Prologue
Hindi ko alam kung kailan nagsimula itong panaginip na ito. Basta isang gabi habang natutulog ako nanaginip na lang ako nang hindi pangkaraniwang panaginip.
Nandito na naman ako sa walang tigil na pagtakbo. Hindi ko alam kung ano o sino ang tinatakbuhan ko basta ang alam ko pagod na ako, ayyy, mali PAGOD NA PAGOD NA AKO.
Hindi ko alam kung saan ang hangganan ng daan na ito o kung may katapusan pa ba ito.
Tagaktak na nga ang pawis sa noo ko,pati na din sa leeg, pati yata kili-kili ko pawis na din. Hayst.
'Wait... Who's that?' Tanong ko sa aking sarili. Nandito na naman kasi yung lalaki eh I mean yung misteryosong lalaki sa panaginip ko. So, nananaginip na naman ako?
Kahit nasa malayo nakikita ko pa rin ang katawan niya. Kahit nakayuko siya mahahalata mo pa rin na matangkad siya, sobra.Kung titignan mo siya hanggang baba niya lang yata ako. Maputi-puti din yung mga kamay niya. Pero, as always naka black na cap na naman siya habang nakasuot ang sumbrero ng hood niya na black din, nakablack rip jeans din,at black rubber shoes (yung pamorma). Men in black ang peg niya. Aba naman, manliligaw ko ba 'to? Char.
"W-who are you?" Tanong ko out of curiousity. Alam kong sa sarili ko ay nagtatapang-tapangan lang ako.
Sino ba ang manhid na may pakiramdam? Ayy,wala palang ganon, manhid na nga eh meaning wala nang nararamdaman, parang yung crush mo na wala paring nararamdaman para sa'yo. Pero seryoso, sino ba ang shungang gustong makaranas ng mga ganitong panaginip? At ang tangang hindi matatakot sa lalaking to?
"A-ahh.. e-excuse me?" Heto na naman yung kaba ko. Tumigil ako sa pagtakbo, sakto sa harapan niya pero malaki pa rin ang distansya namin sa isa't isa.
Hindi pa rin ito umiimik. Bingi ba 'to? Eh pipi? Hindi kaya both?
Kahit kinakabahan ay nagsalita pa rin ako"H-hello?" Sambit ko at may pa wave pa ng kamay pero teh, matigas si kuya, wa effect.
Akmang huhubarin niya na yung cap at face mask niya nang biglang...
Nagising ako.
YOU ARE READING
The Boy in my Dreams
Mystery / ThrillerBawat gabing dumadaan sa buhay ni Louise Mendoza siya ay nababaliw. Yeah, nababaliw... nababaliw sa kakaisip kung sino ba talaga yung lalaki sa panaginip niya. Ilang araw na kasi siyang nananaginip na may bulto ng lalaki ang naroroon. Hindi lang ito...