CHAPTER ONE
The New Beginning
4 Years later..
" Hanna! Come on!!We're late!"
Napangiti si Hanna ng marinig ang naiinis na boses na iyon ni Paul sa labas ng kanyang kwarto.
Hindi na nakatiis ang loko..
Sinipat niya ang oras sa orasan na nakasabit sa dingding .
Dalawang oras at sampung minuto narin pala ang tagal ng paghihintay nito. Karma is a bitch
Sinadya niya talagang kausapin ito na sasabay siya rito papunta sa Engagement Party nina Kevin at Kim para makaganti sa ginawa nito three weeks ago. And so far,effective naman ang plano niya.
"Paul, Wait a second..ahmm.. I can't find my phone " Pagsisinungaling niya. Hindi naman talaga nawawala ang cellphone niya dahil nasa pouch lang din naman niya inilalagay yun. Gusto lamang niyang gantihan si Paul .
Tatlong linggo na ang nakakaraan nang mangako itong hahabol sa kaarawan niya pagdating na pagdating nito mula sa isang business conference na dinaluhan sa Indonesia.
Ngunit hindi ito dumating. Ilang beses niya itong sinubukang tawagan pero unattended naman ang cellphone nito. Nag-aalala pa man din siya dahil hindi nito ugali ang mag-off ng cellphone.
Nagtaka rin siya dahil sa tagal ng pagkakaibigan nila ni Paul , ni minsan ay hindi nito kinakalimutan ang mga importanteng araw sa kanyang buhay.Lalong-lalo na ang birthday niya.
Tinawagan din niya pati ang assistant nitong si Loovelee para kumpirmahin kung na-extend ba ang meeting ng boss nito sa Indonesia,pero ang sabi nito ay tapos na daw ang ginanap na BC doon.
Naisip din naman ni Hanna na baka nakalimutan nito dahil narin sa pagiging abala ng kaibigan sa pagpapatakbo ng kumpanyang ito na ang namamahala. Naiintindihan naman niya yun. Paul is a business man after all. And she had witnessed how dedicated Paul is when it comes to work.
May pagkakataong nagtatampo din naman siya rito. Simula kasi nang ipasa rito ang posisyon bilang presidente ng Montenegro Shipping lines two years ago ay naging abala na ito masyado. Bihira na lamang sila magkita dahil narin sa panaka-nakang pag-alis nito sa bansa for meetings.
Ang MSL ay isa Sa pinakamalaking Shipping company sa Asya. She knows how tough it is for Paul to manage such a huge business.Kaya nga malaki ang paghanga niya sa kaibigan.
Kaya kahit papaano ay naiintindihan niya kung bakit nito nakalimutan ang kaarawan niya.
Ngunit laking gulat niya nang lumabas sa isang kilalang magazine ang mga larawan nito kasama ang sikat na modelong si Shey , two days after her birthday . Kuha iyon sa mismong araw na dapat ay kasama niya ito. And in the photo shown ,both of them are enjoying the beauty of boracay while she on the other hand was waiting for him like a fool in the party organized by their friends.
Wala siyang pakialam sa mga nakakarelasyon ng kaibigan Pero ang paghintayin siya ng ganun ka tagal ay ibang usapan na... Matatanggap pa niya kung tumawag ito na hindi na makakarating o di kaya nagbilin man lang sana ito sa secretarya nito na hindi na ito dadalo sa party niya para naman hindi siya nagmukhang tanga kakaantay rito.
She was mad at him. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang paghintayin siya .. Tapos malalaman na lang niya na nakipagdate lang pala ito ,samantalang siya eh parang tanga na naghihintay rito..
Hindi niya kinausap si Paul pagkatapos niyang malaman ang dahilan ng hindi nito pagdalo sa birthday niya. Ilang araw siyang sinuyo ng binata.
Pinapadalhan siya nito ng bulaklak at kung anu-ano pa sa kanyang trabaho araw-araw . Ipinagluluto rin siya nito ng mga paborito niyang pagkain. Halos lahat na yata ay ginawa nito para mawala ang pagtatampo niya.
Ilang beses nitong ipinaliwanag sa kanya na nagkataon lamang daw na naroon din ang modelo sa lugar at hindi talaga sila magkasama . Kinausap rin siya ni Lolo Rod — ang lolo ni Paul, na ito raw ang dahilan kung bakit nagpunta ang kaibigan sa lugar.
Alam niyang pinagtatakpan lamang ng matanda ang kalokohan ng apo . Ano pa nga ba ang aasahan niya sa kaibigan.
Gwapo ito at mayaman kaya naman lapitin ng babae.
Tanggap niya ang pagiging babaero ni Paul . Hindi pa niya ito nakitang may sineryosong naging karelasyon .May pagkakataon pa nga na napagseselosan siya ng mga naging babae nito.
Kaya hindi na siya magtataka kung pati ang isang Shey Villa ay maakit ng kagwapuhan nito.
Napabalik siya sa kasalukuyan ng marinig na naman ang sigaw nito.
" Hanna, You've been saying that for an hour already.. Seriously, what taking you so long?!"
" I told you. I can't find my phone!!" Dammit Hanna!! Think of something else..
"Open this door and let me in so I can help you "
Lumapad ang ngiti sa kanyang labi . " I can do it myself Paul. Just wait for me downstairs. I'll be there in a minute."
" Geez! Woman!!..Open this door so I can help you look for that damn phone!"
" Paul, seriously. You sound like a nagging wife!."
.
.
.
.
.
.
" HANNA OPEN THIS DOOR!!! NOW!!"
Natawa siya ng malakas. " Don't shout!. I'm coming!!" Kahit kailan talaga napakapikon nito.
Tumayo siya at tinungo ang pinto. Baka kasi kapag nagtagal pa siya eh, mabutas na talaga ang kawawang pinto Sa lakas ng pagkatok nito.
Huminga muna siya ng malalim at inayos ang suot na damit bago pinihit ang seradora.
Ganun na lamang ang pagpipigil ni Hanna na hindi natawa nang makita ang itsura ni Paul nang mabungaran niya ito.
Salubong ang kilay nito at namumula na ang pisngi sa inis.
" Sinasadya mo " Paul pointed out.
Ngumiti siya sa nagtatampong kaibigan. " I am not"
" You're making fun of me!sweetheart "
Tumawa siya at pinisil ang matangos nitong Ilong . " I'm not making fun of you, Darling. Why would I do that?huh?"
Tiningnan siya nito ng mataman.
Ang gwapo talaga ng loko-loko..
Maya-maya pa ay Napangiti narin ito. " Yeah. right. Whatever"
" Great!" Humawak siya sa braso nito. " What are we waiting for?.. Shall we??" Yaya niya .
Napailing na lamang si Paul sa kalokohan ng dalaga.
Kung hindi lang talaga niya ito —
To be continued....
***************
A/N: Waley siya.. Hahaha ang lame ko gumawa ng cliffhanger chaaaar..bawi ako next chapter.. Mamaya KO na ilalagay..
Sa mga nagtyatyagang bumasa nito.. MARAMING SALAMAT..
Sa mga kaibigan kong gravecious ang support.. Wow friends salamat talaga.. Hahaha