-PART 4-

462 41 1
                                    

(Happy 200+ reads! Maraming maraming salamat sainyo readers!)

<Simple hi and hello>

Tan's POV

Hello sainyo! Ako nga pala si Christian Johannes Red Roncal Van Velden pero pwede nyo kong tawaging Tan.Nakatira ako ngayon sa Parañaque para mag-aral at mag-trabaho...ang Pamilya ko ay nasa Davao dahil dun naman talaga ako nakatira,lumipat lang ako dito dahil may opportunities sa pag-aaral at sa pagt-trabaho tsaka dito rin nakatira ang paborito kong Tita kaya dito na ako tumira.

"Tan! Pakibigay nga 'to kina Lola Eliza at Lolo Gardo bilang pasasalamat na rin natin sa pagtulong nila sa pagpapatayo ng ating Sari Sari Store.."Sigaw sa akin ni Tita habang nagwawalis ako ng kwarto ko.

Sina Lola Eliza at Lolo Gardo ay kapit bahay lang namin,tinulungan din nila kami sa pagpapatayo ng maliit na negosyo ni Tita na Sari Sari Store.Kahapon lang ito napatayo pero marami ng bumibili.Ang anak ni Tita ang nagbabantay nito dahil wala pa itong pasok,samantalang ako tutulong naman pag wala kaming pasok.

Bumaba na agad ako at nakita ko si Tita na binabalutan ng dahon ng saging ang bico na ginawa nya at inilagay ito sa mahabang plato.

"Akin na Tita.."sabi ko at iniabot saakin ni Tita ang bico.

"Magpasalamat ka Tan ha?"paalala ni Tita sakin.

"Opo Tita"sabi ko at ngumiti sakin si Tita bago ako lumabas ng bahay.

Dumiretso ako sa bahay nina Lola Eliza at Lolo Gardo.

Kumunot naman ang noo ng marinig ang ingay galing sa bahay nila,halatang nagkakasiyahan.Anong meron?

"Ano kayang meron?may dumating ba sa bahay nila?"bulong na tanong ko sa sarili ko.

"Ayt,bahala na"sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad hanggat sa marating ko ang pintuan ng bahay nila.

Kumatok muna ako
"Lolo,Lola si Tan 'to"sabi ko

At agad naman akong pinagbukasan pero mas kumunot ang noo ko ng dalaga ang nagbukas nito.

"Sino ka?"tanong ko.

"Who are you?"tanong nito pabalik.

Ay,ingleshera pero mukhang Pilipina.

"Ako nga pala si---"di ko natapos yung sasabihin ko dahil may ibang nagsalita.

"Tan!ikaw pala..pasok!"si Lola Eliza pala.

Binigyan naman ako ng daan nung inglesherang babae.Sinundan ko naman san papunta si Lola Eliza at narating namin ang kusina.Meron duon isang lalaki na parang mas matanda pa sakin tapos isang batang lalaki at napa-cute nya tapos may babae dun na parang mama na tignan.

"Ito nga pala si Tan,kapitbahay namin at napakasipag nitong batang 'to"pakilala sakin ni Lola Eliza.Ngumiti naman ako sakanila at ngumiti sila pabalik maliban dun sa inglesherang babae,blanko ang mukha nito.Tss,maganda sana kaso snober at di marunong ngumiti.

"Vince this is Tan,Tan this is Vince..apo ko"paliwanag ni Lola dun sa lalaking mas matanda sakin tignan,parang 18 na ito.Nag wave naman ito sakin at ngumiti kaya yun din ang ginawa ko.

"Nice to meet you Tan"malalim na sabi nito,ingleshero pero mukha ding Pilipino..ano 'to?
Kahit naguguluhan ako eh ngumiti nalang ako.

"Nice to meet you Vince,um how old are you?"tanong ko,kina-reer ko na ang pag-e-english.

"18 years old,call me Kuya Vince cause I think you're still--"pinutol ko na ang sinabi nya.

"I'm still 15,Kuya Vince"sabi ko at nagshake hands kami tapos tumatango-tango sya habang ngumi-ngiti.

"Ashley this is Tan,Tan this is Ashley"pakilala ni Lola Eliza sa babaeng ingleshera.

"Hello,Ashley"sabi ko at iniabot ko yung kamay ko para makipag shake hands pero tinitigan nya lang ito.

"Ehem.."kunwaring ubo ko upang abutin na nya ang kamay ko.Inabot nya naman ito.

"Hi,Tan"sabi nya at nakipag shake hands.Parang may kuryenteng dumadaloy sa kamay ko kaya agad ko itong tinanggal sa kamay nya.

"Tan this is Kith,their mother"pakilala nya pa dun sa babae na mama na nga.

"Nice to meet you Ma'am Kith.."magiliw na sabi ko
Natawa naman sya.

"Naku ijo,Tita Kith nalang itawag mo sakin"sabi nya

"Sige po Tita Kith"sabi ko.

"Karl this is Kuya Tan,Tan this is Karl"pakilala ni Lola Eliza sa cute na batang lalaki,sarap pang-gi-gilan.

"Hello po Kuya Tan!"cute na sabi nito habang nakangiti.

Ngumiti ako sakanya.
"Hi Karl! You're so cute.."sabi ko.

"Thank you po Kuya Tan"sabi nya at ngumiti naman ako ng malapad.

Agad itong lumapit sakin at niyakap ako at sinigaw-sigaw na 'Kuya Tan! Kuya Tan! Kuya Tan!' natawa nalang ako sakanya pati narin sila maliban ulit kay ingleshera--kay Ashley.

"Tan anak ko 'tong si Kith tapos yang tatlo ay apo ko,pure silang Pilipino at Pilipina pero lumaki itong mga apo ko sa Australia kaya ganyan magsalita..mga ingleshera at ingleshero konti lang alam nila sa pagTa-Tagalog..kanina lang sila dumating galing Australia dahil kaylangan ng anak kong si Mae ng katulong sa trabaho nya at nami-miss rin namin ni Gardo tong mga apo namin kaya dumito muna sila."mahabang paliwanag ni Lola Eliza..napa tango tango naman ako.

"Ay,oo nga pala,ba't ka napapunta rito Tan ijo?"tanong ni Lola Eliza kaya ipinakita ko sakanila ang bico.

"Pinapabigay ni Tita bilang pasasalamat sa pagtulong nyo po Lola Eliza at Lolo Gardo sa pagpapatayo ng negosyo nyang maliit na sari sari store..alam nya pong maliit na bagay lang po ito bilang kapalit sa malaking tulong nyo po pero sana po tanggapin nyo.."mahabang sabi ko,napangiti naman si Lola Eliza.

"Maraming salamat dito ha?pakisabi sa Tita mo na wala akong hinihintay na kapalit sa pagtulong namin sainyo pero salamat..nasa kwarto nga pala si Gardo..tulog pa"sabi ni Lola Eliza,natatawa sa huli nyang sabi..

"Tulog mantika talaga,oo nga pala..sakto nandito kana ijo,saluhan mo na kami meron kaming onting salo salo sa pagdating nila Kith at ang mga apo ko"sabi ni Lola.

"Ay wag na po Lola,nakakahiya naman po"sabi ko.

"You're so pa-humble pa..you want it naman,annoying"mahinang bulong ni Ashley pero narinig ko ito,Tsk.Di ko nalang pinansin pero inaamin ko na-cute-an ako sa pagTa-Tagalog nya ng may halong English.

"Eh sayang naman ijo,sige na,paminsan lang naman ito eh"nanghihinayang na sabi ni Lola Eliza.

"Sige nalang po,basta mabilis lang po ako dito po ha?may ginagawa pa po kasi ako sa bahay eh"sabi ko,diko nalang tinanggihan..masama tumanggi sa grasya diba?

Napangiti naman si Lola sa sinabi ko.
Kaya ayun..nagsalo salo na nga kami..may pinaguusapan sila pero tahimik lang ako.Dun ko lang din nasilayan ang tawa at ngiti ni Ashley.Maganda sya pag ganun..sana lagi syang ganyan at di nag-susungit...

PS:
Sana po patuloy kayo sa pagsubaybay sa storyang ito...maraming salamat mga kahel!(kahit sa di kahel dyan pero nagbabasa nito,maraming salamat din)

Author:
Click the star their to vote..
Comment what do you think on this part at comment section!
Share this story to others.
Thank you!😘

-ashtan_kaori18-

Follow me at:
Instagram-@ashtanwarrior

(I need 4+ votes to publish the next part..thank you!)

Mr. Makulit and Mr. Right (AshTan Fanfic Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon