2

5 0 0
                                    

       Napamulat ako sa init ng araw na dumapo sa aking mukha galing sa bintana. Napasarap iyong tulog ko na hindi ko namalayang umagang umaga na pala. Tinanaw ko ang hardin ni tatay at nakita ko si Nay Lusing na nagdidilig sa mga halaman. Napangiti nalang ako nang maalala ko kung paano kami nagkakatuwaan ni Mommy noon sa aming mini garden sa bahay.
It was so perfect for me. And it hurts me knowing na hindi ko na mararanasan pa iyong muli.

I looked at my reflection in the mirror and I can say that my way of fashion has really changed or shall I say wala na talagang ka sense of fashion ako sa aking katawan. Nakakatawa lang isipin na namulat akong inaalalang mahalagang bagay iyon para sa akin. Growing up with all the luxury is something that is within me at alam kong mahirap talagang mag adjust sa biglaang transisyon ng buhay ko. I never thought that this plain and simple living is much easier and happier.
Napatingin ako sa aking mga damit sa maliit na cabinet at itong mga damit dito ay hindi luma pero ang simple ng mga ito na di ko talaga inakalang magiging masaya ako kapag nakasoot na ako ng ganito.

This plain light colored dresses makes me look more innocent and younger looking. Nakakatuwa naman. Para akong isang probinsyanang mahinhin. Walang palamuti ang aking katawan at kolorete ang aking mukha. My hair grew longer na hanggang bewang ko na ang mga ito.

"Oh iha, gising ka na pala edi mabuti pa ay maligo kana dahil pupunta tayo sa merkado" nagulat ako na nandyan na pala si nanay sa pintuan.

"Tulungan mo akong mamalengke ngayon at balita koy mura na ang mga paninda ngayon kaya wag na tayong magtagal" sambit ni Nay Lusing.

Pumunta kami sa pamilihan ng mga karne at iniwan muna ako ni nanay doon dahil may kukunin lang siya.

"Nandito pala ang mga Del Rosario tiya, kailangan kong maging maganda baka mabihag ko ito" masayang tugon ng isang dalagang naka sleeveless top.

"Balita koy naghahanap na iyan ng katuwang at baka dito sa probinsya ito humahanap" ani ng isang tindera

Napatingin sila sa akin at inirapan ako. Problema ng mga to?

Pumunta ako sa banda ng mga naka display na mga halaman. Hindi ko maiwasang mapamangha sa mga halaman. I've always loved plants and ornaments way back before. Ito lang ang tanging libangan lang namin ni mommy noon. Malungkot akong ngumiti sa mga ito.

"Excuse me, how much is this?" nagulat ako ng may narinig akong pamilyar na boses at alam kong hindi ako nagkakamali! Daddy's voice! Lumingon ako sa bandang iyon at nakita ko ang likod ng isang matanda na alam kong ama ko ito. May kasama siyang mga bodyguard, hindi ako maaring magkamali kaya dali-dali akong humakbang patungo sa kanya.

"Dad!" I tearily uttered to him.

Lumingon siya at kita ko ang gulat sa kanyang mukha at ang lungkot ng kanyang mga mata. Ang sakit ng dibdib ko, did I hide for so long na hindi ko man lang namamalayang tumatanda na pala ang ama ko?

My dad is looking around us and keep his still. I can see from his eyes telling me not to come near him.

Bakit?

Naiiyak akong yayakap sa kanya nang tinawag ako ni Nay Lusing.

"Adarra! Tara na at marami pa tayong gagawin!" abot hininga niyang tugon sa akin.

"No! My Dad is here Nay Lusing!" umiiyak kong saad.
Paglingon ko sa banda nila Daddy ay nakita kong wala na ang mga ito. Nasaan sila?

"Anak, halika na sa bahay na tayo mag usap"

No! I need to see my Dad! I need to hug him and ask him how he is going! Kumusta siya?

Umuwi kami sa bahay nina nanay at nakita ko ang sasakyang nakaparada doon.
That's ours!

Tumatakbo akong tumungo sa loob at nakita ko si Tatay Berting at si Daddy na masinsinang nag-uusap.

"Daddy!" Umiiyak akong yumakap sa kanya.

"Adarra" malungkot na saad ng aking ama.

"Daddy! How are you?"

A warm hug replies me.

"Bakit ayaw niyo pong ipaalam na buhay ako Dad?"
Tumingin siya sa akin at hindi ko maiwasang maiyak na naman. I missed my daddy.

"Hush, Adarra. I believed that your stepmother planned for your death yet she still denies it. I am still investigating and the best way is to keep you in the dark to rid you from danger and harm. I can't afford to lose you again." 

I can see his teary eyes and it breaks my heart seeing my father in this state.

"We came here to negotiate with one of the richest family of this town" seryoso niya tugon sa akin.

"Ang mga del Rosario ho ba ang tinutukoy  niyo Señor?" sambit ni tay Berting

Nabatid koy ang pamilyang ito ay kilala nga sa lugar na ito.

"Ano po ba ang inyong balak Señor?" tanong ni Nay Lusing
Tumingin si daddy sa akin at malungkot na ngumiti.

"Lucia wants Andrea to marry the heir of the del Rosarios" he paused.

"At alam kong pupunta ang mag-inang iyon dito na maaaring maglagay ng kapahamakan ni Adarra, kung kaya't kailangan kong pigilan ito" seryosong niyang sabi sa amin.

"Paano po gagawin ang inyong plano?" tanong ni Nay Lusing.

"Ang tanging paraan ay kailangan mapakasal na ang tagapagmana sa iba."  malamig niyang sagot.

Tumingin sina nanay at tatay sa akin at bigla akong kinabahan.

"Bakit po?" Naguguluhan kong tanong.

"Kailangan mong pakasalan ang tagapagmana anak. Para sa kaligtasan mo." Malungkot na sabi ni Daddy

What? Kasal? A marriage isn't an overnight decision!

Umiling ako at napayuko.
"Hindi bay ang ang agavpa para kay Adarra iyan Señor?" si Nay Lusing

"Alam ko Lusing pero alam kong sa oras na malaman ni Lucia na buhay pala si Adarra, tiyak na may gagawin na naman ito"

Alam kong malungkot at nahihirapan na si Daddy.

"Kapag nasa puder na si Adarra ng mga del Rosario, kaya nilang protektahan ito" sang ayon ni tatay Berting

Yumakap si daddy sa akin at alam kong naiiyak siya.
"Im sorry Adarra, your father is not strong enough now to protect you" Saad niya.

Aning ibig niyang sabihin? No! He's very strong right from the start.

Nalaman kong wala na ang tanging pera ni Daddy at napunta na iyon kay Lucia. My dad marry her because he thought it's the only way to save thw ompany. Makapangyarihang tao si Lucia at akala ni Daddy ay makatutulong ito pero lingid sa kanyang kalooban na kaya nagpakasal dim si Lucia dahil gusto nitong kunin ang perang hinabilin ng pamilya nila Mommy sa akin.

Ang perang para sa akin galing kay Daddy at Mommy ay kailangan kong protektahan upang hindi tuluyang makuha ni Lucia.

"Sige po, magpapakasal po ako" sagot ko upang mapanatag ang kalooban nila Daddy at nanay at tatay.

Umiyak lang ako ng umiyak noong gabing iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving A Rose Where stories live. Discover now