Chapter 4

11.1K 320 3
                                    

"maari ko bang makita at mahawakan ang balat mo mahal na prinsesa dahil tunay nga na kamangha mangha ito"sabi ni Aira

tinaas ng bahagya ng babae ang kanyang damit kaya hinawakan agad ito ni Aira

"tunay ngang kamangha mangha ang birthmark na ito kaya siguro ang tunay na prinsesa lang ang meron nito"may diing sabi ni Aira

"oo naman"sagot nito

"napakaganda niyan mahal na prinsesa"sabi pa ni Aira at tumingin sa akin ng binanggit ang mahal na prinsesa

haha ito talaga si Aira, yung impostora naman ngayon feel na feel

"tawagin mo na lamang akong Lovely"batukan ko itong impostora na ito eh ginamit pa pangalan ko

pagtalaga nailabas ko na ang mga kapangyarihan ko tatapusin ko yang kahibangan mo

"Elliza maaari ka ng umalis sa silid na ito dahil hindi ka pwedeng magtagal dito"cold na sabi ni Dark

wow hindi ako pwede dito eh ako nga nagbukas nito at kwarto ko ito no

"ikaw paalisin ko dito eh"bulong ko, pagdoon sa impostora kung makangiti wagas tapos pag sa amin cold

diba ako ang prinsesa edi kaya ko rin magteleport? pero pano?

hayss lalakad na nga lang ako bumalik na ako sa kwarto ni Aira maya maya lang ay sumunod narin si Aira

"matulog ka na bukas isasama kita at eenroll saka lilipat ka narin pala ng dorm"sabi nya

"magka-klase ba tayo?"tanong ko

"hindi eh royalties kasi ang section namin at saka yung mga nakakaangat sa training pero mapapapunta ka naman don"paliwanag nya

"kelan kami magtre-traning?"tanong ko

"buong week kayo magtre-traning at doon din isa isa lalabas ang kapangyarihan mo pero hindi mo pwede gamitin lahat kung ano ang una mong kapangyarihan ang lumabas yun ang gagamitin mo para hindi ka mahalata na ikaw ay prinsesa"paliwanag nya

"pero kailan ang level up?"tanong ko

"pagkatapos ng isang linggo ay level up na kaya magensayo ka mabuti maaari mo rin makalaban ang impostora na iyon basta huwag kang magpapatalo"sabi nya pa

"kasama ba ituturo yung mga ability?"tanong ko ulit

"hindi yung kapangyarihan lang talaga pero wag kang magalala ako ang magtuturo nyon sayo"nakangiting sabi nya

"pwede mo na ba ako turuan kung paano magteleport tamad kasi ako maglakad"pakiusap ko sa kanya

"madali lang naman kasi yon iisipin mo lang ang lugar na gusto mong puntahan tapos isipin mo na magteteleport ka don tapos andon na"nakangiting sabi nya"gusto mo try natin?"tanong nya

"sige!"excited na sabi ko

"hawak ka sa akin ako muna ang magteteleport kasi hindi mo pa alam ang itsura ng pupuntahan natin"kaya humawak na ako sa kamay nya at ayon andito na agad kami sa garden

"wow ang ganda naman dito"manghang sabi ko ang daming mga bulaklak tapos merong mga paru paro kahit gabi na maganda parin

"balik na tayo para makatulog kana"sabi nya at iniwan ako dito maisa kaya ginawa ko ang sinabi nya

inisip ko ang kwarto nya at inisip na nagteleport ako ron at nakarating nga ako

"diba ang dali lang, matulog na tayo sasamahan kita sa bago mong dorm at room"sabi nya at nahiga kaya nahiga narin ako malaki naman kasi eto eh

***

kinabukasan naalimpungatan ako sa mga yug yog

"mommy five more minutes"sabi ko sa kanya pero tuloy parin ang yug yog sa akin ayoko pa nga gumising eh

"daddy oh si mommy ang kulit"malakas na sigaw ko kasi pag pilit akong gingising ni mommy nagsusumbong ako kay daddy

"anong nangyari bakit sumisigaw yan"nagulat ako sa boses na narinig kaya agad akong napamulat at nakita si Aira na nagpipigil ng tawa

"bakit ka sumisigaw huh? Elliza"tanong ni Althea

"oo nga nagising tuloy ako"sabi ni Aicelle

"she thought that I'm her mommy haha"sabi ni Aira

"miss ko na sila mommy at daddy"sabi ko sa kanila

"punta tayo ngayon maaga pa naman"suggest ni Althea

"oo nga tara"sabi ni Aira

"Althea gawa ka na ng portal"sabi ni Aicelle

"okay wait lang"sabi nya at ilang sandali lang ay may portal na sa harap

pumasok na kami pero hindi ko parin maiwasan mahilo lalo na at umiikot ang paligid

lumabas kami ng portal sa mall hindi nila alam bahay namin eh

"tara na sa bahay tutal marunong na ako magteleport hawak nalang kayo sa akin"lumabas kasi kami sa fitting room nito kung saan nila ako hinila

humawak sila sa akin kaya inisip ko na nagteleport ako sa harap ng gate namin pero tago kami sa mga halaman

mahirap ng kung saan saan sumulpot baka makita pa kami nila mommy at daddy

nagdoorbell ako at agad naman na bumukas ang pinto kaya nagmamadali akong pumasok sa loob at hinanap si mommy at daddy kasunod ko naman ang mga royalties

"mommy, daddy where are you?"sigaw ko

"baby"sigaw ni mommy at niyakap ako

"princess saan ka galing kahapon ka pa namin hinahanap?"nagaalalang tanong ni dad

"daddy, mommy mawawala po ako pero babalik din naman po ako may gagawin lang po ako"ayokong magsinungaling pero kailangan hindi ko alam kung kelan ako makakabalik lalo na merong nagpapanggap bilang ako

"mommy mga kaibigan ko po pala"pakilala ko sa mga royalties buti nakacontact lense at wig sila

"oh hi ngayon ko lang nalaman na may mga kaibigan ka pala baby"sabibi ni mommy

"ahh mommy kahapon ko lang po sila nakilala nung umalis ako"sabi ko sa kanila

"saan ka ba pumunta princess?"tanong ni dad

"hindi ko po kasi alam ang lugar na iyon eh"isa na namang kasinungalingan hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na sa imortal world

"kelan ka ulit aalis?"tanong ni mommy

"ngayon po mommy kukuha lang po ako ng mga gamit ko"sagot ko sa kanya na nanggigilid ang luha hindi ko kasi alam kung kailan ulit ako babalik

"kelan ka babalik?"ano isasagot ko? hindi ko rin alam

"hindi ko pa po sure pero po dadalaw po ako ng malimit"umiiyak na sabi ko

"oh sige anak magayos ka na nga gamit na dadalhin mo don magiingat ka ha"sabi ni mommy

"kayo rin po akyat na po ako sa kwarto ko"sabi ko sa kanila at umakyat na sabay pahid ng luha ko

ng makarating ako sa kwarto ko ay napangiti ako ng mapait

'kelan kaya ulit ako makakatulog dito?'

"Elliza marunong ka gumamit ng katana"manghang sabi ni Aicelle ng makita ang katana ko

"yeah kaya ko kahit na anong patalim"sabi ko sa kanila nagaral din kasi ako eh

habang naiimpake ako ay naglilibot naman ang mga royalties dito sa kwarto ko

"Elliza bakit gold ang mata mo dito at may highlight ang buhok mo ng gold?"nabigla ako sa tanong ni Althea nakalimutan ko na may picture nga pala ako non

"ahh....ehhhh....na-nakacontact lense lang ako diyan at wig"

The Long Lost Powerful Princess (Publish On Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon