'My dreams at the other world' basa ko sa pamagat ng librong hawak ko.
Nandito ako ngayon sa national bookstore para sana bumili ng mga materials na gagamitin ko sa project namin pero dahil sa librong ito hindi pa ako nakakapaghanap ng mga gagamitin ko.
Ang ganda kasi ng bookcover nito. Super fancy. Yung background ay nasa other world kasi makikita mo yung galaxy na may maraming star na kumikinang, makikita mo rin yung planet earth at yung moon. Meron ding castle sa bandang ilalim na natatakpan ng ulap. May makikita ka ding babaeng nakaluhod na parang nakaupo sa rock formation na may ibon sa daliring nakataas. Ang ganda ng babae, mukhang dyosa sa suot niyang black na dress.
Gusto ko sanang bilhin kaya lang wala akong pera. Xoxad :<
Nakatayo lang ako habang ninanamnam ang design nito. Anong lasa? Basta, maganda sa mata, yun na 'yon, HAHAHA. Tumingin ako sa kaliwa at kanan para tignan kung saan nakalagay ang librong katulad nito.
Luh, parang out of stock na. Nag iisa na lang eh.
"Lord, sana wala pa pong makabili nito hanggang sa makapagipon ako at bumalik dito para bilhin 'to. Please Lord. Advance thank you po." Mahinang panalangin ko.
Incoming call from Mamc~
"Hello, sweetie." Matamis na bungad ni mama pagkasagot ko sa tawag.
"Mama!" Bati ko. Sana all matamis. I'm not a sweet person kasi kaya napapa-sana all na lang ako :(
"How are you sweetie? Are you okay there in the Philippines? Cause I heard that it's hot there. Is your apartment okay? Do you have problem in it? Is it too small? Too big? Are you comfortable in there? Anak, tell me." Natawa na lang ako sa mga tanong ni mama. Last week is my 20th birthday and my wish is to be independent. It's not that I don't want to be with my parents, I just want to experience being independent like I want to know how to do house works, how to budget money correctly and especially how to live without the help of others.
"Grabe ma, paranoid? Anyways ma, I'm ok naman here in the Philippines. Filipinos are so kind. They help me to arrange my apartment and oh I have friends here. Besides, i'm already old and ma, it's my wish. You and papa just granted it. Just take care there in America." Paliwanag ko kay mama. Mama and papa are in America while me, i'm here in the Philippines.
"Okay sweetie ,bye. I love you."
"Bye ma, love you too."
Call ended
"Miss?"
"Miss!"
"MISS!" ayy, p***a. Ang ingay. Sino ba kasi yung miss na 'yon?! Bakit hindi pa kausapin ang bwisit na tumatawag sa kanya ? Kainis eh.
Pinakiramdaman ko kung saan mas malakas ang tinig ng tumatawag. Sa kaliwa? Parang mahina eh. Sa kanan?
"Miss!" Lintik. Sa kanan nga. Tumingin ako sa kanan para sana panuorin kung ano ng ganap pero laking gulat ko ng... ako pala yung miss.
"Ganda sana kaso bingi... sayang" Sabi niya pero naguluhan ako sa bandang huli niyang sinabi. Binulong na lang kasi sa hangin.
"A- Ehem... A-anong sabi mo?" Na s-stutter na tanong ko pagkaharap. Ang gwapo kasi mga te. Ang macho pa. Nakakadistract tuloy. Hmp.
"Wal– Xoey?" Luh, na-stutter din? Nagandahan siguro sa'kin. Enebe? #marupokSiAko pero ano daw? Xoey? Ba't alam niya pangalan ko? Gano'n na ba ako ka famous kaya kilala niya ako? Charot.
Tinignan niya ng mabuti ang mukha ko hanggang sa paa ko. Parang chinecheck niya kung kilala niya ba talaga ako o namamalikmata lang siya.
"Xoey Escoto?" Banggit niya sa buong pangalan ko kaya dali-dali akong tumango. Kaganda talaga ng pangalan ko. "Oh, fvck! It's really you." He said and run his fingers in his hair at biglang na lang lumabas ng store na parang nakakita ng multo. Mukha ba akong multo? Oo maputi ako pero hindi ako multo.
Binalik ko na yung libro sa pinagkuhanan ko. Pagkahakbang ko ng isa kong paa may naapakan akong matigas na bagay. Tumingin ako at "I.D?" tanging naibulalas ko.
"Wallace Strife." ito yung lalaki kanina ah.
Why his name is familiar? his face too. Then, awhile ago, he asked me if I am Xoey Escoto. How did he knew it? Ugh, he's really familiar to me.
Sinapo ko yung ulo ko dahil sa biglaang pagkirot. Habang tumatagal ay pasakit ng pasakit. Hanggang sa parang binibiyak na ito. Ugh. Ang sakit tan** Nakayuko lang ako habang sapo sapo ko yung ulo ko nang hindi ko na mapigilan ay dahan dahan na akong bumagsak sa sahi- huh?
"Miss?"
"Miss!"
Bwiset na miss 'yan. Kanina pa 'yan. Kahit masakit pa rin ang ulo ko sinikap ko paring masilayan kung sino ang nagmamay ari ng boses na iyon. Hindi niya kasi kaboses yung kaninang tumatawag sa akin ng miss kaya nacurious ako.
"Are you okay?" Mababakas mo sa mata niya ang pagaalala. Kaya pala hindi ako nasaktan kasi sinalo niya ako. I feel safe but here we go again, "Y-you... you look familiar." Mahinang bulong ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.
YOU ARE READING
The Boy in my Dreams
Mystery / ThrillerBawat gabing dumadaan sa buhay ni Louise Mendoza siya ay nababaliw. Yeah, nababaliw... nababaliw sa kakaisip kung sino ba talaga yung lalaki sa panaginip niya. Ilang araw na kasi siyang nananaginip na may bulto ng lalaki ang naroroon. Hindi lang ito...