Dare 3

66 5 0
                                    


Lovelyn Pov

Nandito na ako ngayon sa harap ng classroom namin ,Natatakot akong pumasok kasi baka mahalata ni Maica na namamaga yung mata ko lalo natong kamay ko na nangingitim na ngayon

hay! bahala na si Super dog

Pagkapasok ko palang ay , si Maica na ang nakaharap ko seryoso syang nakatingin sakin na para bang ibenibestigahan ang katawan ko

laking gulat ko nalang ng bigla niyang nakita ang kamay kona nangingitim ,agad ko naman itong tinago sa likod ko tumingin siya sa mata ko at agad ko naman itong iniwasan

Nagulat naman ako ng bigla niyang hinila ang kamay ko

at

Dinala niya ako sa

CLINIC?!

"Bes ok~~" hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil sumabat siya

"Tumahimik ,ka ,!  Nurse pakigamot po ng kamay niya at yung gasgas sa braso"

Braso? agad ko naman tinignan ang braso ko , Hindi koto napansin, may malaking gasgas ako sa braso ,Nakuha ko siguro to sa pagkatulak sakin ni Becca 

"Bes hindi nakailangang gamutin tong kam~~Aray po, Dahan dahan lang po Ate"  sabi ko sa nurse habang iniinda yung sakit.

"Sinaktan kananaman nila! Jusko ko Lovelyn! Magsumbong kasa daddy mo!" sa mukha palang ni maica ay parang papatay na siya ng tao, kaya nga ayaw kung nagagalit si Maica eh nakakatakot

"Bes naman, matanda nasi daddy,baka mapano pa yun! okk lang ako promise ,Ako pa!" kinakabahan kong sabi, hindi ko tuloy matignan sa mata si Maica dahil natatakot ako baka kainin niya akong wala sa oras huhu

"Dun kanalang tumira samin, Tutal wala naman dun ang mga parents ko,"

"Baka magalit sila"

"Bes, mas okay sakanila yun para may kasama ako sa bahay"

"Bes salamat pero wag na"

magsasalita sana siya pero sumabat na ako

"Bes, Okay lang ako kapag hindi kona kaya Ako pamismo ang pupunta sa bahay niyo"

"Lovelyn, magsabi ka sakin kapag sinaktan ka nila, NAKU! LANG! kukurutin ko isa isa ang mga singit  nila o di kaya ipapakain ko sila sa mga kalahi nilang demonyo"

"Salamat bes"

"tse!"

……

"Sige bes ingat ka" paalam ni Maica

"Sige bes"

Pagkatapos ay pumunta ako sa classroom ni Niro pero sarado na ang classroom nila dali dali naman akong pumunta sa may gate baka mahabol ko pa siya

At hindi nga ako nabigo

"Niro hintay!" sigaw ko at tumakbo papalapit sa kanya pero napano tong asawa ko, TULALA YATA?

"Oi sorry na ah, "

"Okay lang" wala sa sarili niyang usal 

NIRO POV

hindi kona pinuntahan si Pandak sa classroom nila dahil gusto ko mauna na akong umuwi

Kunwari galit parin ako sa kanya

Pagkadating ko sa gate ay nagkusa nalang akong  tumigil sa paglalakad

Tumingin ako sa likod ko pero wala siya

Bat ko ba siya hihintayin! bahala siya ,aalis na sana ako ng bigla nalang may sumigaw sa pangalan ko

Tumakbo siya papalit sakin ,
napako nalang yung tingin ko sakanya , gusto kung wag siyang tignan pero ayaw gumalaw ng katawan ko

Dare to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon