Chapter 6: Hey, Mr. Soldier!

22 3 0
                                    


"Halina kayo habang hindi pa masyadong mainit ang sikat ng araw." Yaya sa kanila ni Mark habang sinasakay nito sa motorsiklo ang ibang dadalhing pagkain. Kinusot-kusot niya ang mga mata. Umaanghang pa kasi ang mga mata niya dahil alas-singko y media palang ng umaga nang gisingin siya ni Claire. Naka-maong na faded short lamang siya hanggang legs na pinarisan ng maluwag na kulay puting damit na manipis at tsinelas. Mabilis na lumabas siya ng pinto at pinusod ang mataas niyang buhok. Hindi na nga rin siya nakapagsuklay. Kaagad na napatigil siya sa ginagawa mapatitig sa kanya si Gabriel.

"Damn!" Pagmumura ni Gabriel sa loob ng kanyang isip. This woman in front of her changes so much. Kakaiba na ang hubog ng katawan nito. Dati kahit medyo boyish ito kung magsalita at gumalaw na ganoon pa rin naman hanggang ngayon ay mas lalo yata itong gumanda. Ang matatangos na ilong nito, her curved long eye lashes na napaka-natural tingnan. Kahit medyo pumuti ito ngayon ay hindi pa rin maialis na mukha itong turka. Ang matatambok na puwet nito na mas nakakabagbigay ng magandang hubog ng katawan nito. Kahit payatin man ito noon ay maganda pa rin ang hubog ng katawan nito dahil sa malalaki nitong hips at maliit na waist line. She is not just a lady right now, she is now a woman. Pero hindi pa rin maalis-alis dito ang tila ba'y galit at poot sa mga mata nito.

"Bakit?" Napaigtad ang binata sa iilang minuto ring ginawa niyang pagsusuri sa dalaga. Kahapon pa niya ito gustong titigan ngunit umiiwas siya mula sa mga matatalim na tingin ng dalaga sa kanya.

"W...wala. Ganyan lang ba isusuot mo?" Tiningnan siya ng binata mula ulo hanggang paa. Nakaramdam siya ng kaunting balisa sa ginawa nito ngunit hindi siya nagpahalatang apektado siya.

"Teka lang, kung hindi ako nagkakamali, beach ang pupuntahan natin 'di ba? Ano'ng gusto mo? Magjogging pants ako?" Pilit na ngiti ang ginagawa ni Beatriz sa binata. Napansin naman niya kaagad na impit itong tumawa. Napangiwi tuloy siya at pinuntahan ang mag-fiancee.

"James, sa 'yo ako sasakay." Rinig niyang sigaw ni Jun habang bitbit ang isang basket na may lamang pagkain saka isinampa sa motorsiklo ni James.

Nilingon niya sa Claire at Mark. Kaagad na sumampa ang kaibigan sa likod ni Mark.

"Hmmm, Triz, paki-abot ng bag sa 'kin." Turo nito sa medyo kalakihang itim na bag na may mga lamang bihisan nina Mark at Claire. Padabog na dinampot naman niya kaagad iyon mula sa grass at inabot sa kaibigan.

Nag-aalangang nilingon niya si Gabriel. Tahimik lamang itong nakasampa sa sariling motorsiklo.

"Hindi ka na kakasya yata rito, Triz. Kunin mo na ang bag mo sa loob at sumakay ka na sa may espasyong motorsiklo." Utos ni Claire sa kanya. Walang lingon-lingon na tinunton niya ang bag sa loob.

"Dyan ba ako sasakay?" Kaagad na wika niya kay Gabriel nang makalabas siya. Napansin niya kaagad ang pagkabigla nito.

"Ma...maliban nalang kung gusto mong lakarin ang limang kilometro. Pero hindi naman ako papayag. Sakay na." Senyas nito sa kanya. Walang sali-salitang sumampa naman kaagad siya sa motorsiklo ng huli.

Tahimik na binaybay lamang nila ang daan. Minsan ay gusto niyang hampasin itong si Gabriel dahil pakiramdam niya ay sinasadya nito ang madalas na pabiglang pagbrake na siyang dahilan nang paminsan-minsang pagkasubsob niya sa likod nito.

"Okay ka lang?" Bungad kaagad sa kanya ni Claire nang makababa na siya mula sa motorsiklo ay nakabusangot siya at diretsong tinungo si Claire.

Kiming tumango siya at tinulongan ang kaibigang nilapag ang mga pagkain at kagamitan nila sa buhangin. Maiging nilanghap niya ang malamig na hangin na tumatama sa kanyang balat. Malinis ang dagat at asul na asul. Tila ba hinihila siya nitong ilunod ang katawan niya roon. Napansin niyang umupo sa buhangin sina James at Gabriel kasama si Jun. Mayamaya pa ay nagsimula siyang maglakad. Wala pa namang ibang tao roon at sila lamang lalo na at maaga pa.

Hey, Mr. Soldier (Gabriel) - Featured at No Ink ABS-CBN PageWhere stories live. Discover now