin?" Anyaya ni lance na nakangiti sabay lakad papalapit.
~TUG DUG TUG DUG~
"Oh ayan na pala friendship eh! Sumabay ka na malaki naman yung payong niya eh kaya kasya kayo" sabi ni Trixie sabay tingin ng nanunukso.
"A-ah kas-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla niya kong inakbayan tsaka niya binuksan yung payong niya.
BINABASA MO ANG
To love, again(BOYXBOY) (ONGOING)
RomanceMay mga bagay na dumadating sa buhay natin na hindi inaasahan.. mga bagay na makakapagpabago sa atin at sa mga tao sa paligid natin.. Akala natin maayos o TAPOS na, yun pala ito pa lang pala ang SIMULA.