38 ♡

426 7 0
                                    

Angeline Joy Pov"s

Huminto ako kakatakbo ng makakita ako ng isang puno sa likod ng building na toh umupo lang ako sa sobrang pagod ko pero hindi masagi sa utak ko yung nakita kong kwintas na letter C dun sa lalakeng kulay brown ang buhok

"Angeline" pamilyar ang boses

Pag harap ko laking gulat ko nasa harapan ko ay si Cassandra

"Bakit ka andito?" Kunot noo kong tanong kay Cassandra

Umupo siya sa tabi ko pero umusog ako ng konti sa kaniya .."You need to talk" aniya

Tumingin ako sa lupa at gumuhit ng pangalan ko .."Go" mahina na sambit ko pero di ko siya kinakausap

"Angeline hindi kasama si Cloud sa nag-yare sayo kanina dun" aniya pero di ko magawang maniwala sa sinabe niya

"Talaga lang ah? Eh magkakaibigan kaya sila" aniya ko habang patuloy na ginuguhit ang pangalan ko sa lupa

"Hindi siya ganun" mahina na sambit niya na para bang may sinasabe .."Mali ang pag kilala mo sa kaniya" aniya

Pinunas ko ang lupa sa kamay ko sa aking palda at humarap ako sa kaniya .."Paano moko mapapaniwala?" Aniya ko

Ngumiti siya sa akin pansin na pansin ko ang mukha niya na ganun kaamo ganun kabait at ganun katahimik

"Anong gagawin mo kung pinaasa ka ng lalakeng akala mo ikaw ang gusto?" Tanong niya sa akin at kumuha ng isang dahon at pinunit-punit niya

Kunot noo akong humarap sa kaniya dahil sa binigay niyang tanong .."Magagalit malamang" aniya ko

Ngumiti siya ng mapait habang sinabayan ng salita ang sagot ko sa tanong niya .."Nasaktan lang siya dahil dumating ang babaeng totoong mahal ng lalakeng minamahal niya" aniya

Hinawakan niya ang kamay ko at inabot sa akin ang dahon na ganun na lamang kakulay ..."Nag-babago ang tao dahil nasasaktan" aniya at tumayo .."Hindi ganun kadali humilom ang sugat kung yung sakit andun parin sa puso niya" aniya at tuluyan umalis

Sa pag-alis niya muling bumalik ang sakit na naramdaman ko nung yung Pamilyang akala ko ay masaya yun pala may tinatago na sakit

-FLASHBACK-

When i was Grade 7 Student masaya akong umuwe sa bahay namin kasama si Mommy Yaya excited akong ipakita kayla Mommy at daddy ang Nakuha kong Medalya sa Slogan Contest na aking sinalihan

"Mommy yaya! Faster" sigaw ko kay mommy yaya at hinila ang kaniyang kamay papasok sa bahay namin

Inikot ko ang buong bahay namin pero wala akong Makitang Mommy at daddy ko

Sa isang kwarto ...

Pumasok agad ako papunta sa kwarto nila Mommy at daddy sinundan agad ako ni Yaya mommy At hinila papunta sa kaniya

"Anak ano kasi pwedeng mamaya mona ipakita yan sa mommy at daddy mo" aniya nagtataka pero gustong gusto kong ipakita ang medal sa kayla Mommy at daddy

Pag tapat ko ng pintuan ng kwarto nila mommy at daddy rinig na rinig ko

Rinig na rinig at buong buo ang sinasabe ni mommy kay daddy

"Hindi ka man lang naawa sa nag-iisang anak natin! Ano ba" sigaw ni Mommy habang umiiyak

Nagtataka pero bakit nag aayos ng damit si Daddy

"Hindi lang kayo ang pamilya ko!" Sigaw ni daddy

"May anak rin tayo!" Sigaw ni mommy

"May pamilya nako kaya tabi!" Sigaw ni daddy at tinulak si Mommy sa kama agad akong pumasok sa Kwarto nagagalit pero hindi ko maiwasan hindi umiyak

"M-may ibang Pamilya ka?!" Sigaw ko kay daddy hindi sumagot si daddy pero pinanoon lang ang aking sariling daddy na may ibang Pamilya

Nag umalis si Daddy ang laking pinag bago ni Mommy hindi siya yung masaya, hindi niya makuhang mag tuwa pero lage siyang nasa kwarto niya at umiiyak

Totoo ang sinasabe ni Cassandra

Nagbabago ang isang tao dahil nasasaktan sila ... Nasasaktan sila ng taong pinaka mamahal nila

-END OF FLASHBACK-

Hindi ko napansin pumapatak na pala ang luha ko dahil naalala ko nanaman nung iniwan kame ng daddy ko dahil may iba siyang pamilya

"Nakita ko si Cassandra na galing dito anong ginawa niya sayo?" Nagulat ako sa boses ni zack kaya agad-agad akong tumayo sa kinauupuan ko

"Ano kasi wala ah" aniya ko na putol-putol

Tinignan ako ni Zack na nagtataka .."Are you Crying?" Aniya

Kaya agad-agad kong pinunasan ang luha ko at umayos sa harap niya .."No Hindi ako umiiyak lets go?" Aya ko sa kaniya para bumalik pero naalala ko yung dalawang lalake na nag protekta kay Cloud

Pahakbang na sana si Zack pero pinigilan ko muna siya ..."Teka Kyut na Animal" tawag ko sa kaniya kunot noo siyang humarap sa akin sa pag tawag ko sa pangalan niya ..."Iam Kidding Zack Fair" bawi ko sa kaniya

"Sino yung dalawang lalake kanina? bago ba sila" aniya ko

Kinuha niya ang kamay ko at nilagay rin sa kamay niya ..."Malalaman mo yan pag pumunta tayo sa Performing Arts may meeting para sa new grade 10 student" aniya at pumunta na kame sa performing arts

Hindi ko maiwasan hindi isipin sino yun may halong excitement kung sino ang dalawa pero wag naman sana na kumampi sila sa dalawa

Hindi rin maalis sa isip ko nung sinabe sa akin ni Cassandra dama ko naman tama ang sinasabe niya hindi ganun si Cloud maging siya kasi halos ang amo ng mukha ng dalawa hindi ko nga makitaan ng makapal na lipstick or make up hindi katulad ng Azi at Lhady na yun parehas Punyeta

------------

Keep Reading! ✊💖

++Dont Forget Votes , Share , And Comment

Facebook Account Official
+Aileen Joy Rafales Sorio

Twitter Account
+@PandaSorbetes

Instagram Account
+Beatboxgirl9

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon