Papunta sana ako sa kwarto ko ng madaanan ko si Steph na parang naglalaro ata. Pinsan ko sya at napakacute nya kaya lang mas cute ako
"Hi Stephy-baby. Anong ginagawa mo?"
"Nagme-make face po. Ginagaya ko po sya"Sabay turo dun sa may kusina namin kaya tiningnan ko kung sino yung andun pero wala namang tao dun. Naguumpisa na akong kilabutan.
Kaya tinanong ko ulit sya"Anong ginagawa nya dun Steph?"
"Nagma-make face nga po"Aalis na sana ako kase natatakot na ako pero nakaka-isang hakbang palang ako nang magsalita ulit sya.
"Nakalutang po sya tapos may nakapalupot na lubid sa leeg nya"
"A-ano?"Napabalik ako kaagad kay Steph at nakita ko na yung mine-make face ay itsura na parang nawawalan ng hangin sa katawan.
At para akong binuhusan ng malamig na tubig ng maalala ko na nagpakamatay si Lola sa pamamagitan ng pagbibigti sa kusina.:)