Other People Point Of view
"Sa tingin moba naniwala siya?" Tanong sa akin ni Jin habang inikot-ikot ang Alak sa baso niya
"I dont think pero sure akong kaya niyang makiramdam sa taong peke at hindi" aniya ko
Sana lang hindi ako mali sa pag-titiwala ko sayo para ikaw ang maging dahilan ng unang hakbang ko papalapit sa PMIA
******Flash Back******
Pumunta kami sa palaisdaan at dun kumuha ng lakas para sabihin ang totoo
"Umpisahan mo ng mag-salita late nako sa klase ko" aniya nito
Mahina ang pag-kakasabi pero bakas sa mukha na gusto niyang malaman ang sasabihin ko
"Alam kong dati kapa nag-aaral sa PMIA" ngisi ko bago ko ituloy ang kwento ko ..."at alam kong alam mo ang di pantay na patakaran at tingin ng mga mataas sa school na yun sa mga mabababa na katulad ko" ngisi ko
Para bang bumalik ang hapdi sa puso ko ng muli kong sinubukan isipin ang alala ko sa school na yun
"Ikaw mahirap? Nag-papatawa ka ata" ngisi nito sa akin pero di parin mawala ang tingin sa dagat
"Dati" mahina na sambit ko
"Dati kinakaya-kaya lang nila ako" ngisi ko rito pero di maalis ang galit na nararamdaman ko ..."Dati halos ipag-kait nila sa akin ang pangarap ko!" Dahan na boses ngunit di ko maiwasan naka kuyom ang kamao ko ..."Pangarap ng magulang ko! Na pag-aralin ako sa mataas na Paaralan at sikat!" Giit ko ..."yun lang ang gusto ng mama ko! Pero dahil sa mahirap ako inalis nila ang karapatan ko bilang batang may pangarap" ngisi ko di ko maiwasan hindi lumuha sa galit na nararamdaman ko habang inaalala ang bawat pahina ng buhay ko sa Paaralan na naging isang masamang pananginip para sa sarili ko
"Napaka daming Estudyante pero iilan lang ako minamahal at pinapansin" sambit ko rito sa pag-patuloy ng kwento ko dahan-dahan siyang tumingin sa akin at pinag-mamasdan ang mga mukha ko ...."Naranasan kong masaktan hindi lang physically mas masakit Mentally" giit ko
WAG KANG IIYAK ! ALALA NA LANG LAHAT TO
"Yung feeling na bukod tangi ako dahil isa ako sa di mayaman sa estudyante nila" tumawa pako parang baliw pero yung luha ang di mapigilan ..."Binubukod pa nila ako?!" Sigaw ko ..."Bakit?! Dahil ba mahirap ako!" Sigaw ko sa kawalan ng di kona magawang pigilan ang galit ko ..."Sa tuwing kuhaan ng Card sa isang sirang Room kinikita ang Mama ko! Kasama ng iilang Estudyante na kapwa mahirap at kawawa sa paningin nila" inis , galit ! At sakit ang nararamdaman ko sa tuwing naalala ang lahat ng to ..."Bully!" Sigaw ko .."Sampal! Masasakit na salita yung ibubukod ka nila sa tuwing klase at kuhaan ng card kahit matalino kapa wala silang pake sayo basta mahirap ka!" Galit na sigaw ... hindi ko magawang dumilat napa pikit na lang ako sa kawalan at umiiyak ..."Ta*gina! Bakit?! Dahil ba mahirap kame! Yung card gusot?! Naranasan kong tabunan ng tira nilang pag-kain sa harap ng maraming tao! Sa tuwing mag-rereklamo ka wala silang pake sayo!" Sigaw ko halos nanlumo ako ng maalala ko lahat ng hirap ko sa punyetang paaralan na to!
Nagulat na lamang ako sa tikom niyang bibig at dahan-dahan pinunasan ang luha ko at niyakap ako
"Hindi ko naranasan ang naranasan mo" aniya nito ..."pero yung kaibigan ko danas ang naranasan mo" sambit nito sa akin
NAAALALA NIYA PAKO!
Hindi ko alam kung anong pakiramdam ang dapat kong maramdaman ng marinig ko ang salita na yun sa kaniya...
"Ka-kaibigan mo?" Putol-putol na sambit ko kasabay ng pag-pigil ng luha ko
"Oo.." mahina na boses ang narinig ko ..."isa rin akong saksi sa naranasan niya" aniya nito ..."pero di ko alam kung nasan na siya ngayon" malamig na boses nito
Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa kaibigan niya maging sa akin ..."wag kang mag-alala naalala ka pa niya.." aniya ko rito
**************
--------END OF FLASHBACK!----------
------------
Keep Reading! ✊💖
++Dont Forget Votes , Share , And Comment
Facebook Account Official
+Aileen Joy Rafales SorioTwitter Account
+@PandaSorbetesInstagram Account
+Beatboxgirl9
BINABASA MO ANG
Tadhana
Teen Fiction[COMPLETE] Pinag-lalaruan ata ako ng tadhana.. Pinag-tagpo pero hindi maari hanggang dulo..