Take My Heart Away

50 2 2
                                    

CHAPTER THREE


4 years ago....

TAHIMIK na pinagmamasdan ni Paul ang babaeng nakaupo sa mahabang silya dalawang metro ang layo mula sa kinatatayuan niya. Malayo ang tingin nito na wariy napakalalim ng iniisip.

Pagdating na pagdating nila ay doon agad ito nagtungo. Malawak naman ang garden nila at puno ng bulaklak dahil mahilig sa halaman at bulaklak ang pamilya niya. Yun din ang paboritong lugar ng mommy niya. Kitang kita mo kasi ang buong kamaynilaan sa kapag naroon ka .

Napailing na lang si Paul. Nagtataka siya kung bakit niya doon dinadala sa rest house nila ang babae. Ni hindi nga niya kilala ang dalaga..dalaga nga ba?o baka naman may asawa na ito or worst may anak.. What have you done Paul?!.. sita niya sa sarili. Napabuntong hininga siya at saka siya pumasok sa loob ng bahay. Kailangan niyang mag-isip at magpahinga.

" Sino ang babaeng yun Anton?" Bungad sa kanya ni Manang Esing pagkapasok na pagkapasok niya sa kusina. Naabutan niya itong naghahanda ng tsaa .

" Kaibigan ko siya Manang" Pagsisinungaling niya. Tiyak na walang katapusang sermon ang maririnig niya mula rito kapag sinabi niya ang totoo.

"Kaibigan? " napailing ang matandang katiwala. " Pinagloloko mo ba ako'ng bata ka?"

" I'm telling the truth,Manang. She's a friend..may pinagdadaanan lang siya" maging siya ay napangiwi sa sinabi niya .

"At kailan ka pa naging takbuhan ng mga babaeng may pinagdadaanan ,aber?" nakapamewang na hinarap siya nito. " Siguro ...isa siya sa mga babaeng pinagsasasabay mong talipandas ka nuh?! Tapos buntis at hindi Alam ng pamilya niya..tapos dinala mo dito ..tapos- "

" Whoa whoa Manang ..Wala sa mga nabanggit nyo" natatawang putol ni Paul sa matanda. " Saang drama nyo na naman napanood yan?" Napabuntong hininga siya. " She's NOT one of my woman Manang. " Sandali niyang pinagmasdan ang kinaruruonan ng Babae. " And she will never be" bulong niya.

" Siguraduhin mo lang,Antonio . Dahil sa nakikita ko...Isa siyang mabuting babae."

" Alam ko Manang..Alam ko" Bigla siyang natigilan sa kanyang sinabi.

" O siya sige. Maiwan na kita. Nasa kabilang bahay lang kami ng Kuya Waning mo.Inayos ko na ang kwarto sa taas gaya ng sinabi mo "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TAKE MY HEART AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon