Prologue:

125 3 0
                                    

Itinuon ni Beatriz ang mga paningin sa dalawang motorsiklong nakaabang sa kabilang daan. Biglang napaawang ang mga labi niya sa namasdan. Tila huminto sa pagtibok ang kanyang puso nang makilala kung sino ang matamang nakatingin sa kanya. That 6 footer man, dark complexion, makapal ang kilay at tila bagong gupit ang buhok. Hinagod niya ito ng buong tingin. Hindi pa rin nababago ang style nito sa panunuot ng damit. Jersey short, jacket and rubber shoes. Siya pa rin! Sigaw ng kanyang isipan. Isang malalim na hininga ang kanyang pinakawalan. Things, time...and maybe feelings too. Everything has changed. Hindi na tulad ng dati na sa tuwing nakikita niya ito ay kasabikan ang namamayani sa kanya, tuwa, saya at kilig.

Sandaling nagkatagpo ang kanilang mga paningin. Tila nababasa niya sa mga mata nito na gusto siya nitong lapitan ngunit pilit na pinipigilan lamang nito ang sarili. Sinaway ni Beatriz ang sarili. She rolled her eyes. No way, Beatriz! Huwag ka ngang maging marupok. Hindi mo siya namiss, okay? Ex is an ex! Hindi ka naman malandi at lalong-lalo na kinalimutan mo na ang damdamin sa kanya noon.  Natauhan siya nang bumosena ang isang orange na motorsiklo. Nalipat ang mga paningin niya sa matalik na kaibigang kanina pa pala kumakaway sa kanya at tuwang-tuwa nang makita siya. Kasama nito ang magiging asawa na si Mark. Tila gusto niya itong murahin sa ginawa nito. Pinagkakaisahan yata siya ng dalawa. Hindi ba't ang pinag-usapan nila ng kaibigan niyang si Claire ay sila ng fiancée nito ang susundo sa kanya? Ano'ng ginagawa ng ex niya rito at bakit sumama itong sunduin siya? Oo, alam niyang pupunta ito sa kasal ng kaibigan niya dahil nga kaibigan din ito ni Mark. But this idea made her uncomfortable. Ano na naman ang binabalak mo, Gabriel? Akala mo ba madadaan mo ako ulit sa mga pa-sweet-sweet mong boses? Pwes, hindi na. Pinalaya na natin ang isa't-isa. You already made me feel unimportant. Ni hindi mo nga ako ipinaglaban, eh. And remember, mas mahal mo sina Lyla, Eudora, Leslie, Nana at mga babae mo sa ML. Your actions were telling me before to free you from me. And that was enough. Closure na iyon.

Hey, Mr. Soldier (Gabriel) - Featured at No Ink ABS-CBN PageWhere stories live. Discover now