Dare 11"Lovelyn " sambit niya
biglang nanigas ang katawan ko , kung hihingi nanaman siya ng tawad hindi ko alam kung papakinggan ko ba siya o hindi
Nakaramdam ako ng panlalabo ng paningin kaya agad akong tumakbo ,Ayaw kung makita niya akong umiiyak
rinig ko ang pagtawag niya sakin pero hindi ko ito pinansin
***
huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa bahay namin pero laking gulat ko na narinig ko ang isang pamilyar na boses
"Umalis na kayo "
"papa?"
agad namang napaharap sakin si papa
"Lovelyn totoo ba , pinapahirapan kaba dito"
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko? Pano niya nalaman?
"Sagot!" sigaw ni papa
"H-hindi po"pagsisinungaling ko sabay tungo
" Oh , diba mahal ko ang anak mo Robert pantay pantay ang pagmamahal ko sakanila" sabi ni tita rita
"Lovelyn wag kang magsinungaling, sinabi sakin ni Niro "
si Niro? kailan pa?
"Bat hindi mo agad sinabi sakin , at ano to ha! iba yung school na pinapasukan mo"
huminga ng malalim si dad bago siya nagpatuloy"Umalis na kayong tatlo dito " sabi ni papa
"Ano! pagkatapos n~~~" hindi na natapis ang sasabihin ni Tita Rita ng biglang inabot ni papa ang isang card.
"Oh ito ,(sabay abot sa isang card) sayo nayan, nasa
100,000 pesos ang laman niyan, " agad naman itong kinuha ni tita"Tutal pera lang naman yung habol niyo, At nagsign na ako ng annulment para sa ating kasal "
kita ko ang pagkagulat ni tita rita
"Ano? Annulment ?" gulantang usal ni Tita
"Oh ayan, " inabot ni dad ang isa pang card kay tita, agad namang ngumiti silang tatlo
"O sige , papayag na ako, sige na mag impake na kayo mga anak" napailing iling nalang si dad , Talagang pera talaga ang habol nila
***
"Nak, ikaw muna ang pumila ,may kailangan muna akong gawin at dun ka muna umupo sa babaeng nakajacket na itim. Maliwanag ba?" sabi ni dad
kumunot naman ang noo ko
"Bakit naman po?"
"Wag ng maraming tanong sige na " sabi ni dad sabay alis , nakapila ako ngayon dito sa isang foodchain , pagkatapos kasi ng pangyayari kanina ay niyaya ako ni papa na kumain kami sa paborito kung kainan ang jollibee ,Gusto niya kasi akong makabonding dahil matagal tagal naring hindi kami nakabonding mag ama , Humingi nadin ng patawad sakin si papa sa dinanas ko kila tita rita pero Todo Okay naman ako kay papa , wala naman talagang kasalanan si papa eh kasalanan ko naman
Sinabi ko na din kay dad ang tungkol sa sakit ko , kaya bukas na bukas ay ipapacheck up daw ako ni papa , Ngayon nasana ako magpapacheck up kaso wag nalang gusto ko munang makabonding si papa
Hay! Naalala ko tuloy si Niro
pagkatapos ng order ay agad ko nang dinala ang tray sa dapat kung uupuan
tinignan ko muna ang babaeng tinuro sakin si dad ,agad naman akong napaupo sa harap niya
"Hi, ahh pwede po bang makiupo muna may hinintay lang kasi ako" sabi ko sakanya , laking gulat kong agad niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit , Mas lalo akong nagulat ng tinanggal niya ang buhok niya na Wig lang pala pagkatapos ay tinanggal niya ang jacket niya
at ang huli niyang ginawa ay tinanggal niya ang shade at mask niya
BINABASA MO ANG
Dare to Love
RomanceMeet Lovelyn Roxas,palabiro,masiyahin,slow minsan,hyper,pandak,cute at ang panghuli ay patay na patay kay Niro Fuentes. Wala siyang pakialam kung ano ang sabihin o isipin ng iba basta ang mahalaga ay nagmamahal lang siya. Palagi niya itong sinusund...