"teka sino yang kasama nyo?"dako ng tingin sa akin ng matanda
"galing po sya sa mortal world at hindi pa nya alam ang kapangyarihan nya"sagot ni Mark
"kung maaari lang po sana na sa kwarto ko muna sya matulog kahit ngayon lang aalamin ko lang po ang kapangyarihan nya"sabi ni Aira
"maaari naman ngunit bukas kailanga na syang magkadorm"sabi nung matanda
"sige po alis na po kami ipapasyal pa po namin ang prinsesa sa dorm"sabi ni Aicelle
"tara na prinsesa"sabi ni Dark at inalalayan ang prinsesa sa pagtayo at paglalakad
hinawakan na ulit ni Aira ang kamay ko pag kalabas namin ng office at nag teleport na ulit
"prinsesa halika't dadalhin ka namin sa kwarto mo"sabi ni Althea
sumunod kami sa kanila at nakita ko ang mga pinto ng kwato nila na iba't ibang kulay hanggang sa pumunta kami sa dulong kwarto na may itim na pinto
"Ang pintong iyan ay kulay itim at hindi pa nabubuksan dahil wala pa ang prinsesa pero dahil andito ka na ngayon ay mabubuksan mo na yan"paliwanag ni Mark
"hawakan at pihitin mo lang iyan upang bumukas at magkakakulay ang pinto"sabi naman ni Aicelle
hinawakan at pinihit ng prinsesa ang pinto pero walang nagbago at hindi nagbukas kaya sinubukan nya ulit kaso ayaw parin sinubukan din ng ibang prinsesa at prinsepe pero hindi magbukas talaga kaya ako naman ang nag-try pero nagulat ako ng hawakan at pihitin ko ito ay nagiba ang kulay at nagkaroon ng iba't ibang kulay ang pinto at sa gilid ay gold at nabuksan ang pinto
"paano mo nabuksan ang pin-"takang tanong ni Althea pero hindi nya natapos ng magsalita ang prisesa
"baka matagal lang talaga bago maganap iyon"halatang kinakabahang sabi nung prinsesa
"baka nga teka nga prinsesa ano nga pala ang pangalan mo"tanong ni Dark at saka ngumiti
teka bakit kanina cold ito tapos ngayon nakangiti na sa prinsesa
"Elizabeth Lorein Lovely Irish Zoe Ally Lighting"nakangiting sabi nya
"hala!"nabanggit ko nalang bakit tulad kami ng pangalan tapos iba lang yung apelyido
"bakit?"cold na tanong sa akin ni Dark, tsk nakangiti lang to kanina ah, mood swing lang
"ah wala"baka naman kasi nagkataon lang
"sige halika na Elliza at aalamin ko pa ang kapangyarihan mo"sabi naman ni Aira
"oh sige prinsesa Aira"sabi ko at sumunod na sa kanya pumasok sya sa isang pinto na white ang kulay at ni-lock nya iyon
"sige magbihis ka na muna don ito ang damit oh"binigay nya sa akin yung damit na crop top tapos short lang at bagong undies
naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis na nakikita ang tiyan ko sa suot ko pero okay lang naman lumabas na rin ako agad
"umupo ka dito"sabi nya kaya sumunod na ako"hindi maganda ang pakiramdam ko sa prinsesa na iyon parang may madilim syang aura"sabi nya pa, ako rin naman eh
"baka nagkakamali ka lang"sabi ko nilibot nya ang mata nya sa kabuuan ko at napatigil sya ng makita ang tagiliran ko kita kasi diba naka-crop top ako
"te-teka--"hindi mapakaling sabi nya
bigla ko tuloy naalala yung balat ko kaya bigla kong nahila ang bedsheet ng kama nya ay naibalot sa tagiliran ko
"ah bakit?"kunwaring tanong ko na umaasa na hindi yon ang nakita nya
"ba-bakit ka may ba-balat na katulad ng sa pri-prinsesa"sabi nya pa
"ah wa-wala yon drawing lang yon"kinakabahang sabi ko
lumapit sya sa akin kaya nagtaka ako kung ano ang gagawin nya at nagulat ako ng tanggalin nya ang wig ko
"tanggalin mo ang contact lense mo"sabi nya na hindi makapaniwala
wala na akong nagawa kundi tanggalin ang contact lense ko alam na rin naman kasi nya eh
"a-anong bu-buo mong pa-pangala"tanong nya
"Elizabeth Lorein Lovely Irish Zoe Ally Montefalco pero hindi ko tunay na apelyido ang Montefalco ampon lang kasi ako eh"sabi ko sa kanya na nagtataka
iniiangat nya ang damit ko ng konti para makita ang balat ko at hinawakan nya at kinuskos
"tunay ang balat mo"sabi nya
"malamang bata palang ako nandiyan na yan eh"sabi ko sa kanya
"ikaw ang prinsesa"sabi nya kaya naguluhan ako
"huh diba yung kanina ang prinsesa?"takang tanong ko
"isuot mo ang contact lense mo at ang wig mo"utos nya kaya ginawa ko naman"magpalit ka ng damit para hindi nila makita yang birthmark mo"inabot nya sa akin ang isang malaking damit, as in malaki kaya nung sinuot ko dina kita ang short ko para tuloy akong nakadress
"bakit ba kasi?"tanong ko sa kanya
"hindi nila pwedeng malaman na ikaw ang prinsesa lalo pa at merong magpapanggap ngayon huwag na huwag mong tatanggalin ang wig at contact lense mo at wag mo hahayaan na makita nila yang birthmark mo"sabi nya
"bakit?"tanong ko ulit
"hindi pa nga kasi nila dapat malaman na ikaw yung prinsesa ang kailangan muna natin gawin ay alamin ang plano nung nagpapanggap na ikaw at ikaw ay magpapanggap na ordinaryong studyante lang dito, teka meron kabang patunay na pwede kong hiramin"tanong nya kaya nagisip ako
oo nga yung letter ng nanay ko kinuha ko iyon at binigay sa kanya tiningnan nya naman iyon buti nailagay ko yon sa wallet ko
"prinsesa ikaw nga"nabigla ako ng niyakap nya ako"ito ang gagawin nating patunay sa kanila na ikaw ang prinsesa at hindi yung babaeng iyon pero hindi pa ngayon, itago mo ito at wag mong iwawala kailangan natin yan para maniwala ang mga magulang mo"nakangiting sabi nya
"pero wala akong kapangyarihan"sabi ko sa kanya
"meron kang kapangyarihan at iyon ang pinakamalakas na kapangyarihan wag kang magalala tuturuan kita mapalabas iyon pero ngayon sabihin mo muna sa isip mo na block para hindi mabasa ni dark at nung impostora ang isip mo kailangan tayo lang ang makakaalam nito"
'block'sabi ko sa isip ko
"kyaaaaaa ang dali mo turuan hindi ko na nababasa ang isip mo tara na pupunta tayo sa kwarto ng impostora para makapagmanman tayo"sabi nya at hinila na ako papasok sa kwarto ng prinsesa
"anong ginagawa nyan dito alam mo naman Aria na hindi pwede lumapit ang prinsesa kung kani-kanino lang"galit na sabi ni Dark
"hindi sya masamang tao"sabi ni Aria at lumapit sa nagpapanggap na prinsesa"maari ko bang makita at mahawakan ang balat mo mahal na prinsesa dahil tunay nga na kamangha mangha ito
BINABASA MO ANG
The Long Lost Powerful Princess (Publish On Dreame)
خيال (فانتازيا)Mundo kung saan nakatira ang mga imortal kung saan ang imposible ay magiging posible Tunghayan ang kwento ng isang babae kung paano nya malalampasan ang mga pagsubok sa buhay nya at ang sakit na kahit minsan ay hindi nya hinangad Isang babaeng luma...